Kabanata 42 S C A R L E T T Gabi na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Sander. Hindi pa ako nakakatulog dahil hinihintay ko rin talaga siyang tumawag. Bago kasi siya umalis kanina ay nagsabi siya sa akin na tatawag siya kaya hinintay ko talaga itong tawag niya kahit kanina pa talaga ako inaantok. Mula nang magbuntis ako ay naging antokin na talaga ako pero pinigilan ko talaga ang sarili kong makatulog dahil ayoko namang madismaya si Sander kapag hindi ko nasagot ang tawag niya. Hindi ko alam kung iyon nga ba talaga ang rason ko o gusto ko lang talaga siyang makausap dahil kahit isang gabi lang kaming hindi nakapagsabay kumain ay pakiramdam ko namimiss ko na siya. Lintek! Tinamaan na nga talaga. "Hello," masiglang bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya. Di ko mapigilang matuwa nang

