Kabanata 32 S C A R L E T T "Hi Madam!" bungad ko kay Madam nang puntahan ko siya sa bahay niya. Nasa salas lang siya at nagbabasa ng dyaryo. Mukhang walang ganap si Madam at nandito lang sa bahay. Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin mula sa binabasang dyaryo. Napangisi siya pagkakita sa akin. "Buti naman at naisipan mo pang dumalaw dito," bungad na sabi sa akin ni Madam. "Kakauwi lang kasi namin galing Paris, Madam. Para namang hindi ko yun nasabi sa inyo," sabi ko bago naupo sa tabi niya. "Nabanggit nga sa akin ni Philip na nakauwi kayo kagabi. Mukha ka daw masaya. Bakit ha? Anong nangyari sa Paris na ikinasaya mo?" Agad na nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa namin ni Sander sa suite bago kami umuwi dito. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Philip at bakit tingin n

