Kabanata 75 S A B R I N A Wala akong masabing hindi maganda sa araw na yun. Sobrang perfect ng araw na ito para sa akin dahil hindi kami nagtalo ni Sander sa buong pamamasiyal namin. Nakakatuwa lang kasi kahit papaano ay hinahayaan na niya akong mapalapit sa anak namin ng husto. Hindi tulad noon na kapag napapalapit ako masiyado kay Alexander ay gustong gusto na niya kaming paglayuin. Ngayon parang ibang tao ulit siya. Tahimik lang siya habang hinahayaan niya akong makipag-bonding sa anak ko. Hindi siya madalas makisali sa amin na para bang hinahayaan niyang masolo ko muna ang anak namin. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kaya lang baka magbago pa ang timpla niya kaya hindi na lang muna ako nagsalita. Okay na muna ako sa ganito na nakakasama ko sa pamamasiyal ang anak ko. 'Tsaka na s

