Kabanata 68 S A N D E R Damn it! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko yun sa kanya. Hindi ko magawang pigilan ang galit ko kapag nakikita ko siya. Bumabalik lahat ng ginawa niya noon kung paano niya ako napaikot at napaniwalang iba siya sa mga babaeng nagtatrabaho sa isang club. Ayokong maging malambot ulit sa kanya dahil alam kong gagawin niya lang ulit sa akin ang ginawa niya noon. Papaniwalain nanaman niya ako sa mga kasinungalingan niya. Heck! I won't let that happen. Kung hindi siya nagtagumpay sa gusto niya noon mas lalong hindi niya makukuha ang gusto niya ngayon. Hinding hindi ko hahayaang makuha niya ang lahat sa akin lalong lalo na ang anak ko. Hindi mapapasakanya si Alexander kahit anong mangyari at sisiguraduhin ko yun. "Kailangan mo?" iritadong bungad ni

