"Mmh...Joyce? Puwede bang hawakan mo na to'ng Laurel, please?" nahimigan niya ang pagsusumamo sa tinig ni Seonggyun.
"Sige na, Joyce," udyok ni Rey.
"Oo nga. Para may katapat na rin to'ng si Hagyun," ani Jay. "Aray! Ba't ka ba nambabatok?" sita ni Jay sa kaibigang si Rey.
Humarap si Joyce sa mga ito at pinakatitigan si Hagyun.Seryoso ang anyo niya. "Okey," mayamaya ay sagot niya sa mga ito.
Sabay-sabay na nag-yes sina Seonggyun, Rey at Jay samantalang nakita niyang tumaas naman ang isang sulok ng mga labi ni Hagyun. Hindi niya nagustuhan ang asta niyang iyon. Nayayabangan parin siya kay Hagyun. Pasalamat ito at professional siya kung hindi ay baka kanina pa niya nakalmot ang mukha ng guwapong binata.
"Good morning, Ma'am Joyce!" bati sa kaniya ng guard ng umagang iyon habang papasok na siya sa opisina.
"Good morning din po, Mang Terio!" Bati ni Joyce sa security guard nang Laurel.
Ikalawang lingo na ng pag-tratrabaho niya sa restaurant ni Hagyun at walang araw na hindi sila nag-babangayan. Minsan kahit wala naman siyang sinasabing masama ay bigla nalang itong nag-sisimula ng argumento. Syempre hindi naman siya nagpapatalo. Napabuntong-hininga na naman siya. Another brain-hammering day was a head. naisaloob niya. "Kim, nasa loob na ba ang boss mo?" tanong niya sa staff na kasalukuyang nag-pupunas sa counter
"Ay, yes, Ma'am Joyce. Two straight weeks na ngang maaga kung pumasok 'yang si Sir Hagyun.
Nakakapanibago minsan. Minsan ay nauunahan pa niya kaming pumasok," sagot ng staff na pinagtanungan niya.
"Ah, okey. Baka natauhan na." pag-bibiro ni Joyce kay Kim.
"Natauhan saan, Ma'am?" slow nitong pick-up sa sinabi niya.
"Natauhan na dapat hindi ginagabi-gabi ang mga babae!" ani Joyce at sabay silang nag-tawanan.
"I heard that!" singit ni Hagyun sa kanila.
"Nakalimutan ko palang gumawa ng crepe basic, Ma'am. Sige po," ani Kim at mabalis na nagt-ungo sa pantry ng opisina
"Natauhan pala, ha?" ani Hagyun sa kaniya.
Nilingon ni Joyce si Hagyun. "Good morning, Sir!" Balewalang bati niya rito. At deretsong nag-tungo sa kanyang opisina. Sinundan siya ni Hagyun.
"Gusto ko lang linawin hindi ako ang lumalapit sa kanila? Sila ang lumalapit sa akin?" paliwanag ni Hagyun sa kaniya.
"You were saying, Sir?" Kunwari ay hindi narinig ni Joyce ang sinasabi nito na tanong. Binuksan niya ang computer sa mesa niya.
"Hindi ko kasalanan kung lapit ng lapit sa akin ang mga babae. Ano bang nakita niyo sa akin at gustong-gusto niyo ako, ha?" may pagkamayabang ang tonong sabi nito.
Ang yabang talaga! "Excuse me, Sir, hindi lahat ng babae ay nababaliw saiyo, gaya ng mga ex-girlfriend mo!" Mataray na sabi ni Joyce kay Hagyun.
Nagkamot si Hagyun sa kanyang baba. "Wala akong kilalang babae na kilala rin ako na walang gusto sa akin?" tila aminado nitong sabi. Malakas ang kompyansa sa kanyang sarili.
Parang may pumitik sa ugat ng ulo niya dahil sa sinabi nito. Tumayo si Joyce at hinarap si Hagyun. "Dahil hinding-hindi mo ako maisasama sa listahan ng mga babaeng nahihibang sa'yo kahit kailan!" Joyce take a big breath before she continue. "Hinding-hindi ako mai-inlove sa... pangit na kagaya mo!" aniya dito
Dumilim ang anyo ni Hagyun.
Matapang na sinalubong ang mga titig ni Joyce.Naputol lang iyon ng may tumikhim.Marahas na nilingon ni Joyce ang storbo.Pag-sasalitaan niya sana ito ng makita niyang si Rey pala ang nang-abala sa kanila.
"Ahm! Hagyun, Joyce! Bibigyan ko lang sana kayo ng invitation card." Biglang sulpot ni Rey habang abala silang dalawa sa pag-babangayan.
"Invitation para saan?" ani Joyce dito.
"Sa wedding niya." si Hagyun ang sumagot.
"Wedding? Ikakasal kana?" tanong ni Joyce kay Rey. Kaibigan, kabarkada at kaklase niya ang lalaki noong nasa kolehiyo sila. Sa restuarant siya ni Hagyun nag-tratrabaho at kasamahan na niya ito ngayon.
"Ay, hindi! Bibinyagan siya? Wedding nga, eh!" Sabad naman ng epal na si Hagyun. Tinignan ni Joyce ng matalim si Hagyun at inirapan bago hinarap si Rey.
Tinanggap niya ang inaabot nitong invitation card. She will be attending the wedding day next week. Lahat sila ay imbitado sa kasal nito. Kaya paghahandaan niya ang araw na 'yon. Parang reunion na rin nila kung sakali.
"Baka matunaw, Hagyun." Wika sa kanya ng nakangising si Rey. Nasa wedding venue sila that time pagkatapos ng kasal nito sa simbahan.
"What?" kunwaring sagot ni Hagyun. Umattend sila sa kasal ni Rey.
"Pansin ko rin," wika ni Yaegyun,ang balikbayan na little brother nila Seonggyun at Hagyun. Nang nag-daang araw lang ito dumating mula sa Korea. Umuwi lang ito para sa kasal ni Rey.
"Ang alin?" kunwaring tanong ni Hagyun sa kanila. Deadma siya sa mga pinupuntirya nang mga ito.
"Kanina ka pa nakatingin kay Joyce," sagot ni Yaegyun. Hindi napigilan ang sarili na prangkahin ang kuya Hagyun nito.
Napa-kunot noo si Hagyun. "Kilala mo rin si Joyce?" hindi makapaniwalang tanong ni Hagyun sa bunso nila.
Tumawa si Jay. "Paanong hindi niya kilala si Joyce, eh, pinormahan niya 'yan noong college? Campus girl namin si Joyce," paliwanag ni Jay kay Hagyun.
"Ang kaso, mailap 'yang si Joyce. Hindi man lang naka first base itong si Yeagyun," sabi ni Jay na ikinasimangot ni Yeagyun sa alaala niyang iyon sa dalaga.
Tila hindi nakatiis, binatukan pa ni Yeagyun si Jay. "Aray! Lagi niyo nalang akong binabatukan? Ang sasama niyo!" Reklamo nito.
Lahat pala sila ay kilala si Joyce, naisaloob ni Hagyun. Naging close din kaya sila ni Joyce kung hindi siya nag-aral sa Korea noon? Siguro. Baka nga isa rin siya sa mga nanligaw dito kung sakali. Mabuti nalang at sa Korea siya nag-aral. Malaki ang dis- advantage niya sa mga ito. They will need to slowly learn to know each other, ika nga?
"Bakit hindi mo pa kasi lapitan?" ani Yeagyun sa kuya Hagyun niya.
Napalingon si Hagyun kay Yaegyun dahil sa tanong nito. Nakangisi kasi ito sa kanya. "Ano bang pinagsasabi niyo riyan?" pagmaang-maangan ni Hagyun sa kapatid.
"Maganda naman si Joyce, ah," singit ni Seongyun sa kanila
"Oo nga!" sang-ayon naman ni Jay.
""Mataray nga lang!" Wika ni Yeagyun.
Nginisihan ito ni Rey. "Bitter?" anito.
Binatukan uli ito ni Yeagyun. Ibinalik ni Hagyun ang tingin kay Joyce. Hindi man ito kasing ganda ng mga naging ex-girlfriend niya, natatangi naman ang taglay na appeal nito. Halata sa pananamit at kilos nito ang pagiging ismarte. Sa lahat ng features nito ay pinakagusto niya ang mata nito. She had the most expressive eyes and intelligent pair of eyes he had ever seen. Malalantik ang mga pilik niyon na bumagay sa light brown na mga mata nito.
"She's not an exception, you know? Itinatago niya lang sa pag-tataray ang attraction niya sa akin! Palabas lang niya na immune siya sa kaguwapuhan ko!" Mayabang na sabi ni Hagyun sa mga ito. Infairness they are all handsome. Nobody is exception. Full of magnetism charm. Tumawa si Hagyun ng nakakaloko.
"Maniwala ka pare, immune talaga siya sa gandang lalaki mo?" ani Rey.
Natawa ang lahat maliban si Hagyun.
"Sisiguruhin kong kakainin niya ang lahat ng sinabi niya! She's going to fall for me?" Buo ang kumpiyansa na sabi ni Hagyun sa mga ito.
"I doubt it, dude! Huwag mo nang sayangin ang pagod mo? Ito ngang little brother mo na lapitin ng chicks, walang binatbat kay Joyce, eh?" ani Rey kay Hagyun.
"Kilala namin yan! Pusong bato yan," ani Jay.
Sinang-ayunan ito ni Rey. "Hindi mo mapapa-amo 'yan. Ang mabuti pa, gumaya kana lang sa akin!" Itinaas nito ang kamay na may suot na wedding ring, saka ngumisi ito. "Happily married."
"Asa!" ani Hagyun.
Sabay-sabay na napalingun sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Tatlong lingo palang kayong nagkaka-trabaho ni Joyce, nakuha mo na ang favorite expression niya?" nakataas ang isang kilay na wika ni Seongyun.
Napangiwi si Hagyun. "Ano naman? At saka, bakit ba wala kayong katiwa-tiwala sa akin? May babae nabang tumanggi sa charm ko?" pagmamayabang muli ni Hagyun sa kanila.
"Meron si Gladys!" Sagot ni Rey na ang tinutukoy ay ang asawa nito.
Tinignan niya ito ni Hagyun ng masama. "Hindi kasama si Gladys sa usapan! Seriously, wala pa namang babae ang nakatanggi sa akin, 'di ba?" pangungulit ni Hagyun sa mga ito.
"Oo naman! Ilang girlfriend ko nga ang naagaw mo, eh." Sumbat ni Rey.
"'Yon namang liligawan ko palang, niligawan kana!" Sabi naman ni Jay.
"Muntik ka na nga naming ipakulam noon, eh!" Pabirong sabat naman ni Seongyun.
Natawa si Hagyun sa mga sinasabi ng mga ito. "Hey, those were not my fault! Sila ang lumapit sa akin? Besides, hindi ko naman pinatulan ang mga babae niyo, ah?" Natatawang sagot ni Hagyun sa mga ito.
Tinitigan siya ng masama ng mga ito. "Hinding-hindi mo maakit si
Joyce, kuya Hagyun.Iba siya!" Wika ni Yeagyun.Napalingon siya sa kapatid. May pagtingin parin ba ito kay Joyce hanggang sa mga sandaling iyon? Ang alam niya ay may girlfriend na ito sa Korea. Wanna bet?
Naiwan ang halimuyak ng mamahaling pabango ni Hagyun ng makasalubong niya ito.Parang dumikit sa ilong niya katulad ng mga nakaraang araw, muli siyang pinagkumpulan ng kanyang mga ka-opisina pag-kapasok niya sa umagang iyon. Sobrang nag-enjoy sa kasal ni Rey at halos nakalimutan ang maraming trabaho na nag-aabang sa kaniya ng araw na iyon. Muntik ng masira ang mood niya ng makasulobong pa niya si Hagyu. Wrong timing talaga!
"Ang haba ng hair mo Ma'am Joyce!" Kim exclaimed. "Biruin mo, niyaya kang mag-dinner ni Sir Hagyun" kinikilig na sambit nito.
"At tinanggihan mo siya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Novz.
"Kayo naman nilagyan niyo agad ng malisya. He was just being nice. Alam niyo namang baguhan lang ako dito?" ani Joyce sa dalawa.
"Naging baguhan din kami, pero hindi niya kami niyayang mag-dinner," they all agreed sa sinabi ni Kim.
"Baka hindi niyo siya tinapunan ng kape," pagbibiro ni Joyce sa mga ito.
"'Yun na nga eh, binuhusan mo na siya ng kumukulong kape, but he still asked you out? Hindi pa rin makamove-on na sabi ni Kim.
"Baka gusto lang niyang gumanti? Baka gusto rin niya akong buhusan ng kape o kaya alak?" muling pagbibiro ni Joyce. Hindi alam nang dalaga kung ano ang pinaplano ni Hagyun tungkol sa kanya? Kung bakit bigla itong naging intresado. Siguro ay hindi nito matanggap ang pangangantiyaw nang kanilang mga kaibigan. Hindi ito susuko sa kaniya. What Hagyun mean is, hindi siya sinusukan ng mga babae. Nasa kanya pa rin ang huling halakhak. Bahala itong habulin siya hanggang sa mapagod ito.
"Tumigil nga kayo!" Sabad ni Jay, who walked up to the group. Isa ito sa mga nagpapa-cute kay Novz. "
Hi! Beautiful!" Bati nito sa dalaga sabay kindat dito.
Nag-sipagkantiyawan naman ang kanyang mga katrabaho dahil sa ginawa ng binata. Nagsigawan ang mga ito sa kilig. Nadistract na ang mga ito at nawala na sa usapan ang tungkol sa ginawang pag-iimbita sa kanya ni Hagyun upang kumain sa labas.
"Tumigil ka nga, Jay," sita ni Novz sa binata. "Nakakahiya! Umayos ka nga!"
"Hay naku! Tumigil na nga kayo!" Awat ni Kim sa dalawa. "Mabuti pa mag-trabaho nalang tayo. Baka kung saan na naman mapunta ang usapang 'yan."
"Girl, pag-inggit. Pikit!" Pang-aasar ni Jay kay Kim. Sa pambabara nang lalaki sa kanya ay sinugod ito ni Kim at pinagpapalo niya ang binata sa hawak niyang file na dapat ipapasa niya ngayon kay Joyce.
"Mukhang may love triangle na mangyayari dito? Abangan natin ang susunod na kabanata!" Kantiyaw muli nang mga katrabo nila. Napuno ng halakhak ang maliit na opisina. Mabilis na nakasundo ni Joyce ang kanyang mga kasamahan sa trabaho sa restuarant ni Hagyun.
Mabilis din ang mga radar ng mga ito tungkol sa nangyayari sa paligid. Specially sa boss nilang si Hagyun. Lahat ng mga kasama niya ay gustong sungkitin ang puso nito. Parang ako din yata, naisaloob ni Joyce ng mga sandaling iyon.