Kabanata 35 S C A R L E T T Pagkatapos naming makausap ang doctor na tumingin sa akin ay agad na rin naman ako nitong pinauwi. Nauna na sa amin si Philip. Hindi nga manlang nagsabi na umuwi na pala talaga siya. Akala ko nasa labas lang at hinihintay kaming matapos na mag-usap ni Sander. Umalis din pala agad. Habang nasa sasakyan kami ay pareho kaming tahimik at hindi nag-iimikan. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ano dahil kanina pa salubong yung kilay niya. Siguro naiinis siya dahil hindi ko agad sinabi sa kanya noong una pa lang na masama na ang pakiramdam ko. Sinisisi niya kaya ako sa nangyari? Ang sabi kasi ng doctor baka daw dahil sa stress kaya nangyari sa akin yung kanina kasi kung pagod naman ang dahilan napaka-imposible naman noon kasi nandito lang naman ako sa bahay a

