Kabanata 80 S A B R I N A Pagkatapos naming maghaponan ay umalis na rin kaagad si Sander. Siguro makikipagkita ulit siya doon sa ka-date niya kagabi. Ewan ko. Wala naman na dapat akong pakialam pa doon. Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin. Alam ko naman kung ano lang ang lugar ko sa buhay niya. Pampalipas oras lang siguro ako para sa kanya. Gusto niya akong paasahin para magantihan ako sa pang-iiwan ko sa anak namin. Sa sumunod na araw ay mas lalong naging busy sa opisina. Hindi na rin naman ako pinuntahan pa ni Sander sa office o sa bahay ko dahil busy daw siya base sa mga messages niya sa akin. Hindi ko alam kung kailan pa siya nahilig sa pagte-text pero nitong mga nakaraang araw na hindi kami nagkikita ang hilig na niya akong i-text at tawagan. Nung mag sabado ay pumunta ako

