Kabanata 62 S A B R I N A Kinuwento ko lahat kay Madam at Philip ang mga nangyari sa akin sa nagdaan na limang taon. Kahit hindi tanggap ni Madam ang dahilan ko kung bakit ako lumayo ay masaya pa rin siya na nakapagtapos ako ng pag-aaral. Noon pa man ay siya na talaga ang may gustong mag-aral ako. Gusto nga niya ako noong pag-aralin. Ako lang itong may ayaw dahil ayoko namang madagdagan pa lalo ang mga utang ko sa kanya. Sobrang laki na ng utang na loob ko kay Madam at ayoko nang dagdagan pa iyon. Masiyado na siyang maraming naitulong sa akin. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya sa akin. Habang kumakain kami at nagkukwentuhan ay naisipan kong tanongin si Philip tungkol sa kanila ni Terry. Hindi ko lang kasi mapigilang mapaisip kung sino ba talaga ang ama ng anak ni Terry. May hawig kasi

