Kabanata 60 S A B R I N A May mga inasikaso pa ako sa school bago ako tuluyang lumuwas pa-Maynila. Sa totoo lang sobra talaga akong kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil natatakot akong makaharap ulit si Sander pagkatapos ng lahat. Galit kaya siya sa akin? Ginawa ko lang namang iwanan ang anak namin dahil ayokong makagulo pa sa kanila ni Yakira. Pero kung galit man siya sa akin ngayon maiintindihan ko yun. Haharapin ko ang galit niya makita ko lang ulit ang anak namin. Hindi ko nga lang alam kung paano ko siya hahanapin ngayon. Gusto kong subukang puntahan siya sa dati niyong condo kaya lang paniguradong hindi rin ako paaakyatin doon pwera na lang kung hihintayin ko siya sa lobby. Kailangan ko nga din palang humanap ng trabaho habang nandito ako sa Manila. Una ko

