Kabanata 26 S C A R L E T T Kinaumagahan ay maagang umalis si Sander. Sinama niya si Terry kaya mag-isa tuloy akong naiwan dito sa suite. Wala akong magawa kaya napagpasiyahan kong manuod na lang ng palabas kahit hindi ko maintindihan masiyado ang pinapanuod ko dahil puro english ang nakikita kong palabas. May mga asian movies naman peron ganun din. English pa rin iyong nakalagay na lyrics sa baba. Hindi ko alam ang tawag duon kaya lyrics na lang ang itatawag ko. Basta iyong translation sa baba english pa rin kaya hindi ko maintindihan. Wala ako mahanap na tagalog dito. Nakakainis. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaintindi sa pinapanuod ko. Mas mabuti pa siguro kung patayin ko na lang ito. Sasakit lang ulo ko lalo e. Kakain na lang siguro ulit ako. Inabot na rin ako ng tanghali kakatanga

