Kabanata 46 S C A R L E T T Tumatawa si Philip habang pinapanuod akong natutulala pa din sa pwesto ko. Bakit naman kasi ganon? Tanggap ko na nga na hindi para sa akin si Sander pero bakit naman siya ganito sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang umasa. Ayoko na nga sabing umasa. Tanggap ko nang hindi niya ako mamahalin tulad ng pagmamahal niya kay Yakira pero sa tuwing ganito ang turing niya sa akin ay hindi ko pa din talaga mapigilang mangarap at umasa. Ang hirap hirap! Ayoko naman na siyang iwasan ulit dahil alam ko namang wala namang mangyayari kung iiwasan ko siya. Hindi gumana yung unang beses na iniwasan ko siya. Wala na nga sigurong paraan para makawala ako dito sa nararamdaman ko para kay Sander. Ang tanging paraan lang na naiisip ko para tuluyan ko siyang makalimutan ay ang lumayo sa

