"Natutula kana riyan? Sumakay na tayo sa kotse at nilalamig ako. Kapag nagkasakit ako, aalagaan mo ako, sige ka!" Pananakot ni Hagyun sa kanya. Yakap nito ang sarili na ginaw na ginaw talaga ito.
"Bakit naman ako sasakay sa kotse mo?" tanong ni Joyce sa binata.
Pinandilatan siya ni Hagyun. "Choosy ka pa? Wala ka kayang masakyan!"
Palihim siyang napangiti sa sinabi nito. May pagka Vice Ganda talaga ito kung mambara. Hindi na lamang siya sumagot at tinungo na ang kotse nito. Akmang bubuksan niya ang pinto niyon ng pagilan siya nito. Nagkadikit tuloy ang kanilang mga balat. Cliche mang sabihin, tila may kuryenteng talagang dumaloy sa kanilang mga kamay ng magdikit ang mga iyon. Tuloy, animo napasa na dagling inilayo niya ang kanyang kamay.
"Gentlemen ako. Let me open the door for you." ani Hagyun kay Joyce.
Dahil medyo hilo pa siya sa pagkakadinti ng kanilang mga kamay ay napatango na lamang siya. Wala sa sariling pumasok siya kotse. Nagulat siya ng bigla itong lumapit sa kanya para ikabit ang seat belt niya. "Hindi ako baldado! Kaya kung ikabit ang seatbelt sa sarili ko!" Pagtataray ni Joyce para mapagtakpan ang tila paglusob ng mga kabayo sa kanyang dibdib.
Nginitian lang siya ni Hagyun. "I don't think it's a good idea na sagasain ang traffic? Bumper to bumper daw talaga sa Cubao. Kape muna tayo," sabi nito.
"Wala ka bang alam na shortcut?" Gusto na niyang umuwi dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang kinikilig na ewan. Ang masama, kay Hagyun niya iyon nararamdaman. Ayaw niya iyon.
May pagtataka ang tinging ipinukol ni Hagyun sa kanya. "Bakit ba nagmamadali ka? May hahabulin kabang flight?" tanong ni Hagyun sakanya. Nakakunot-noo ito.
Tinignan ito ni Joyce ng masama. Wala siyang maisip na dahilan upang tanggihan ang paanyaya nito. "Sige na nga? Magkakape na kung magkakape!"
"Yes!" ani Hagyun.
Nilingon niya ito. "Ang saya mo naman yata?" ani Joyce.
Ngumiti ito sa kanya. "Natutuwa lang ako kasi magkakape ako. Nilalamig kaya ako," sabi ni Hagyun saka niyakap na naman nito ang sarili.
Napailing na lamang si Joyce. Nang makarating sila sa coffee shop ay hindi naman ito um-order ng mainit na kape, bagkus strawberry frapppucino rin ang in-order nito gaya ng sakanya "Ang akala ko ba, nilalamig ka? Bakit nang gaya ka ng order?"
"Bakit masama ba? Pag-aari mo ba ang flavor ng frappe na in-order natin?" sumbat ni Hagyun sakanya.
Pinaikot ni Joyce ang mga mata. Wala talaga itong kwentang kausap.
"Sorry nga pala." Simula ni Hagyun sa katahimikang namagitan sa kanila.
Napakunot-noo naman si Joyce. Ano na naman ang drama nito at biglang nag-so sorry?
"Sorry kung hindi maganda ang first meeting natin in-understimate kita. Saka sorry din kung nahuli ako ng dating kanina. Siguro ang tagal mo nang nakatayo ro'n, no?" tanong ni Hagyun sa kanya.
"Mag iisang oras." Joyce answered
Nanlaki ang mga mata nito, kapagkuwan ay yumuko ito. "See? Pasensiya ka na, ha?"anito.
Muntik na siyang matuwa sa hitsura ni Hagyun. "Ano kaba? Wala kang obligasyon na sunduin ako? Mukha kang ewan diyan!"
"Kahit na ba?" ani Hagyun.
Napailing na lamang si Joyce. "Ang kulit mo? At iyong tungkol naman sa kayabangan mo noong una tayong magkita, nakalimutan ko na 'yon? Walang sinabi 'yong roses na pinadala mo," sabi ni Joyce. Nang lingunin niya ito ay nakatitig ito sa mesa tila malalim ang iniisip nito. Base sa ekspresiyon ng mukha nito, tila malungkot ang iniisip ng binata ngunit dagli ring napalis iyon ng tumingin uli ito sa kanya.
"Mukhang gumagalaw na ang mga sasakyan? Tara na! Hahatid na kita," sabi ni Hagyun at na una ng tumayo ito.
Ano ang nangyari? Bakit biglang nag iba ang mood nito? Ang lungkot na tila bumalot dito ng nasa loob sila ng coffeshop ay tuluyan ng nawala ng lulan na uli sila ng kotse nito. Bumalik ito sa pagiging makulit. Tinanong siya nito kung saan siya nakatira at inihatid daw siya nito roon. Pababa na siya ng kotse ng pigilan siya nito. "'Di ba, sinabi ko sa'yo na gentleman ako? Allow me?" Mabilis na bumaba si Hagyun ng sasakyan upang pagbuksan siya ng pinto. Tuloy ay nabuhay na naman ang nakakalokang emosyon sa kanyang dibdib. "Goodnight Joyce, dream of me!"
Nagulat siya ng hinalikan siya nito sa noo. Kinindatan pa siya bago bumalik sa kanyang kotse. Wala na ito ngunit nananatili parin siyang nakatayo sa tapat ng apartment niya. Hindi siya mapakali sa ginawa nito. "Peste ka talaga, Hagyun!" aniya ng makabawi. Pero dagli rin siyang napangiti. Para siyang baliw. Nakahiga na siya sa kama niya ay hindi parin siya matahimik. Nakatitig siya sa kisame ng tumunog ang cellphone niya. Wala sa sariling sinagot niya iyon. Si Seonggyun pala ang tumawag.
"O, Seonggyun, ikaw pala? Nasaan ka ba? Pinag-alala mo ako?" ani Joyce dito.
Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Sinong nag-hatid saiyo pauwi? Si Hagyun ba?"
"Oo,"sagot ni Joyce kay Seonggyun. "Bakit?" Narinig niyang nagmura ito ng mahina sa kabilang linya, bagay na ipinagtaka niya. "May problema ba?" tanong ni Joyce sa binata.
"Listen, Joyce. And listen well! Kaibigan kita at kapatid ko si Hagyun! Pero gusto kitang protektahan kaya pinili kung ikaw ang kampihan!" anito.
Napakunot-noo siya at nalilito sa nais nitong iparating sa kaniya. "Anong sinasabi mo?" nang nagpatuloy ito sa pagsasalita ay lalong kumunot ang noo niya. Ngunit hindi dahil sa pagtataka kundi dahil sa pagkahalong inis at galit. Nalaman niyang pinag-lalaruan lang pala siya ni Hagyun. Nagbabait-baitan lang ito dahil nakipag-pustahan ito sa bunso nilang si Yeagyun. Walanghiya talaga!
"Good afternoon Joyce! Na-miss mo ba ako?" Masiglang bati ni Hagyun sa dalaga ng hapong iyon.
Here comes the devil, naisaloob ni Joyce. Hindi niya pinansin si Hagyun. Nagkunwari siyang may binabasa sa monitor kahit wala na siyang naiintindihan sa binabasa niya roon. Na-distract na siya sa presensiya nito. "May dalaw ka siguro ngayon, no?" tanong nito. Tumingin ito sa hawak niyang teddybear. "Tingin mo teddy, masungit, eh? Sabagay lagi naman akong sinusungitan niyan!" Pagsusumbong pa ni Hagyun sa yakap na nitong teddybear.
Kung nagkataon lang na clueless parin siya sa kalokohan nito ay malamang, tumawa na siya ng malakas. Pero ngayon, gusto lang niyang gawin ay buhatin ang paperweight at ng buong mesa kung mabubuhat niya iyon at ihagis sana kay Hagyun. "Joyce, pansinin mo naman ako, o?" Pangungulit pa uli ni Hagyun sa kanya.
Huminga si Joyce ng malalim bago bumaling dito. "Alam ko na ang tungkol sa pustahan niyo ng mga kaibigan mo? Pasensiya kana pero ngayon palang ay sinasabi ko na saiyo hindi ka mag-tatagumpay sa pag-ibig na hinahangad mo sa akin!"
Hagyun looked surprise ngunit hindi naman nito binago ang ekspresiyon mula sa mukha nito ang tungkol sa natuklasan ni Joyce sa pustahan nila.Walanghiya ka Seongyun! sa loob-loob ng binata.
"I'll give you one month para pa-ibigin mo ako?" Naghahamong sabi ni Joyce kay Hagyun.
"A month to win your heart?" gulat namang ulit ni Hagyun sa sinabi ni Joyce. Hindi makapaniwala sa sinasabi nang dalaga. Isang buwan para pa-ibigin niya ito. Posible? My chance! Nakangising naisaloob ni Hagyun.
"Aha?" Mataray na sabi niya sa binata. Ang iksi yata ng isang buwan Joyce! Biglang bawi ni Joyce sa ginawang kondisyon para kay Hagyun. Pero nasabi na niya, eh. Bahala na ito kung mapapa-ibig siya ni Hagyun ng isang buwan.
It was Friday night. Kaya hindi na siya nag-taka noong nag-ring ang kanyang cellphone. Gaya ng kanyang inaasahan, si Seongyun ang tumatawag, asking her out. She was dying to read a novel she has just bought. Pero naisip niyang
mas maigi siguro kung lalabas siya kasama si Seonggyun. Para kahit papaano, makalimutan niya si Hagyun kahit sandali lang.
"Actually, libre ako," she told to Seonggyun. "Basta ba, ipangako mong you're not thinking proposing again?" dagdag biro ni Joyce.
Natawa ito. "Asa ka naman! Basta, daanan kita mamayang eight."
"Sige. Basta gaya ng dati, ha! Share tayo sa bill." ani Joyce sa kaibigan.
"Share na naman? Kailan ba ako makalibre sa'yo?" Pagbibiro ni Seonggyun.
"Asa ka naman!" And they both laughed.
Pagkababa niya ng kanyang cellphone, kaagad nakalimutan ni Joyce ang Friday dinner date nila ni Seonggyun. Muli kasing bumalik sa kanyang alaala si Hagyun noong natapunan niya ito ng kape at tinanggihang mag-dinner dahil Baclaran day. He just laughed ng tanggihan niya ito. Dahil siguro mahaba ang pila ng mga babaeng naghihintay ng imbitasyon nito para mag-dinner. The thought left a bad taste in her mouth.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. For goodness sake! Keber ba niya kung may ka-date ito sa gabing 'yon? Bakit ba lagi nalang niyang naiisip ito? Joyce pushed Hagyun out of her head. Napatingin siya sa orasan. Minabuti niyang maghanda na para sa lakad nila ni Seongyun. Napapitlag siya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Ipinagpalagay niyang si Seongyun ang tumatawag para i-cancel ang kanilang dinner date dahil may biglaan itong lakad. Kaya babalik siya sa na una niyang plano--ang basahin ang librong nabili niya, althought it's not a very nice prospect.
Sigurado kasi siyang hindi rin siya makakapag-concentrate sa pagbabasa kung si Hagyun lagi ang laman ng utak niya. A quick glance at her cellphone told it wasn't Seongyun calling. Hindi naka save sa phonebook niya ang numerong tumatawag. Kumunot ang noo ni Joyce. Who would be calling her now? Hello?" Joyce said. "Who's this?"
"It's me Hagyun Eu," anang boses sa kabilang linya.
Joyce heart seemed to jerk straight out of her body. Si Hagyun ang tumatawag? Paano nito nalaman ang number niya? Iisipin sana niyang prank call lang 'yon. Na may nagbibiro lang sa kanya. Pero kabisadong-kabisado niya ang boses nito. His voice was music to her ears the first time she heard it.
"May date ka tonight?" The quiet baritone voice asked her.
Her mouth went dry. Was Hagyun asking her out again? "B-bakit, sir? Hindi ka ba sinipot
ng ka date mo?" Joyce queried lightly. Alam niyang napangiti ito. At natawa. Gaya noong unang magkausap sila. Tuloy ay napasimangot siya sa inaakto nito. Napaka-wierd talaga ng Hagyun na 'to. Laging may pa surprise sa kaniya. At lagi naman siyang nag-e-ecpext ng ganoon. Joyce felt a little bit crazy that moment. Gusto niyang sumigaw ng darna, eh. Seonggyun versus Hagyun. Sino ang pipiliin niya?