Kabanata 2
S C A R L E T T
Mag-aapat na linggo na mula nang mangyari ang gabing iyon at hanggang ngayon hindi ko pa din siya maalis sa isip ko. Bakit naman kasi napakagwapo ng nilalang na yun. Di ko tuloy maiwasang isipin siya. Magkikita pa kaya kami? Siguro 'di siya nag-enjoy sa ginawa namin kaya di na din siya bumalik sa bar. Palagi ko pa naman siyang inaabangan. Di na nga ako halos nagpapa-table kasi gusto ko pagdumating siya available ako. Ang harot ko talaga. Ewan ko ba! Tinamaan talaga ako sa lalaking yun para na nga akong mababaliw kakaisip sa kanya eh. Sinong mag-aakala na may nabubuhay na nilalang na 'sing kisig at gwapo niya? Mygad ang swerte nung babaeng mahal niya.
Sino kaya yung swerteng bruha na yun? Siguro maganda yun saka mayaman tulad niya. Imposibleng magkagusto yun sa dukhang kagaya ko. Oo sabihin na nating maganda ako pero wala naman akong ibang alam sa buhay kundi ang sumayaw at humarot. Hindi niya ako maipagmamayabang sa angkan at mga kaibigan niya. For sure ang tipo ng mga lalaking tulad niya eh yung mga matatalino at mayaman. Wala eh. Ganda lang meron ako, ano namang laban ko?
Nagvibrate ang phone ko na kabibili ko lang sa pawnshop kahapon. Wala kasi akong pambili ng brandnew kailangan kong tipirin yung perang ibinayad sakin ni pogi. Kanina pa pala nagtetext si madam. Napag-usapan kasi naming magkita sa isang coffee shop dito sa mall. Oh di ba sosyal si madam may pa coffee shop pang nalalaman. Di naman ako maka order ng wala siya dahil hindi ko naman alam ang basa sa mga menu dito. Malalate lang daw siya ng konti. Tignan mo itong si madam siya na ang nag aya siya pa ang late. Hay naku. Makaorder na nga bahala na.
Itinaas ko ang kamay ko upang tawagin ang waiter. Agad namang may lalaking lumapit sa tabi ko.
"Kuya bigyan mo nga ako nitong coffee machi ma..." Pota ano bang basa sa hayup na to? Nakakahiya. Nakatitig lang sa akin yung waiter habang inaantay ang order ko.
"Hot coffee na lang pala."
"Copy ma'am! Yun lang po ba?"
"Wait, titingin pa ako ng cake."
"Sure ma'am."
"Ito parang masarap 'to," sabi ko sabay turo na lang sa menu dahil baka magkamali pa ako ng basa nakakahiya naman.
"Isang slice ng blueberry cheesecake po?"
"Oo yun na nga."
"May additional order pa po ba kayo?"
"Wala na yun lang."
"Okay ma'am pahintay na lang po."
Tumango ako at umalis na ang waiter upang ihanda ang order ko. Habang inaantay ko ang kape at cake ko ay napatingin ako sa pinto nang coffee shop. Napanganga ako sa babaeng pumasok duon. Ang ganda niya tapos mukhang sosyal, kasunod niya ang isang lalaking may matipunong pangangatawan. Nang tignan ko ang mukha ng lalaki ay napatakip ako sa aking bibig. Oh my gad! Di ako pwedeng magkamali! Si Sander ang kasama ng napakagandang babae. Agad kong tinakpan ng menu ang mukha ko nang mapatingin sila sa pwesto ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. Wala naman akong atraso sa kanila pero ewan ko ba pakiramdam ko may malaki akong kasalanan dun sa babaeng kasama niya. Paano kung asawa niya pala yan di ba?
Naupo sila sa upuan na medyo malayo sa pwesto ko kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Muling bumalik ang waiter sa table ko dala ang order ko. Humigop ako sa kape ko habang hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa pwesto ng dalawa. Ang ganda nilang tignang dalawa. Bagay na bagay sila. Halata sa mga itsura nila na may mga sinabi sila sa buhay. Bagay na bagay talaga sila.
Sabi ko na eh. Ganitong mga babae talaga ang tipo niya. Yung mukhang matalino saka mahinhin. Hindi kagaya ko halatang taga skwater ang kilos. Ano naman kayang laban ko sa babaeng ito? Mukhang wala na talaga akong pag asa dito kay pogi. Imposibleng ipag palit niya ang babaeng yan sa isang katulad ko lang.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaling sa pwesto ko si Sander. Sandali lamang nagtama ang mga mata namin at kaagad na siyang nag bawi ang tingin. Grabe naman yung tingin niya na yun. Sobrang lamig. Alam niyo yung tingin na halatang walang pake. Tsk! Hindi manlang siya ngumiti or what. Sabagay baka magselos pa yung kasama niya pero grabe naman bakit kung makatingin siya parang hindi niya talaga ako kilala. Yung tipong parang nadaanan lamang niya ako ng tingin. Tsk!
Wala na. Tapos na ang pag papantasya ko sa nilalang na ito. Game over na. Wala naman akong mapapala kung patuloy kong pag papantasyahan ang isang kagaya niya. Malabong mapansin niya ako sa estado ng buhay ko.
"Hay sa wakas dumating ka din madam!" bungad ko kay madam pag dating na pag dating niya.
"Um-order ka na?"
"Anong gusto mo tumanga lang ako dito na parang tanga?"
"Pasensya naman. Nagka-aberya lang. At bakit naman parang ang init init na kagad ng ulo mo dyan?"
Ngumuso ako sa table nila Sander at nung babae niya.
"Huh? Oh anong meron sa mga yun?"
"Nakikita mo yang poging may kasamang babae?"
Tumango naman si madam.
"Siya lang naman yung Sander na kinukwento ko sayo."
Napatakip sa kanyang bibig si madam.
"Ibig sabihin yang napakagwapong nilalang na yan na may kasamang napakagandang girlfriend ang kliyente mo nuong isang linggo?"
"Aray madam. Kailangan talagang ipagdiinan mo na girlfriend niya yang babaeng yan?"
"O bakit di ba obvious? Tignan mo nga ang sweet sweet nila."
Napasimangot ako sa sinabing yun ni madam at napasalongbaba. Hays.
"O ngayon siguro naman nagising ka na sa ilusyon mo. Yung mga lalaking kagaya niyan ay para din sa mga babaeng ganyan. Ngayon kung gusto mong makahanap ng kagaya ng ganyan, magsikap ka at umasenso sa buhay pagkatapos mag-aral ka nang hindi kung ano-anong kalokohan ang pumapasok dyan sa isip mo. Hindi totoo yang mga fairytale-fairytale na yan at mas lalong hindi ikaw si Cinderella kaya wag kang mag-ilusyon dyan na papatol sayo yan."
"Madam nakakasakit ka na ah!"
"Sinasabi ko ito sayo ngayon hanggat maaga pa dahil ayokong umasa ka sa mga pantasya mo na yan."
"Wala naman akong sinasabi ah. Alam ko naman na hindi ako magugustuhan niyang pogi na yan. Makapag-retouch na nga lang muna. Panira kayo madam eh."
Tumayo na ako sa upuan ko upang magpunta sa CR at makapag-ayos. Pakiramdam ko ang panget ko bigla nung makita ko yung girlfriend ni Sander. Ang ganda naman kasi talaga nun pero siyempre di naman yata pwedeng mag papakabog na lang ako sa kanya no. Pagkatapos kong magretouch ay lumabas na ako ng CR. Nanlaki ang mga mata ko nang paglabas ko ay bumungad sa akin ang napakapoging fafa sa balat ng lupa. Nakasandal si Sander sa may pader sa labas ng CR na para bang may inaantay. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay agad siyang lumapit sa pwesto ko at mabilis akong hinila sa may sulok.
"A-Aray ano ba yun?" gulat na sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" seryoso niyang tanong na ikinakunot naman ng nuo ko.
"Hoy wag mo kong pinagbibintangan ng ganyan no! Sa ganda kong ito magiging stalker lang ako?"
"Eh anong ginagawa mo dito?"
"At bakit? Hindi na ba pwedeng magkape ang mga dukha? Kayong mga mayayaman lang ba ang pwedeng magkape dito?" Umirap ako.
"Miss look, ayoko ng gulo. Sana kung ano man yung nangyari sa atin kalimutan mo na yun. Wala ako sa sarili ko that night. Nabasted ako ng babaeng mahal ko kaya naglasing ako nun pero ngayon sinagot na niya ako kaya please lang wag ka sanang gagawa ng ikasisira ng kasisimula pa lang na relasyon namin."
Natouch naman ako dun. Sana all. Hays, kaya naman pala eh. Ang swerte naman talaga ng babaeng yun. Siguro sobrang daming naiambag nun sa past life niya kaya sobrang pinagpapala siya ngayon hindi kagaya ko na puro kamalasan ang dumarating sa buhay ko.
"Ang swerte naman ng girlfriend mo. Wag kang mag-alala pogi, wala akong balak manggulo saka ang kapal naman ng mukha ko kung guguluhin ko kayo eh binayaran mo naman ako."
Tumango siya at ngumiti. Leche naman Sander bat ganyan ka. Ang gwapo syet! Kaya pala hindi siya madalas ngumingiti kasi makalaglag panty naman pala yung mga ngiti niya. Paksyet! Bakit napakaperfect niya sa paningin ko? Hayuf yan!
"Thank you," aniya
"Ngumingiti ka din pala ano? Osige na bumalik ka na dun sa jowa mo baka namimiss ka na nun."
"Salamat ulit," aniya at nag simula nang maglakad pabalik sa girlfriend niya.
Hays. Kailan kaya ako makakahanap ng isang prinsipeng kagaya niya? Sayang naman. Siya pa naman talaga ang bet ko. Kaya lang parang patay na patay naman siya dun sa girlfriend niya. Bumuntong hininga ako at bumalik na sa table namin ni madam. Pagbalik ko ay nakataas na ang kilay ni madam sa akin.
"Akala mo siguro hindi ko napansin halos magkasabay kayong lumabas ng comfort room ng lalaking yun."
"Madam naman napaka malisyosa niyo naman. Baka nagkataon lang," sabi ko na lang at hindi na nag kwento pa.
Naunang lumabas ng coffee shop sina Sander. Bago makalabas ng shop ay palihim na tumingin siya sa pwesto ko at ngumiti, hindi naman iyon nakalampas sa mga mata ni madam at agad akong kinurot.
"Malisyosa pala ah! Anong ibig sabihin nun ah?"
"Madam naman! Wala nga eh."
"Siguraduhin mo lang Scarlett, itatakwil talaga kita pag ikaw naging kabet. Alam mo namang mainit ang dugo ko sa mga babaeng kabet na yan eh."
"Madam alam ko yun. Ayoko din namang maging kabet lang no. Sa ganda kong ito? Aba hindi naman pwede yun!"
"Subukan mo lang talaga at hindi ka na makakapasok sa bar ko, kahit kailan."
"Grabe naman madam. Hindi nga sabi ako magiging kabet."
Pagkatapos naming mag kwentuhan ng kung ano-ano ni madam ay napagpasyahan na din naming umuwi na dahil may trabaho pa pala ako mamayang gabi.
Habang papasok sa eskinita pauwi sa bahay ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya agad akong naghanap ng makakapitan. Unti unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa isang hospital na ako. Agad kong hinanap ang bag ko pati na din ang phone ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko iyon sa lamesang nasa tabi ng kinahihigaan ko. Agad kong dinial ang number ni madam upang ipaalam sa kanya ang nangyari.
"Ano? Saang hospital yan para mapuntahan kita?"
"Hindi na madam. Okay naman na ako. Baka napagod lang ako kaya ako nahilo kanina. Hindi pa kasi ako nakakatulog ng maayos."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman madam."
Nagpaalam na ako kay madam at ibinaba na ang tawag niya dahil bigla na din namang dumating ang doktor. Malawak ang ngiti nito nang makitang may malay na ako.
"Mabuti gising ka na misis, may maganda akong balita sayo."
Tumaas ang kilay ko sa pag tawag niya sa akin ng misis. Sa itsura kong ito mukha na ba akong nanay? Kung makamisis naman ito.
"Ah doc, miss pa po ako. Ano po ba yung magandang balita niyo? Mas maganda po ba yan sa balita ng umagang kay ganda?" biro ko.
Kahit korni ay tumawa naman ang doktora sa joke ko na yun. See? Bumebenta pa din talaga yung mga korni kong jokes kahit papano eh.
"Congratulations, you're 3 weeks pregnant," masayang anunsyo ng doktora.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. s**t! Paano? Pilit kong inisip kung gumamit ba kami ng proteksyon ni Sander nung gabing iyon dahil hindi ko na talaga masyadong maalala ang mga nangyari ng gabing iyon at wala din akong maalala na gumamit kami ng proteksiyon. Pvta! So posible nga talagang mabuntis ako? Putakte hindi pwede! Nanaginip lang ako. Napakaimposible! Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi pa ako handa saka hindi ko pa kayang buhayin ang batang ito kung sakasakali. Hindi pwede!
"Sigurado na po ba kayo dyan?" parang tangang tanong ko.
"Si doktora naman grabe kung magbiro. Kayo ah!"
Sumeryoso ang hilatsa ng mukha ni doktora.
"Hija hindi ako nag bibiro. Tatlong linggo ka ng nagdadalangtao."
Napa-nganga na lang ako sa sinabing iyon ni dok. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa ibinalita niyang iyon. Sobrang gulo ng isip ko nung mga oras na yun kaya hindi na ako nakapagsalita pa.