Kabanata 79 S A B R I N A Nang dumating ang mga pagkain namin ay kumain na kami kaagad ni Sander. Humikab ako habang nililigpit ang mga pinagkainan namin. Nakita iyon ni Sander kaya lumapit siya sa pwesto ko at tinulungan na ako sa pagliligpit. Hinayaan ko lang naman siyang gawin iyon. "You look tired. Magpahinga ka na," aniya sa isang malambing na boses. Hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi niya. Pinapatulog na niya ako? Akala ko ba narito siya para... Napailing ako. "Hindi na. Taposin ko na ito," sabi ko. Tumango lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Nang matapos kami sa pagliligpit ay sumunod siya sa akin papasok sa kwarto. Pinanuod niya lang akong mahiga sa kama bago niya pinatay ang ilaw. Lumapit siya sa pwesto ko at yumuko upang mahalikan ako ng padampi sa aking labi. "Good ni

