004

2106 Words
Kabanata 4 S C A R L E T T "Magkano pa ang kailangan mo?" agarang tanong niya. "Huh?" naguguluhang sabi ko. Ngumisi siya. "Hindi mo ko mauuto babae. Isa akong businessman kaya yung mga modus na ganyan alam na alam ko na. Magkano pa ang kailangan mo para manahimik ka na?" Aba gago 'to ah! Tumaas ang kilay ko at parang biglang nag pantig ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. "Anong modus pinagsasabi mo dyan! Hoy lalaki, wala akong pake kung businessman ko o kahit santo ka pa! Gago ka pala eh. Titira-tira ka ng walang kapote tapos kapag naka-jackpot ka sasabihin mo namodus ka. Siraulo! Ako, pumunta ako dito para makipag usap ng tao sa tao sayo ah! Akala ko pa naman mabait ka kagaya ka din naman pala ng ibang mga mayayaman diyan na napakamatapobre. Kayong mga mayayaman ang tingin niyo saming mga mahihirap mukhang pera eh no?! Oo na mukha na kaming pera! Eh sa wala kami nun eh! Palibhasa mayayaman kayo kaya wala na kayong pake dun! Magaganda na yung buhay niyo eh, kaya kung makapanata kayo ng mahihirap ganun ganun na lang. Mga mayayabang! Kala mo kung sinong mga santo! Ugaling demonyo naman!" galit na galit sa sigaw ko sa pagmumukha niya. O ano ka ngayon! Gago! "Wag mo kong sinisigawan sa loob ng pamamahay ko!" "Ah ayaw mong sinisigawan kita dito? Edi dun tayo sa lobby mag-usap sino bang gunggong ang nagdala sa akin dito? Duon tayo sa baba magsigawan!" "Pwede ba itikom mo muna yang bibig mo?" Nauubusan na siya ng pasensiya. Eh gago pala siya eh! "Eh gago ka nakakabastos ka na eh!" "Anong gusto mong mangyari? Maniwala ako sayo? Saan ba kita nakuha? Di ba sa bar? Isa kang entertainer kaya pano ako makakasigurong akin talaga yang bata?" Umarko ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Sabi na di ka maniniwala eh. Eh mayaman ka naman di ba? Bat di mo ko ipa-DNA? Pwede na yun ngayon kahit nagbubuntis pa lang ako pwede na malaman kung sino ang ama. Mahal nga lang daw yun pero mayaman ka naman di ba, para naman sa ikapapayapa ng isip mo. Basta ako, siguradong sigurado ako na ikaw ang ama nito," may kompiyansang sabi ko. "s**t! It can't be mine! No!" Tumalikod siya at napasabunot sa kanyang buhok. Napailing na lang ako. Mga lalaki nga naman. "Wag kang mag-aalala kung ayaw mong malaman ng gf mo ang tungkol dito willing akong manahimik. Kailangan ko lang ng sustento para sa bata at kung iniisip mong ipalaglag ang batang ito pasensya ka na pero hinding hindi ko yun gagawin. Mukha akong pera pero di ako mamamatay tao. Kung ayaw mo sa bata, okay lang basta magsustento ka," seryosong sabi ko. Hindi naman pala siya mabait tulad ng inaakala ko. Matapobre din siya tulad ng ibang mayayaman dyan. Tsk! Sayang crush ko pa naman siya. "Ipapa-schedule ko ang DNA testing. Ibigay mo sakin ang contact information mo," seryosong sabi niya. Hmp! Ang sungit talaga neto. Akala ko pa naman mabait na siya. Kung alam ko lang na ganito siya kasungit hindi ko na sana siya naging crush. Hmp! Pareho kaming napatingin sa may pinto ng unit niya nang may magdoorbell ruon. Agad na hinila ako ni Sander papasok sa kwarto niya. "Stay here. Wag na wag kang lalabas dito hanggat di ko sinasabi," bilin niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong naguguluhan sa loob ng kwarto niya. Parang tanga naman yun! Sino kaya yun? Yun siguro yung girlfriend niya kaya pinagtatago niya ako dito. Ang mga lalaki nga naman ano. Gagawin ang lahat wag lang silang mabuko ng mga jowa nila. Kaya hindi ako nagjowa kahit kailan eh. Sakit lang sa ulo yun. Saka wala naman akong panahon para dun. Kailangan kong buhayin ang sarili ko at hindi ko kailangan ng mga lalaki na yan. s*x lang naman ang habol niyan sa aming mga babae. Masasaktan lang ako sa bandang huli. Baka yan pa ang ikabagsak ko lalo. Maraming mayayamang nanligaw sakin pero di pa naman ako nasisiraan ng ulo para sagutin sila. Oo entertainer ako pero di ibig sabihin nun kaya ko ng ibigay ang buong sarili ko para lang sa pera. Di ako ganun kadumi tulad ng iniisip ng marami. Hindi naman porket ganun ang trabaho ko ay sa totoong buhay ganun na ako. Trabaho ko lang iyon hindi ako yun. Pero kung yun ang tingin nila sa akin ay wala na akong magagawa pa duon. Bahala silang mag-isip ng kung ano-ano. May kanya-kanya naman tayong pananaw sa buhay at nirerespeto ko yun. Bahala sila d'yan. Tumapat ako sa pinto ng kwarto niya upang pakinggan kung anong nangyayari sa labas. Sino kaya yun? 'Yung girlfriend nga ata niya. "Mom napadalaw kayo," rinig kong sabi ni Sander mula sa labas. Mom? Ah nanay niya pala yung bisita niya. Akala ko naman yung jowa na niya. Kinabahan ako ng very slide duon ah. Ay very slight pala ata yun. Ewan ko basta kinabahan ako ng konti. "Bakit bawal na ba akong dumalaw sa anak ko? Palibhasa nakalimutan mo na kaming dalawin ng dad mo," may halong lungkot na sabi ng Mom niya. "Mom, I'm sorry. Alam mo namang busy ako masyado sa trabaho eh." Sus! Baka busy ka duon sa jowa mo. Trabaho daw! Mga lalaki nga naman. Dinadahilan palagi ang mga trabaho nila. "Busy sa trabaho o busy kakasunod kay Yakira?" "Mom, sinagot na niya ako." Halata sa boses ni Sander ang pagmamalaki. "Really? Finally!" Halatang tuwang tuwang sabi ng Mom niya. Wow supported mom. Sana all! "Ikaw naman kasi napakahina mo. Kung nuon mo pa sana pinagtapat na may nararamdaman ka para sa kanya edi sana matagal ng naging kayo." Oo nga naman Sander. Ang hina mo rin e 'no! Sa kama ka lang yata malakas. "Mom alam niyo naman ang pinagdaanan ni Kira kaya di ganun kadali iyon." "Ang tagal ng patay ni Zachary, mabuti naman at nagising na siya sa katotohanan." At sino naman yung Zachary na yun? Siguro ex yun ng jowa ni Sander ngayon. Namatayan pala siya ng jowa. Ang saklap naman. Ang mga lalaki talaga oh. Kung hindi nagloloko, nang iiwan naman. Ganun naman yata talaga. Sumpa na yata 'yun sa'ming mga babae. Ang maiwanan. Pwera lang sa akin dahil hindi ko pa naman na-experience yun dahil di pa naman ako nagkajowa. Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan ng mag-ina at iginala ko na lamang ang mga mata ko sa buong kwarto ni Sander. Ang ganda talaga ng kwarto niya. Kailan kaya ako magkakaganito? Naupo ako sa kama niya at nahiga. Matagal pa siguro bago umalis yung nanay niya hindi naman siguro siya magagalit kung makikitulog muna ako dito. Inaantok na kasi talaga ako eh. Siguro ito na yung epekto ng pagbubuntis ko. Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng matinding lamig kaya agad akong nagmulat. Pagtingin ko sa salaming bintana ay madilim na sa labas. Ang tagal ko sigurong nakatulog rito. Bumangon ako at tumapat sa pinto. Nasa labas pa kaya ang nanay ni Sander? Itatapat ko pa lang sana ang tenga ko sa pinto nang bigla itong bumukas. "Ay kalabaw ka!" "Pwede ka ng umalis," aniya sa seryosong boses nang sakto namang kumulo ang tiyan ko. Nagkatinginan kami ni Sander. "Kung gusto mo kumain, meron sa kusina. Kung totoong buntis ka nga at anak ko nga yan, wag na wag mong ginugutom ang sarili mo." Ang sungit naman niya. "Hindi na. Sa labas na lang ako kakain," sabi ko. Baka mamaya maging utang na loob ko pa sa kanya kung dito ako kakain. "Kumain ka na muna bago ka umalis. Ihahatid na din kita sa inyo. Masyado nang malalim ang gabi baka kung ano pang mangyari sayo. Hindi maaatim ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa ipinag-bubuntis mo," aniya at naakad patungo sa kanyang kusina. Siyempre sumunod naman ako sa kanya. Wow huh! Concern din naman pala siya sa bata kung ano-ano pang sinasabi kanina. "Maupo ka dyan," utos niya na agad kong sinunod. Gutom na din kasi talaga ako kaya ayoko na tumanggi. Ipinaghanda niya ako ng makakain at naupo sa katapat kong upuan. Pinapanuod lamang ako. "Kukunin ko ang number mo para makontak kita. Gusto kong magpa-DNA testing agad-agad. Ngayon pa lang kung niloloko mo ko sabihin mo na dahil kapag nalaman ko na ginagago mo lang ako, ipadedemanda kita," aniya. "E di gawin mo. Basta ako sigurado ako na buntis ako at ikaw ang ama nito," kumpiyansang sabi ko na sinimulan ng kainin ang mga pagkaing inihanda niya. Mataman lamang niya akong pinanuod habang kumakain ako. Ito tuloy si bakla di makalapang ng maayos. Grabe naman kasi kung makatitig itong poging ito habang kumakain ako na para bang inoobserbahan ang bawat galaw ko. Hindi na ako humirit pa ng extra rice kahit sobrang bitin ko sa kinain ko dahil sobrang naiilang na talaga ako sa mga titig niya. Feeling ko tuloy gusto niya rin akong kainin nahihiya lang siyang magsabi. "Ihahatid na kita sa bahay mo just to make sure na walang mangyayari sa batang dinadala mo." "Ikaw bahala," kabit balikat na sabi ko. Gaya nga ng sinabi niya hinatid niya talaga ako sa bahay. Di nga lang kasya yung kotse niya sa may iskinita kaya nagpababa na ako sa may kanto. Bumaba ako ng sasakyan niya at agad din naman siyang sumunod. Nagpalinga-linga siya sa paligid at agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Gaano pa kalayo ang kailangan mong lakarin para makarating sa bahay mo?" tanong niya. "Isang kanto na lang naman." "Are you sure okay ka na dito?" tanong niya ulit habang palinga-linga pa din ang tingin. "Oo naman 'no. Sanay na akong umuwi ng ganitong oras ng gabi saka kahit maraming tambay dito mababait naman 'yang mga 'yan. Mga tropa ko na yan kaya kampante akong hindi ako gagalawin ng mga 'yan. Bakit?" "Gusto ko lang mskasigurong walang mangyayaring masama sa bata hanggat di pa ako nakakasigurong akin nga yan." "Ang sweet naman ng daddy mo baby. Di ka pa buo pero concern na siya sayo." Tumawa ako. Lalo namang lumalim ang kunot sa nuo ni Sander. "Osige na umuwi ka na baka ikaw pa dyan ang mapagtripan ng mga tambay. Di ka pa naman taga dito saka baka makita ka ng mga stalker ko kung ano gawin sayo." "What? You have a stalker? And you look fine with it?" naguguluhang tanong ni Sander. "Wag mo nga akong ini-english dyan. Oo naman. Wala naman akong magagawa dahil pinanganak talaga akong likas na maganda. Kaya hayaan ko na lang silang i-stalk ang kagandahan ko," pabirong sabi ko pero di man lang siya ngumiti. Binigyan niya lamang ako ng isang weird na tingin na para bang wirdong wirdo siya sa akin. Naku! Suplado talaga. "Good night, daddy ni baby! Sa susunod ulit!" Paalam ko sa kanya at naglakad na papasok ng iskinita. Pagpasok sa bahay ko ay agad kong nilock ang pinto at naghubad ng damit upang makapaglinis muna ng katawan bago matulog. Hindi kasi ako makakatulog nang di naglilinis ng katawan. Nasa skwater area ako pero di ibig sabihin nun balahura na ako sa katawan ano! Di porket ganito ang bahay namin eh madumi na kami. Naliligo din kami 'no. Gumagamit din kami ng shampoo at sabon kaya wag kayong mapanghusga masiyado dyan. Pagkatapos kong maligo ay nakarinig ako ng ilang mahinang katok mula sa pinto ko. Nagsalubong ang kilay ko. Sino naman kaya ang kakatok sa akin ng ganitong oras? Ipinulupot kong maigi ang tuwalyang suot ko sa katawan ko bago ako lumapit sa pinto upang buksan ito. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang bumungad sa akin ang napakagwapong si Sander. "Nandito ka pa? Anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko. "Pwede ba ako pumasok? I'll explain inside." Saglit akong napaisip sa tanong niyang iyon. Ano bang ibig niyang sabihin duon? Medyo nalito kasi ako. Saan ba niya gusto pumasok? Sa bahay ko o sa akin? Ay putek napaka bastos ng isipan mo Scarlett mag tigil ka nga. "Ah sige sige pasok ka," agad ko siyang pinapasok sa loob. Inilibot niya ng tingin ang maliit na apartment ko. Kumuha ako ng silya at pinaupo ko muna siya. "Bakit nga pala di ka pa nakakaalis? Pano mo nalaman tong bahay ko? Sinundan mo ko ano?" "Uhmm.." Pansin kong medyo parang ilang siya at nakatingin lang sa sahig saka ko lang napag tanto na naka tapis lang pala ako at wala akong suot na kahit ano. "Ay wait lang magbibihis lang ako!" agad akong pumasok sa kwarto ko upang makapagpalit ng maayos na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD