Kabanata 81 S A B R I N A Nakarating kami sa bahay niya nang hindi kami nag-uusap. Ramdam ko na galit na talaga siya sa akin ngayon. Mas mabuti na iyong ganito kaysa naman umaarte siya na parang maayos kami kahit ang totoo hindi naman talaga. Umaasa lang ako at lalong nahuhulog sa kanya. Ayoko na munang isipin siya ngayong araw. Ilalaan ko muna ang oras ko sa anak ko para masulit ko naman itong araw na kasama ko siya. Mabuti na lang at wala naman na ang Mom niya dito. Siguro ay nasasanay na rin si Alexander na matulog nang hindi pa dumadating ang Daddy niya. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit kailangan niya pang sa bahay ko magpalipas ng gabi. Bakit hindi na lang siya doon sa babae niya matulog. "Yaya Sabrina, can I ask you something?" nakalabing sabi ng anak ko habang naglala

