Kabanata 52 S C A R L E T T Pagpasok ko sa banyo ng mga babae ay tinignan kong maigi ang sarili ko sa salamin. Mapait akong napangiti nang mapagtantong napakalayo pala talaga ng agwat namin ng babaeng kasama ngayon ni Sander. Sa kilos niya pa lang alam mo nang may sinabi sa buhay at halatang may pinag-aralan. Walang wala ako. Talong talo na agad ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sobrang nasasaktan ako ngayon na makita ulit silang magkasama dahil kitang-kita naman na mas bagay talaga sila sa isat-isa. At ako? Kahit kailan hindi ako magiging bagay para sa isang katulad ni Sander. Wala akong karapatang masaktan dahil wala naman kami pero bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko? Ang sakit. Sobrang sakit at wala akong magawa para mawala yung sakit na nararamdam

