003

1916 Words
Kabanata 3 S C A R L E T T "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayong bata ka eh! Nagpakana ka na nga sa lalaking yun, nagpabuntis ka pa! Ano nang plano mo ngayon pano mo bubuhayin yan? Ang gaga mo talaga Scarlett. Hindi ka nag-iisip. Kung ano-ano ang pinapairal mong bata ka." Sa totoo lang hindi ko din talaga alam. Hanggang ngayon para pa din akong nananaginip lang. Pinipilit kong mag-isip ng solusyon pero walang pumapasok sa isip ko. Wala naman kasing ibang solusiyon kundi ang buhayin ko ang batang ito na nasa sinapupunan ko. Hindi talaga ako makapaniwala na may isang buhay na nasa loob ng sinapupunan ko ngayon. Inaamim ko hindi pa naman talaga ako handa sa isang responsibilidad. Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Maaga akong naulila sa mga magulang kaya hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpalaki ng isang bata. Ni halos hindi ko nga naranasang alagaan ng mga magulang ko dahil maaga silang nawala kaya paano ko malalaman kung paano ba magpalaki ng sanggol. Saka anong ipapakain ko sa kanya? Anong buhay ang maibibigay ko sa batang ito? Wala. Wala akong kahit ano. Wala pa akong naiipon kahit na magkano. Hindi din ako nakapagtapos dahil medyo minalas sa buhay. Wala akong maibibigay na kahit ako sa magiging anak ko. Sa bar lang ako umaasa ngayon ng pinagbubuhay ko sa sarili ko at ngayong buntis ako alam kong hindi na ako papayagan pa ni madam na mag trabaho dun dahil masyadong mausok at madalas ay pinapainom pa kami ng alak ng mga customer namin kaya imposibleng hindi ako tatagay duon. Napakadelikado kung ipagpapatuloy ko pa ding magtrabaho sa katulad ng lugar na iyon. Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip dito sa problema kong ito. Bakit naman kasi hindi gumamit ng proteksiyon iyong lalaking 'yun. Pogi lang pero di marunong mag-condom. Kung sabagay, lasing na nga pala siya kagabi kaya siguro hindi na niya naisip pang magkapote. Hays. Ako tuloy ang dehado ngayon. Ano nang gagawin ko nito? Paano ko bubuhayin ang batang ito? Walang wala ako. "Hindi ko alam madam. Malay ko bang asintado pala tumira yung pogi na yun! Nakapuntos agad ang walang hiya! Pogi nga di naman pala marunong magkapote. Buti na lang masarap siya," sabi ko habang napapakamot sa batok. "Ayan! Gaga ka kasi! Kung nag-iingat ka lang sana hindi mangyayari ito! Kahit kailan kasi di mo ginamit yang isip mo. Ang gaga mo talaga. Puro kalandian ang pinapairal mo, tignan mo nangyari sayo! E di buntis ka ngayon! Ewan ko sayo, Scarlett kung saan mo hinugot yang katangahan mo sa katawan!" Ngumuso ako at nagsalubong ang mga kilay. Kung maka-okray naman itong si Madam. Grabe naman. Hindi ba niya naisip na masama sa akin ang na-sstress kaya hindi niya dapat ako tinatalakan? "Madam naman eh! Depress na nga yung tao tapos tatalakan mo pa. Paano na ako nito?" namomroblemang sabi ko. "Ewan ko sayo! Habulin mo yung ama niyan!" Natatandaan ko pa kung saan yung condo niya kaya lang nakapangako na ako sa kanya na hindi manggugulo. Nakakahiya namang sumira sa kasunduan. Paano kung malaman ng girlfriend niya? Edi kawawa nanaman si pogi. Mahal na mahal pa naman niya yung babaeng 'yun. Grabe pa yun malasing... sobrang hot. Baka mamaya kung sino-sino na lang ang halikan nun. Naku kawawa naman ang baby ko mapapag-samantalahan pa pero ano na nga ba ang gagawin ko? Dapat ba akong lumapit sa kanya? Anong sasabihin ko? Bakit parang nahihiya ako pero karapatan naman niyang malaman di ba? Anak niya din naman ito. Hindi lang naman ako mag-isa anh gumawa nito kaya dapat lang na panagutan niya ako. Oo, tama. Panagutan niya dapat ang pinagbubuntis ko! "Saan ba nakatira yung lalaking yun at mapuntahan na ngayon na?" atat na sabi ni Madam. Ay grabe. Bilis ah. Pwede bang wait muna magpapractice pa ako ng linyahan ko pag nakaharap ko na siya. "Madam sigurado ka ba dyan?" "Eh anong gusto mo? Paano mo papalakihin yang batang yan?" Umarko ang kilay niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin. "Bahala na. Gagawa na lang ako ng paraan," sabi ko na medyo naduwag na. "Ay gaga ka talaga! Ewan ko sayo kahit kailan napakabobo mong bata ka." Ang sakit nun ah! Pero totoo naman din. "Aray naman madam. Napakasakit mo naman magsalita." Lumabi pa ako. Napapailing na lang sa akin si madam habang napapahawak sa ulo niya. Mukhang wala na nga talaga akong magagawa kundi ang lumapit kay Sander. Mukhang mabait naman siya at saka alam kong mas kaya niyang buhayin ito kaysa sa akin. Mas mabibigyan niya ng magandang buhay ang batang ito pero ang tanong, tatanggapin niya ba ito? Paano kung hindi niya kami matanggap ni baby...este si baby lang pala. Echosera lang ako. Paano kung ayaw niya sa batang ito kasi ayaw niya sa akin? Paano kung ayaw nya dito dahil gusto niya dun sa girlfriend niya lang siya magkaruon ng anak? Paano na? Makakaya ko bang palikihin ng maayos ang batang ito ng hindi kinakailangan ng tulong niya? Kakayanin mo ba talaga 'yun Scarlett? Mabibigyan ko ba siya ng maayos na buhay? Syempre hindi! Wala naman akong kaipon-ipon. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag hindi tinanggap ni Sander itong bata. Baka mamalimos na lang ako sa kalsada dahil hindi na ako tatanggapin ni Madam sa bar. "Ano pang hinihintay mo dyan. Puntahan na natin yang ama ng anak mo!" "Eh madam," nag-aalinlangan kong sabi. "Ano?" Inis siyang bumaling sa akin. "Pwedeng ako na lang yung haharap?" tanong ko nagbabakasakaling pagbibigyan. "Walang problema basta ihahatid kita dun sa bahay niya." Hays. Buti naman kung ganun. "Ah madam pwede request? Pwede maliligo lang ako. Ayoko naman kasing humarap sa tao na ganito itsura ko. Syempre gusto ko mag ayos muna para naman mabighani sa akin yung ama ng dinadala ko, malay mo matipuhan pa ako! Hindi pa naman niya asawa iyong jowa niya kaya baka naman pwede pang alam mo na," sabi ko sabay kindat. "Jusko kang bata ka! Nakukuha mo pa talagang mag lalandi eh no? Halika na!" Wala na akong nagawa nang hilahin na ko ni madam papunta sa sasakyan niya. Ang KJ talaga kahit kailan nitong isang ito. Napakasungit pa sa akin. Pagdating namin sa building kung saan nakatira si pogi ay sinabihan ko na si madam na kaya ko na mag-isa at hinayaan naman niya akong mag-isang pumasok sa loob. May lakad din kasi siyang dapat puntahan. Pagpasok ko pa lang sa loob ay agad akong hinarang ng guard nang dumiretsyo ako sa may elevator. "Saan po kayo ma'am?" anang guard na napakachismosa. Kailangan ba talagang tanongin pa ako kung saan ako pupunta? Samantalang nung kasama ko si Sander na pumunta dito hindi naman niya ako tinanong. Siguro type ako nito kaya ganito. Ay char! "Chismoso ka, kuya!" biro ko sabay halakhak pero nanatili lamang na seryoso ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy akong nahiya. Tumikhim ako. "Ah kuya may dadalawin lang po akong kaibigan," sabi ko ng nakangiti. "Dito po muna tayo ma'am." Dinala ako ng guard sa preception area. Preception nga ba o reception? Ah basta yun na din 'yun. Sige frontchair na lang para mas sure. "Sino pong bibisitahin natin ma'am?" tanong ng isang preceptionist. Receptionist? Di ko lang sure. "Si Sander po, miss. Kakilala niya ako. Hindi naman ako mag tatagal. May sasabihin lang ako sa kanya." Sasabihin ko lang sa kanyang naanakan niya ako kaya kailangan niya akong pakasalan. Char! "Okay po ma'am. Anong surname at unit number po ba nung bibisitahin niyo?" "Surname? Hindi ko alam eh pero natatandaan ko yung number ng unit niya kasi galing na ako dito. Unit 798 yata yun," hindi siguradong sabi ko. "Okay po ma'am check ko lang po." Sandali siyang may kinalikot sa computer. Taray! Ang sosiyal ng datingan kapag ganyan ang naging trabaho ko. Kailan kaya mangyayari 'yun? Pwede naman pala tagalog dito, makapag-apply nga bilang preceptionist. "Si Sir Sander Castillo po ba?" "Oo siya nga!" "Sige po ma'am kunin ko na lang po yung name niyo saka ID," aniya nang nakangiti. "ID? Wala akong dalang ID eh." "Ano po bang fullname nila ma'am?" Ang dami namang hinihingi ng babaeng ito. Hindi na lang ako paakyatin duon sa unit ni Sander nang matapos na. "Scarlett Salazar." Sabrina Salazar ang totoo kong pangalan pero hindi ko na ginagamit ang pangalan na iyon mula nang lumayas ako sa amin. May kinalikot nanaman siyang kung ano sa monitor na nasa harap niya. Ang dami namang alam. Mukha ba akong magnanakaw at hirap na hirap siyang papasukin ako sa loob? Sa ganda kong ito? Magiging magnanakaw lang ako? As if! "Pasensya na ma'am pero wala po yung pangalan niyo sa listahan ng mga pwedeng bumisita lang kay sir Castillo eh." "Huh? May ganun ba? Eh bat nakapasok ako nung isang gabi dito kasama siya." "Kasama niyo naman po kasi siya nun ma'am kaya nakapasok kayo pero if you want ma'am tawagan niyo na lang po si sir tapos pasundo kayo dito," anang babae. "Wala akong number niya eh. Pwede bang ikaw na lang ang tumawag sa unit niya?" "Sure ma'am. Sandali lang po ah." Dinial niya yung number sa unit ni Sander pero ayon sa kanya walang sumasagot na ang ibig sabihin ay wala pa duon si Sander. "Ma'am pwede po kayong mag antay muna sa may waiting area kung gusto niyo mukhang wala pa ho kasi sa unit niya si sir Castillo dahil wala pong sumasagot sa kabilang linya." "Ganun ba? Sige salamat miss ah," nadidismayang sabi ko. Wala na akong nagawa kundi ang mag antay na lang muna sa may lobby. Mag tatatlong oras na akong nag aantay dito pero wala pa din siya. Kanina pa din ako nangangatog sa lamig kaya napagdesisyonan kong lumabas muna upang magyosi nang biglang matanaw ko ang napakakisig niyang katawan mula sa malayo. Agad agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na lumapit sa kanya. Shet ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan. Agad nag salubong ang kilay ni Sander nang mamukhaan ako. "Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya habang nakakunot ang nuo. Umikot ang paningin niya sa paligid na para bang takot na takot na may makakita sa kanyang kasama ako. "May gusto sana akong sabihin Sander." "Akala ko nagkakaintindihan na tayo at wala na tayong dapat pang pag-usapan?" aniya sa seryosong tinig. Mukhang galit. "Yun na nga eh. Kaya ako pumunta dito kasi nagkaproblema." "What?" Takang tanong niya. "Ehhhh sabihin ko na ba dito?" Luminga ako sa paligid. Ang daming tao. "Just say it! Damn it!" Iritadong sabi niya habang hinihintay akong magsalita. "Galit ka ba?" Isang naiiritang tingin lamang ang isinagot niya sa tanong ko kaya hindi ko na din naman hinintay na magsalita siya ulit at sinabi ko na agad ang dahilan ng pagpunta ko dito. "Jontis ako." "You're what?" takang tanong niya. Ay bungol? Mahina ba pandinig nito? "Bingi lang? Sabi ko buntis ako, ikaw ang ama." Biglang nawalan ng kulay ang mukha niya pagkarinig sa sinabi ko. Hala mukhang aatakihin pa ata 'to sa puso. Jusko wag naman. Sayang naman ang alindog niya kung maaga itong di mapapakinabangan. Konti na lang ang mga poging tunay na lalaki sa mundo 'no! Ilang segundo siyang napatulala bago niya ako hinila sa braso papasok ng elevator at paakyat sa unit niya. Nilock niya ang pinto at seryoso akong tinitigan sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD