Kabanata 85 S A B R I N A Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon. Pinakain ko muna siya at pinagpahinga ng konti bago ko siya hinayaang magmaneho pauwi. Nag-text din naman agad siya nung nakarating na siya sa condo niya. Inantay ko pa talaga ang text na yun bago nakatulog. Natatakot lang kasi ako na maulit yung nangyari sa kanya noon. Ayoko nang maulit pa yun. Maaga akong nagising kaya nagkaroon ako ng oras para ipaghanda ang sarili ko ng almusal. Kailangan kong mag-almusal kung hindi ay baka magpadala nanaman si Sander ng kung ano sa opisina ko. Hindi naman sa ayaw kong pinapadalhan niya ako ng kung ano. Umiiwas lang talaga akong makantiyawan. 'Tsaka nakakahiya naman kung araw-araw si Sander ang sasagot sa breakfast ko. May sarili naman akong trabaho at pera para ipanggastos

