Kabanata 67 S C A R L E T T "Saan ka galing? Bakit basa ang buhok mo?" nakakunot ang nuong tanong sa akin ni Madel nang bumalik ako sa kusina. Bakas sa tingin niya ang pagkainis sa akin. Agad akong nag-isip ng palusot upang hindi niya kami mabuko ni Sander. "Natapunan kasi ako ng kape kaya nagbanlaw lang ako sandali sa banyo," hindi makatingin sa kanyang sabi ko. Mas lalong sumama ang hilatsa ng kanyang mukha. "Galing ako sa CR kanina, wala ka naman doon. Saan ka nagbanyo?" Tumaas ang kilay nito. "S-Sa kwarto ni Alexander," napapakagat sa labing sagot ko. Ang dami namang tanong ng babaeng ito. Kung makapagtanong siya parang siya ang boss ko kahit hindi naman. Konti na lang talaga mapapatulan ko na 'tong babaeng 'to. Nakakapang-init na din ng ulo eh. Wala naman akong ginagawa sa kanya

