Kabanata 55 S C A R L E T T “Scarlett, mauna na muna ako. Balik na lang ulit ako mamaya para may kasama ka dito,” paalam ni Terry nang matapos sila sa pag-uusap ni Madam. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagpaalam na din siya kay Madam bago tuluyang lumabas ng silid na kinaroroonan namin. Hindi manlang niya pinansin si Philip na nasa tabi ko. Tumaas ang kilay ni Madam sa anak na para bang binabasa ang reaksiyon nito. Ngunit parang baliwala lang kay Philip ang pagkikita nilang muli ni Terry. Teka. Nakapag-usap na ba sila ulit ni Terry? Parang nung isang araw lang hinabol niya pa ito para makapag-usap sila tapos ngayon nandito na ulit siya sa harapan niya ay parang wala lang sa kanya? Ang gulo rin nitong lalaking ito. Siguro nakapag-usap na sila ulit hindi ko lang alam dahil hindi naman

