Kabanata 41 S C A R L E T T Sa mga sumunod na araw ay mas lalong naging maayos ang tungo namin sa isat-isa ni Sander. Mas nagiging malapit kami sa isat-isa kahit na medyo busy siya sa trabaho niya at kay Yakira. Kapag umuuwi naman siya ay palagi kaming nagkukwentuhan hanggang sa pareho na kaming antokin at magpasiyang matulog. Minsan naman kapag wala kaming mapag-usapan ay nanunuod na lang kami ng mga tagalog na pelikula sa netflix. Alam kong napipilitan lang siya sa mga pinapanuod namin kaya nga minsan nakakatulogan na niya iyong palabas sa sobrang buryo niya siguro sa pinapanuod. Nakakatuwa lang kasi kahit ayaw niya sa palabas ay nagsisikap pa rin siyang panuorin iyon. Hindi siya nagrereklamo na para bang gusto niya lang akong pagbigyan sa mga gusto ko. Napapaisip tuloy ako, siguro kun

