Kabanata 66 S C A R L E T T Nang matapos makapag-almusal ang mag-ama ay nanuod naman ang mga ito ng animated film sa salas. Nakakatuwa lang makitang binibigyan ng oras ni Sander ang kanyang anak kahit alam kong sobrang busy niya sa trabaho. Sa closeness nilang dalawa ngayon halatang madalas silang mag-bonding. Lalo lang tuloy akong nakonsensiya. Si Sander lahat gumawa ng mga bagay na ako dapat ang gumagawa para sa anak namin. Wala manlang siyang katuwang nung mga panahon na kailangan niya ako para alagaan si Alexander. Lalo na siguro nung mga panahon na sobrang liit pa ni Alexander at sobrang kulit. Mas lalo kong gusto mainis sa sarili ko. Ang dami kong sinayang na panahon para lang pala sa wala. Hindi rin pala sila nagkatuluyan ni Yakira sa huli. Napabuntong hininga ako habang pinapanuo

