091

2111 Words

Kabanata 91 S A B R I N A Nang dumating ang ama ni Sander ay agad na niya akong hinatid sa apartment ko. Ayaw pa nga niya akong iwanan kaya lang ay kailangan siya ng kanyang ina kaya pinilit ko siyang bumalik na lamang sa hospital. Sinunod naman niya ako dahil mukhang hindi rin naman siya mapalagay hanggat hindi nalalaman ang kalagayan ng ina. Umaga nang pumasok ako ay agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko. Nangunguna na roon sina Shiela at Melisa. Sinundan pa talaga nila ako hanggang sa lamesa ko para lang ipakita ang newspaper na hawak nila. "Ikaw ba 'to?" tanong ni Melisa habang ipinapakita ang isang larawan sa dyaryo kung saan magkalapat ang mga labi namin ni Sander. Nakatalikod ako sa kumuha ng litrato kaya hindi nakuhanan ang mukha ko pero ang mukha ni Sander ay kitang-kita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD