Kabanata 61 S A B R I N A Sinamahan ako ni Terry papunta sa opisina ni Sander. Sobrang kinakabahan talaga ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin napaghandaan ang sasabihin ko kay Sander pag nagkaharap na talaga kami. Nanghihina yung mga tuhod ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko anumang oras ay tutumba na lang ako dito. Bakit naman ganito? Hindi ko alam na sobrang nakakakaba palang humarap sa kanya pagkatapos ng maraming tao na hindi ako nagpakita. "Sigurado ka bang handa ka na? Halatang kinakabahan ka," ani Terry habang hinihintay naming lumabas ng opisina ni Sander yung ka-business meeting nito. Hindi naman kasi kami pwedeng basta na lang pumasok sa loob. Kailangan pang ipaalam ni Terry kay Sander na narito ako bago ako makapasok sa loob ng opisina niya. Yun ay kung pa

