Kabanata 31 S C A R L E T T Naghahanda na ako sa pagtulog nang marinig kong may gumalabog mula sa kwarto ni Sander sa itaas kaya agad akong kumilos at nagtungo sa kwarto niya. Halos madapa pa ako sa hagdan habang pumapanik. Hindi na ako kumatok pa at agad na binuksan na ang pinto ng kwarto ni Sander. Mabilis na lumapit ako sa pwesto niya at nang makitang duguan ang kanyang kamay ay napasinghap ako. "A-Anong nangyari?" tanong ko sabay kuha sa kamay niyang duguan ngunit marahas naman niyang binawi iyon mula sa pagkakahawak ko. Ano bang problema nito at parang ang init ng ulo kanina pa? "Leave," walang ganang sabi niya. Patago ko siyang inirapan. "Kailangan magamot kaagad natin ito. Baka mapaano pa ito e," sabi ko habang tinitignan ang duguan niyang kamao. Ano ba kasing pinaggagawa niya

