001

2402 Words
Kabanata 1 S C A R L E T T "Mag-isa ka lang ba nakatira dito? Ayos ah. Ang sarap sigurong maging mayaman. Ilang babae na ba ang naiuwi mo dito?" kuryosong tanong ko pero tinignan lamang niya ako at hindi manlang sinagot ang tanong ko. Ay ganun? Attitude din pala itong si kuya. Required ba talaga na kapag mayaman ka tapos hot ka pa eh kailangan suplado ka? Dami ko kasing napapanuod na ganun eh. Yung mayayamang lalaki sa mga teleserye na kung umasta napakayabang at arogante pero pagnakahanap na sila ng babae na tatapat sa kanila eh bigla na lang magiging mabait. "Ang sarap nitong hotdog ah in fairness." Wala na akong masabi kaya yun na lang ang sinabi ko. Bakit ba? Eh ang sarap naman talaga nitong hotdog nila halatang mamahalin di kagaya ng hotdog na mumurahin na makikita mo lang sa palengke itong hotdog nila iba eh. Malasa. Parang yung hotdog niya masarap din. Ay ano ba yan! Tigilan mo nga ang mga kababuyan mo sa buhay Scarlett, mahiya ka naman kumakain ka pa pero kung ano-anong kamunduhan yang pumapasok sa isip mo. "Taposin mo na ang kinakain mo para makaalis ka na," malamig na sabi niya. "Ang sungit mo naman. Broken ka siguro," sagot ko kahit alam ko namang broken talaga siya. Wala nga siyang ibang bukang bibig kundi yung babaeng nag ngangalang Yakira. Medyo masakit sa feeling dahil habang nag-aanuhan kami eh ibang babae ang nasa isip niya. Ay wow, Scarlett may ganun? May pagsakit na ng feelings? Eh kasi naman crush ko na talaga tong lalaking ito nuon pa man kaya lang biglang hindi ko na siya nakita simula nung may nangyari sa amin. Inis na inis pa nga ako sa sarili ko nun dahil hindi ko man lang inalam yung pangalan niya tapos nagpakama na ako. Siya ang nakauna sa akin at siya pa lang ang nakakagalaw sa akin. Bakasyonista siya nuon sa lugar namin nung makita ko siya. Unang kita ko palang sa kanya nagustuhan ko na talaga siya pero yun nga lang sa kasamaang palad di ko man lang nakuha ang pangalan niya. "Pwede ba taposin mo na lang ang kinakain mo?" "Nagbreak kayo ng jowa mo 'no? Kwento ka naman. Saka ano nga palang pangalan mo?" "Nabayaran na kita di ba? Now pwede ba taposin mo na lang ang kinakain mo para makaalis ka na?" "Ang sungit mo naman. Pangalan mo lang naman ang hinihingi ko para namang may mawawala sayo kapag sinabi mo sakin ang pangalan mo," sabi ko. "Sander," walang ganang sabi niya bago tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng kusina. Bigla akong napangiti. "Sander? Pano ko naman kaya siya mahahanap sa sss kung first name niya lang ang sinabi niya. Napaka damot naman kasi," bulong ko. Ipinag patuloy ko na lang ang pagkain ko dahil mukhang hindi na natutuwa sa akin yung Sander na yun. Ayoko pa sana umalis eh. Ngayon ko na lang ulit siya nakita tapos aalis na kaagad ako? Hindi ko nanaman siya makikita ulit. Eh kung tanongin ko kaya siya kung nakikilala niya pa ako? Kaya lang imposible namang makilala niya pa ako eh ang laki na ng pinagbago ng itsura ko ngayon. Saka bata pa ako nung makilala ko siya hindi pa masyadong litaw ang ganda ko kaya imposibleng maalala niya ako. Pagkatapos kong kumain ay niligpit at hinugasan ko muna ang mga pinagkainan ko. Masama lang ugali ko pero hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para iwan na lang basta ang mga pinaglamunan ko dito. Mabuti nga at pinakain niya pa ako eh. Magpapaalam pa ba ako sa kanya? O aalis na lang ulit ako ng basta tulad ng ginawa ko nuong may mangyari samin dati. Nung magising kasi ako sa isang hotel tapos katabi ko siya halos magpanic ang buong pagkatao ko dahil syempre naman 'no, first time ko yun. Kaya ayun sa sobrang hiya ko nilayasan ko na agad siya bago pa man siya magising. Simula nun hindi ko na siya ulit nakita kahit kailan. Gaya nang hindi ko na din siya nakalimutan matapos nun. Palabas na sana ako ng unit niya nang sakto namang lumabas na din siya sa kanyang kwarto. Nakapang-business attire na siya mga bes at masasabi kong mas hot pala siyang tignan kapag nakabihis siya ng ganito. Letse! Ano bang klaseng nilalang ito? Tao pa ba to? Napakagwapo niya bes. Napakasarap pa. Ewan ko lang talaga kung hindi ka malove at first sight sa taong ito. Napakaswerte naman ng babaeng mamahalin nito. "Papasok ka na?" tanong ko. Oo alam ko ako na intrimitida. "Ah Sander, pwede ba pasabay na din ako kahit hanggang sa may sakayan lang. Hindi ko kasi alam kung saan sakayan dito eh," sabi ko pero ang totoo gusto ko lang talaga maka-experience sumakay sa sasakyan ng isang gwapong binatang tulad niya. "Ikukuha na lang kita ng taxi," aniya. "Ah hindi na. Sige na kaya ko naman na siguro mag-isa," sabi ko at lumabas na ng unit niya. Napakadamot naman ng taong yun. Parang magpapahatid lang. D'yan lang naman sa kanto yung sakayan. Parang allergic na allergic naman siya sa akin. Ang mga lalaki nga naman. Pagkatapos nilang magpakasarap bigla ka na lang nila babaliwalain na parang hindi mo sila napasaya. Ewan ko ba kasi sayo Scarlett bakit ka ba kasi pumayag magpakama sa lalaking ito. Porket crush mo siya nuon binigay mo na agad. Ang gaga mo din eh. Habang naglalakad ako ay kamalas-malasan namang naputol yung takong ng suot suot kong sapatos. Malas naman oh. Di bale marami naman akong kinita makakabili na ako ng panibagong sapatos. Yun nga lang uuwi ako ngayon na nakayapak. Di ko naman pwedeng suotin pa ito ng ganito. Magtaxi na lang kaya ako? Kaso magkano din aabutan nun hanggang sa bahay. Bahala na nga. Wala naman akong magagawa. Biglang may sasakyang huminto sa harapan ko kaya naman agad akong nagtaka. Bumukas ang bintana ng sasakyan at agad na bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni crush. Tumaas ang kilay ko. Anong kailangan nito? Akala ko ba ayaw na ayaw na niyang makita ang pagmumukha ko at kung makapagtaboy siya kanina akala mo may nakakahawa akong sakit. "Saan ka ba nakatira?" aniya mula sasakyan. "Sa tondo," sagot ko naman. "Sumakay ka na. Ihahatid na kita." Di makapaniwalang agad akong sumakay sa sasakyan niya. Mahirap na baka magbago pa ang isip sayang din 'tong libreng sakay. Mapapamahal pa ako kung magtataxi pa ako. Kahit papano pala may konsensya din tong masungit na to eh. Pagdating namin sa may apartment ko ay inaya ko pa siyang pumasok sa loob pero ang bakla hindi man lang bumaba ng sasakyan niya. Suplado talaga. Nagpaalam na ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan niya. Pagkababa ko pa lang ay pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan. "Ang ganda nung sasakyan na yun ah. Mukhang may nadali kang mayaman Scarlett ah!" salubong sa akin ng chismosa kong kapit bahay. "Hay naku aleng Pusing 'yung anak niyo nakita ko dun sa kanto nagwawala nanaman. Mabuti pa kaya kung 'yun muna ang tindihin niyo bago ang buhay ng iba," pagtataray ko na sabi ko. Inirapan ako ng bruha at umalis na. Kala naman niya kinaganda niya yung pag irap irap niya na ganun. Papasok na sana ako sa apartment ko nang biglang dumating ang isa pang bruha sa umaga ko. "At dumating ka na pala. Ano na kailan ka pa magbabayad ng upa mo? Baka akala mo porket gusto ka ng anak ko ay makakalibre ka na." "Magkano ba kailangan mo para matigil ka sa kakaputak mo tuwing umaga dyan? Yung totoo ako ba talaga ang nangungupahan dito sa bulok na pamamahay na ito o yung mga anay? Jusko naman sana man lang bago kayo maningil ginagamot niyo muna tong mga anay dito o kaya pinapaayos niyo man lang yung bubong na butas butas." "Aba! At ikaw pa ang may ganang mag reklamano eh hindi ka nga marunong mag bayad." Dumukot ako ng ilang libo sa sobreng ibinigay sa akin ni Sander kanina at nilahad ko yun sa babaeng nasa harapan ko. "Oh ayan! Baka naman di ka pa makatulog nyan. Wag na din kayo magalaala dahil lilipat na ako ng pamamahay! Wala akong balak makishare ng bahay sa mga anay 'no!" sabi ko sabay pasok sa loob. "Wala ka talagang utang na loob! Walanghiya kang babae ka!" sigaw nito mula sa labas. Utang na loob? Bakit naman ako magkakautang na loob sa kanya eh kung tutuusin lugi pa nga ako sa binabayad ko dahil sa sobrang panget ng bahay na ito. Panget na nga sobrang luma pa. Hay naku sa laki ng kinita ko kagabi mag hahanap na talaga ako ng bagong matitirahan. Hindi ko na kayang magtiis sa panget na pamamahay na 'to 'no! Makapaligo na nga muna. Kailangan ko pang tawagan si madam dahil for sure nag-aalala na sa akin yun. Hindi ko na siya nakontak kagabi dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ewan ko ba kung bakit pero parang nawala talaga ako sa sarili ko nung gabing yun. Di ko maipaliwanag basta parang biglang nagbago yung mood ko nung halikan ako ni Sander. Ewan ko ba! Pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay tinawagan ko na agad si madam upang makipag kita sa kanya at para na din makapag kwento sa nangyari kagabi. Jusko! Walang duda magagalit talaga sa akin yun kapag nalaman niya na nag pagalaw ako kagabi. Hindi lang kasi kaibigan ang turingan naming dalawa sa totoo lang para na din kaming mag ina. Kasi para na niya akong sariling anak kung ituring kaya sobrang laki talaga ng pasasalamat ko at nakilala ko siya. Kung hindi siguro dahil sa kanya baka nag papagala-gala pa din ako sa kalye at walang-wala. Nag pasya kaming maaga na lang pumasok sa bar upang makapag usap pa kami ng mas mahaba. Pag dating ko sa bar ay agad akong sinimangutan ni madam. "Madaaaaam!" Madali akong lumapit sa kanya ng may paawang mukha. "Anong nangyari kagabi at di na kita nakontak?" nang-iintrigang tanong nito. "Yun na nga madam eh." Ngumuso ako. "Wag mo kong pakitaan ng ganyang mukha Scarlett! Ang sabi sa akin ng mga nakakita sayo sumama ka daw dun sa vip guest natin kagabi. Saan kayo nag punta ha? Wag mong sasabihing kumain lang kayo kagabi dahil nung lumabas daw kayo rito eh nag haharutan pa kayo. Ikaw babae ah! Ipinasok kita dito para kumita at makapag simula hindi para magputa. Nakalimutan mo na ba yung tinuro ko sayo. Isip muna ang paganahin bago yang nasa ibaba. Eh ang sabi ang gwapo daw ng lalaki kaya ka daw pumayag ilabas eh." Napairap ako sa kawalan. "Eh nachismis na pala nila lahat sayo eh ano pang ikukwento ko?" "So totoo nga? Ano bang pumasok sa kukote mo at nagpagalaw ka dun sa lalaking yun? Akala ko ba ginagamit mo yan!" aniya sabay turo sa ulo ko na may kasama pang pagtulak. "Aray ko naman madam!" "Anong aray! Scarlett umayos ka ah! Ang linaw ng usapan natin na hindi ka magpapakama sa kahit na sinong customer. Di ba ang sabi ko hanggang table ka lang at hindi ka pwedeng itake out! Ano ng nangyari sa pangako mo na mag-iipon ka lang at mag-aaral ulit? Ano nawala na? Nakalimutan mo na bigla yung pangarap mo nung makita mo yung poging yun? Hoy Scarlett mag-isip ka nga! Ang lalaki madami sa mundo niyan! Hindi ka mauubusan kaya wag yan ang unahin at atupagin mo! Maghanapbuhay ka at mag-aral ulit para makahanap ka ng matinong trabaho!" "Madam naman! Teka muna kasi pagexplain-in niyo naman muna kasi ako!" Sinamaan lang ako ng tingin ni madam. "Ganito kasi yan. Paano ko ba ipapaliwanag? Ewan ko ba madam! Sobrang weird nung pakiramdam ko kagabi." "Anong ibig mong sabihin?" "Alam ko di kayo maniniwala pero kasi parang wala ako sa sarili ko kagabi. Hindi naman ako uminom pero pakiramdam ko nalasing na agad ako nung halikan niya ako. Nakakapagtaka talaga madam. Ganun siguro ang epekto sakin ng poging yun. Eh kasi naman madam ang hot naman talaga niya tapos ang bango pa kahit lasing na lasing na." "Sigurado ka ba wala kang ininom kagabi? Kahit ano? Miski juice or what? Wala ba siyang pinainom sayong juice?" Umiling iling ako. "Wala. Lasing na kasi siya nung dumating ako pero sa pagkaka-alala ko nagpatimpla ako ng ice tea kay Mika." Biglang lumaki ang mga mata ni madam na para bang may napagtanto sa mga sinabi ko. "That b***h! Sabi ko na nga ba eh." "Bakit madam? Wag mong sabihing may hinalo siyang gayuma dun sa iniinom ko kaya bigla na lang akong nag-init nung halikan ako ng poging yun?" Mabilis akong binatukan ni madam. "Ano bang pinag sasabi mo dyan! Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa sa gayuma na yan! May kung anong gamot siyang hinalo dun sa inumin mo kaya ganun ang naging epekto sa katawan mo. Kahit kailan ka talaga di ka nag-iisip bakit ka kasi dun nagpatimpla, eh alam mo namang may sa demonyo yun?" "Wala. Gusto ko lang utusan siya saka siya naman itong nagpresinta yun pala may balak ang gaga." "Humanda sa akin ang babaeng yun. Kami ang magtutuos mamaya." "No need na madam. Sayang lang oras natin kung papatulan pa natin yung bisugong yun ang importante buhay ako saka madam nag-enjoy naman talaga ako kagabi eh tapos binayaran pa ako." Napailing na lang si madam sa sinabi ko. "Alam mo ba madam ang ibinayad niya sa akin? Six letters." "Anong six letters pinag sasabi mo dyan? Baka six digit!" "Yun nga madam parehas lang naman yun ah." Napahawak sa kanyang nuo si madam habang tinitignan ako ng masama. "Kailangan mo na talagang bumalik sa pag aaral, kung ano ano na yang pinag sasabi mo." "Oo nga madam eh. Alam mo matalino naman talaga ako dati eh kaya lang nung huminto ako sa pag-aaral parang kinalawang na yung brain sperm ko." "Yung ano mo?" takang-takang tanong ni madam. "Si madam bingi na ata. Sabi ko kinakalawang na yung mga brain sperm ko." "Jusmiyo! Brain cells yun! Nakakaloka ka kausap bahala ka na nga muna dyang bata ka. Nahihilo ako sayo," anito at nakahawak sa kanyang nuong nilayasan ako. Napasimangot ako at sandaling nag isip. "Ay oo nga 'no. Sa lalaki lang pala yung brain sperm. Ang bobo ko talaga sa science."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD