Kabanata 90 S A B R I N A Magkahawak ang kamay namin ni Sander habang paakyat sa kanyang condo. Hindi mabura-bura sa mga labi ko ang ngiti dahil sa labis na kasiyahan. Hanggang ngayon para pa din akong lumulutang sa alapaap sa sobrang saya. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na mangyayari ito. Hindi ko kailanman naisip na maari niya rin akong magustuhan. Masiyado kasi siyang mataas para sa akin kaya ang mahalin niya ay sobrang laking bagay para sa akin. Ngunit agad na naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang makita kung sino ang nasa condo ni Sander kasama ang anak ko. Agad na dumako ang tingin ng ina ni Sander sa amin pababa sa magkasalikop naming mga kamay. Namilog ang mga mata nito. Kitang-kita ko ang pagdaan ng takot sa mga matang 'yon. Sinubukan kong kumawala mula sa magkasalikop n

