Kabanata 89 S A B R I N A Lunes nang ihatid ako ni Sander sa opisina ko bago siya pupunta sa opisina naman niya. Mabuti na lang at hinatiran siya ng kanyang isa pang assistant ng mga damit nung sabado kung hindi ay napilitan na siguro akong sumama sa kanya sa condo niya. Ayoko muna kasing madaliin ang lahat. Hindi ko pa rin naman sigurado kung matatanggap ako ng anak ko. Paano kung ayaw naman pala niya ako doon. Hindi ko yata kakayanin iyon kapag nagkataon. Gusto ko na lang magtiwala sa mga sinabi ni Sander na agad akong matatanggap ng anak ko. Kung sabagay siya naman talaga ang lubos na nakakakilala kay Alexander. "Dito na ako. Mag-ingat ka," sabi ko nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng building kung nasaan ang opisina namin. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang dampi

