APTR – 17

744 Words
"Anong meron?" Mula sa papalayong ambulansiya, nalipat ang tingin ko kay Ginto na mukhang kadarating lang mula sa pagpapractice. Nakatayo ito sa likod at tulad ko, pinagmamasdan din nito ang pag-alis ng maingay na ambulansiya. Nakasabit sa kanang balikat nito ang kulay asul na gym bag, habang nasa kaliwang kamay naman nito ang isang makapal na notebook. Basa pa ang buhok nito na halatang hindi man lang nadaanan ng suklay. Hindi rin maayos na naibutones ang polo nito.  I frowned. Bakit ko nga ba dinedescribe ang lalaking ito? Awtomatiko rin itong kumunot ng bumaling sa'kin. "Agang-aga nakasimangot ka." walang babala nitong ipinatong ang makapal na notebook sa ibabaw ng ulo ko at saka binanat ang magkabilang side ng mukha ko. "Ayan, smile." Lalo kong nilukot ang mukha ko saka ko kinuha ang notebook niya sa aking ulo. Bahagya ko itong ibinato sa dibdib niya, sinalo niya naman ito dahilan para mabitiwan niya ang pisngi ko. "Ang bad mo talaga Tine." tumatawang pahayag nito bago ako inakbayan at iginiya patungo sa room namin. "Pero loves pa din kita." hirit pa nito. Siniko ko siya pero tumawa lang si Ginto at hindi inalis ang pagkakaakbay sa'kin. "Sino nga pala 'yung isinakay sa ambulansiya?" "Si Mr. Diaper.."  Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako. "Pinagtripan mo na naman siya?" he seriously asked. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagbibigay niya ng Yakult o dahil sa panlilibre niya sa'kin ng lunch at snacks. Hindi ko sigurado kung dahil kay Alwina na muntik na niyang maging jowa o dahil sa nakakahawa niyang ngiti o pagtawa. Hindi ko matandaan kung dahil sa minsang pagpapahiram niya ng payong o dahil sa palagian niyang pagsalo sa mga punishments ko. Wala akong ideya kung paano at kailan nagsimula.. basta naging instant close na lang kaming dalawa. Bigla na lang akong naging komportable sa presensiya niya. Sobrang komportable na kahit ata sa pagkurap niya, malalaman ko na kaagad ang mood nito.  At isa sa iniiwasan ko was his serious face na nakikita ko lang  everytime na gagawa o may ginawa akong pranks.  "Nope."  Upon hearing my answer, kaagad itong ngumiti at ginulo ang buhok ko. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad but instead of putting his hands on my shoulders again, kinuha nito ang dala kong back pack at siya na mismo ang nagbitbit. I wonder, kung shoulder bag kaya ang dala ko.. kukunin din niya?  "Anong nangyari kay Nixon?" tanong nito pagdating namin sa room. Kaagad itong nagbuklat ng notebook at nagsimulang magbasa. May quiz ba kami? "Inatake na naman ng kabaliwan." bahagya itong nag-angat ng tingin. "Hinabol niya ko dala-dala ang isang malaking kawali."  I heard him chuckled. "Hindi ba't sinabi mo sa kanya kahapon na kakausapin mo lang siya kung magdadala siya ng kawali."  I remember that, ang kulit kasi ng lahi ng isang 'yun. Ilang beses ko ng pinagtabuyan, lapit pa rin ng lapit.  "Exactly. Kaya ko nga sinabi 'yun para hindi na niya ako guluhin." I rolled my eyes. "Sinong matinong tao ang magdadala ng kawali sa school?" "Ilang beses mo ng sinabi, baliw si Nixon." then he winked. "Parang ako, baliw sa'yo."  I just ignored his last remarks. Nagkunwari na lang akong busy sa paglalaro sa cellphone ko. Kailan kaya ako masasanay sa pabigla-biglang banat ng Ginto na'to?! This is bad. "Teka Tine, hindi ko pa rin gets.." tinakpan nito ang screen ng cellphone ko. "Anong connect ng kawali sa pagsundo kay Nixon ng ambulansiya?" "Dadalhin na siya sa mental."  Napanganga naman ito bago ako sinimangutan. Natawa kasi ako sa expression ng mukha niya. Sa laki ng pagkakaawang ng bibig nito, pwede ko ng i-shoot ang cellphone ko. "Ang epic mo talaga." hirit ko pa, nanatili naman ang pagkakasimangot nito kaya itinigil ko na ang pagtawa at ikinuwento sa kanya ang nangyari. "Katangahan ang pinairal ng lalaking 'yun, tama ba namang bitbitin 'yung kawali habang hinahabol ako? Ayun, hindi niya nakita 'yung hagdanan. Mula third floor, gumulong siya pababa kasama 'yung kawali niya." "Malala ba?" seryoso na namang tanong nito. Kinakabahan talaga ako kapag seryoso ang Ginto na ito. I just shrugged at tinapik na ang kamay nitong nakaharang pa rin sa cellphone ko. "Manonood ka ba ng game namin this Friday?" muling tanong nito, ignoring what I'm doing with his hand. "Manood ka para ganahan naman akong maglaro." "Manonood ako." he smiled. "Panonoorin ko si Kevin Garnett." Awtomatiko nitong inilayo ang kamay nitong kinukurot ko at iritang binalingan ang notebook. "Wag ka na nga lang manood." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD