Kabanata 78 S A B R I N A Maaga kaming natapos sa gawain namin ngayon kaya naisipan kong dalawin ang anak ko. Wala naman si Sander ngayon dun dahil magkikita nga sila ng Mom niya. Bahala na kung magtaka si Madel sa biglaan kong pagpunta doon. Ang alam niya kasi ay tuwing weekends lang ako may pasok. Hindi naman na siguro ako tatanungin nun. Hindi na nga ako kinakausap nun kapag hindi kailangan. Parang umiiwas na ewan. Siguradong iniisip nun na may relasiyon kami ni Sander kaya hindi na niya ako tinatarayan pa. Hindi ko naman pwedeng itanggi dahil baka lalong maghinala na may tinatago kaming kung ano ni Sander. Nag-doorbell ako ng isang beses at naghintay na mapagbuksan ng pinto. Ngunit laking gulat ko nang ang ina ni Sander ang magbukas ng pinto. Bahagyang umawang ang mga labi ko pagka

