Kabanata 40 S C A R L E T T Humalakhak si Philip nang tuluyan nang makapasok sa kanyang kwarto si Sander kaya agad ko siyang binalingan ng masamang tingin. "Hindi daw nagseselos," mapanuyang sabi niya. "Hindi naman talaga. Concern lang yung sa anak niya," mapait na sinabi ko. Muling humalakhak si Philip sa tabi ko kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Sige na aalis na ako baka mamatay pa sa selos yung gago," tumatawa pa ring sabi ni Philip. Hinatid ko siya palabas ng bahay hanggang sa gate. Hinintay kong makaalis ang motor niya bago ako muling pumasok sa loob ng bahay. Kinabukasan ay maaga nanamang umalis ng bahay si Sander pero syempre mas inagahan ko ang pag-gising para maipaghanda ko pa rin siya ng makakakain. Okay naman kami nung umaga na yun. Hindi ko na rin siya iniiwas

