Kabanata 39 S C A R L E T T Naunang matapos kumain si Sander pero hindi siya kaagad umalis sa upuan niya at pinanuod lamang kaming dalawa ni Philip na magkwentuhan tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang kaya naman binilisan ko na rin ang pagkain ko para sa salas na namin ipagpatuloy ni Philip ang pag-uusap namin. Ang hirap kayang makipagkwentuhan habang may taong nakatitig sa'yo. Lalo na kung yung taong gusto mo pa iyon. Hindi ko maiwasang mailang. "Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?" biglang tanong ni Philip habang inililigpit ko na ang mga pinagkainan namin. Tumayo na rin si Sander at tinulungan ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Napatingin tuloy ako sa kanya. Tumaas ang kilay niya. "Ako na dito. Mas mabuti kung magpahinga ka na,

