Kaagad na umingay ang sabay sabay na bulungan ng mga tao sa loob ng simbahan. Ang pare ay namulta at parang sobrang interesado bigla sa bible na hawak niya.
Gamit ang nanginginig kong kamay, napahawak ako sa naninikip kong dib-dib. Pamilyar ako sa sintomas na 'to. . . Ang asthma ko ay parang aatake na naman kaya naman hinawakan ko ang inhaler kong nakatago sa bulsa ng gown na suot ko.
Tang ina. . Wala bang tutulong sa akin diyan na paalisin ako sa altar kung saan ginagago na ako ng lalaking mapapang-asawa ko.
I was stepping into a life who dispised me, who'd use me to intere our family just to feel and use our power and wealth.
Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong nawala ang maliit na ngiti sa labi ng ama ko, iyong mayabang at over proud niyang ekspresyon ay nawala at pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Balthazar Bellanti wasn't a man easily shaken, pero kitang kita ko ang pagtangis ng panga niya. Minerva— ang Ina ko naman at napasinghap sa gulat sa narinig at napahawak sa mamahaling kwintas niya.
Tumingin siya sa akin at kay Jover, na parang bang sinasabi niya na sabihin namin na isa lamang biro ang sinabi ng lalaki.
Ang mga uncle's ko naman ay dumilim ang paningin, handa ng sugurin ano mang oras ang lalaking nasa tabi ko pero pinili nilang kumalma.
The powerful clans of Mafia was here. . . And losing their cool isn't a top choice.
Kumuyom na lamang ang kamao nila. Ang lalaking tinuring nilang anak, pinagkatiwalaan nila ay biglang gano'n ang ginawa sa akin. . .
Para naman akong napako sa kinatatayuan ko. Betrayal and shame clawing at my throat.
Biglang nagsalitang muli ang pare, "if anyone here has just cause why these two should not be join in holy matrimony, speak now or forever hold your peace."
Katahimikan ang muling bumalot sa buong simbahan. Ang mga mata ng mababang Mafia clan ay napatungo, ang iba naman ay kabadong umiwas ng tingin. Ang ilan na kapantay ng pamilya namin ay nanatiling walang reaksyon at emosyon sa kumosyong nagaganap. Ano pa bang bago? Mga walang puso sila.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, desperadang makahanap ng kahit na sinong tututol.
Pero bigo ako. . . Maging ang Ina at Ama ko ay walang ginagawa.
Muling tumulo ang luha ko.
"Nobody will save you from me, Katana." bulong niya, "Napirmahan na ni Balthazar Bellanti ang kontrata. Your own family handed you over the second the ink touched the paper."
Mas lumawak ang ngiti niya na siyang nagbigay ng kakaibang kilabot sa katawan ako.
"Sa akin ka na. Sa akin ka lang. . Hindi makapangyarihan at ma-impluwensiya ang pamilya ko gaya ng pamilya mo pero ngayong akin ka na? You're nothing but mine. Dahil sa kontrata, hindi ka na maliligtas pa. . . Kahit pa ng Tatay mo."
Nasa kalagitnaan ng pagsasaya si Jover dahil nanalo na siya pero pareho kaming natigilan nang malakas na singhap ang narinig namin mula sa mga tao.
Napatingin ako sa tinitignan nila.
Sa gitna ng nakabukas na pinto ng simbahan, naroon ang lalaking malakas ang dating dahil lahat ng tao ay nakatuon ang atensyon sa kaniya. Powerful and commanding. Puno ng tattoo ang isang buong braso niya, ahas, dagger, at rosas.
Nang maglakad siya papasok, marahan ang mga hakbang niya at walang pakialam sa mga taong nasa loob ng simbahan ngayon. . . Nakilala ko siya.
The figure who made my heart stopped.
Melquiades Ilya D'Agostino
Hindi na siya iyong batang lalaki na binibigyan ko ng tinapay at sabay naming kinakain tuwing break time ng eskwelahan noong ako ay kinse anyos pa lang. Hindi na siya 'yong batang lalaki na lagi kong sinusubaybayan kapag naglalaro siya ng basketball sa court ng school namin.
Hindi 'to 'yong batang lalaking 'yon.
The sweet boy inside him was long gone.
In his place stood a man carved from shadows, darkness, and violence. A Mafia King whose name alone made all men twice his age tremble. Kahit na 'yong mga kilala, ma-impluwensiya, at makapangyarihang Mafia family ay kinakatakutan siya.
Ang itim niyang suit ay hapit sa kaniyang matchong katawan. His dark hair swept back, his dark black eyes cutting through the room like a blade. His throat was inked, his sharped jaw shadowed by stubble, and a scar ran across his brow like a battle mark.
Pinuno ng presensiya niya ang buong simbahan na para bang napakahirap huminga.
Gamit ang nanginginig na boses, muling nagsalita ang pare. "The gentleman raising his hand. Do you have an objective to the union of Jover Ivano Claveria and Katana Gyda Bellanti?"
Dahil sa naging tanong ng pare at pagtaas niya ng kaniyang ma-tattoong kamay, napuno ng singhap at bulungan ang simbahan.
"That's Ilya D'Agostino, the devil himself." rinig kong sabi ng isang Mafia boss na katabi lang ng Ama ko.
Pasama nang pasama ang naririnig kong bulungan tungkol sa kaniya.
Ilya. . . He didn't moved. He didn't have to. Dahil isang side eye niya lang sa mga nagsasalita ay napatahimik niya ang mga 'to.
"D'Agostino’s here?" rinig kong bulong ng pare, "God, help us. . He's a walking nightmare." ani pa nito.
Bigla rin akong nakaramdam ng takot.
Hindi na si Mel ang nasa harapan ko ngayon, it was Melquiades Ilya D'Agostino, o mas kilala bilang Ilya na ngayon. . The ruthless Mafia King who ruled the whole underground worlds in Italy and New York. Madami rin siyang koneksyon at pinangungunahan niya ang isang kilalang organisasyon ng mga Mafia na pangalan ay "COETUS ORGANIZATION".
"Yes," sa wakas, nagsalita na si Ilya D'Agostino, parang isang malakas na kulog ang kaniyang boses. "I object."
Natahimik ang lahat. Maging ang puso ko yata at tumigil din sa pagtibok dahil sa narinig.
"Katana is mine," he declared, his icy gazed fixed on me, burned through me, "not his."