Kabanata 51 M U T Y A Tinupad ni Philip ang sinabi niya na ipagsa-shopping niya ako. Marami siyang pinamiling damit para sa akin. Mga damit na hindi ko madalas isinusuot dahil hindi naman ganun ang mga trip kong suotin. Pero hinayaan ko na lang siya dahil sobrang natutuwa talaga akong panuorin siyang pilian ako ng mga damit. Hindi rin naman siya baduy mamili kaya hindi na rin ako umangal. Pakiramdam ko tuloy gusto na rin niya ako dahil sa ginagawa niya. Malaking halaga ang inabot ng mga pinamili niya sa akin kaya sobrang nagtataka talaga ako ngayon kung saan nanggaling ang pera niyang ipinangbayad sa mga pinamili naming. May pera pala talaga siya? Hindi ako makapaniwala. Di ba tambay lang siya? Paano siya magkakapera sa pagtambay niya? “Saan galing pera mo?” Nakangising bumaling siya s

