CHAPTER NINE

1412 Words
RICHEL "Hala, Ante. Totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip? As in, ito ang bahay ng amo mo, Ante? Grabi parang isang palasyo. Kung alam ko lang na ganito ang bahay na pinag trabahuan mo, sana nuon pa ako sumama sa iyo Ante. Grabi sa tv ko lang ito napanuod Ante. Akala ko kung edit lang ang mga bahay na napanuod ko sa tv. Totoo oala." Mangha ko'ng sabi habang nakatingin sa malaking bahay ng amo ni Ante. Pagbaba namin sa sasakyan hindi ako kumurap sa pagtingin sa paligid at sa bahay na sobrang laki. Parang nakakatakot umapak kahit sa bakuran nila. Dahil pakiramdam ko sa bawat apak ko ay may bayad. Dahil sobrang linis at ganda. Mula pagpasok namin kanina sa malaking gate, parang ayaw ko'ng kumurap dahil ang ganda at laki ng mga bahay. Ang ganda pa ng mga bulaklak sa daan. Pero mas lalo ako'ng namangha sa bahay ng amo ni Ante. Parang hari ah Reyna ang nakatira. Hi-Tech pa kanina ang kanilang gate dahil kusang bumukas kahit walang tao. Saka ang guard house nila ang laki rin. Malaki pa sa bahay namin. Parang kahit dito sa bakuran nila pwedi nang tulugan. Napatingin ako kay Ante ng hinawakan niya ako sa kamay. Nakangiti siya habang napailing. "Day, ganito talaga kapag mga mayaman. Masanay ka rin kapag tumagal ka dito. Halika na sa loob, baka mas lalong luluwa ang mata mo kapag nakapasok tayo. Pero h'wag magpahalata na inosenti ka. Baka hindi ka matanggap." Natatawang sabi ni Ante, kaya napanguso ako. May alam naman ako kahit papano sa buhay ng isang mayaman. Pero Hindi lang talaga ako makapaniwala na sobrang yaman talaga ng amo ni Ante na magiging amo ko rin. "Ante, sobrang ganda lang kasi. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganitong bahay ang mapuntahan ko. Baka kada kilos Ante may bayad. Saka hindi ba strikto ang mga amo mo Ante? Ang katulad sa mga palabas sa tv na sobrang strikta. Na lahat ng parte ng bahay kailangan malinis. Sobrang laki Ante, nakayanan mo ito linisan mag-isa?" Bulong ko kay Ante habang naglalakad na kami papasok sa mansyon. Mahigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay dahil natatakot ako na baka may maapakan ako na bawal. "Marami kami sa loob, Day. Makilala mo sila, hindi naman mahirap ang trabaho dahil nagtulungan kami. Saka mabait ang mga amo ko saka ang kambal. Iba sila sa mga napanuod mo, kaya relax ka lang. Basta mabait ka lang sa kanila at masipag sa trabaho. Mabait rin sila at palagi ka'ng makatanggap ng regalo. Tuturuan naman kita sa dapat mo'ng gawin kaya ako ang bahala sa iyo. Nangako ako kay Ate at Kuya na hindi kita pabayaan." Tugon ni Ante sa akin. Kaya yumakap ako sa kaniyang kamay at nagpasalamat. Pagpasok namin sa loob, parang gusto ko'ng tumalon sa sobrang ganda. Parang salamin na ang sahig sa sobrang linis at kintab. Mas malinis pa ata sa mukha ko. Ang laki at ang lawak ng loob ng bahay. May naka sabit pa na malaking ilaw. Grabi parang nasa palasyo talaga ako. Ang daming paintings na naka sabit sa bawat ding-ding. Mahigpit pa rin ang kapit ko kay Ante pero ang mata ko kung saan-saan nakatingin. "Day nandito ang mga amo ko." Bulong ni Ante. Kaya umayos ako dahil parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pagtingin ko kay Ante sinundan ko kung saan siya nakatingin. May nakaupo na isang babae at tatlong lalaki sa malaki ang mahabang upuan sa dulo. Ang dalawang lalaki magkamukha, kaya naisip ko kaagad na baka sila ang magiging amo ko. Grabi sobrang gwapo na parang mga oppa sa K-drama. Hindi nila kami napansin dahil parang may importante silang pinag-usapan. "Ang babae iyan ang amo ko, at ang katabi niya ay asawa niya. Ang sa kabila iyan ang kambal na magiging amo mo." Bulong ni Ante habang papalapit kami sa kanila. Naramdaman siguro nila na may tao kaya napatingin sila sa gawi namin ni Ante. Biglang nag-init ang mukha ko nang nagtagpo ang mata namin ng kambal. Parang mapapaso ako sa kanilang pagtingin sa akin kaya sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Yumuko ako dahil nakatingin pa rin sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit titig na titig sila sa akin. Kung nagandahan ba sila o ayaw nila sa akin bilang katulong nila. "Ma'am, sir, mga señorito. Magandang umaga ho, pamangkin ko ho si Richel. Ma'am ito ang sinabi ko n'ong nakausap ko kayo sa cellphone na magiging katulong nila señorito." Pakilala ni Ante sa akin sa kaniyang mga amo. Pinisil ni Ante ang kamay ko, kaya dahan-dahan ako'ng umangat ng ulo ko. Pero parang gusto ko ulit yumuko dahil nakatingin pa rin ang kambal sa akin. Pakiramdam ko parang kulay kamatis ang mukha ko. Para kasing may dumi ako sa mukha kung maka titig sila sa akin. "He-hello po ma'am, sir mga señorito magandang araw ho." Nau-utal at nahihiya ko'ng sabi. "Good morning!" Magkasabay na sagot ni Ma'am at Sir sa amin ni Ante. "Kamusta ang byahe Pia? Kamusta ang kapatid mo?" Tanong ni Ma'am. "Medyo okay na si Kuya Ma'am. Maraming salamat sa binigay niyo. Saka okay naman ho ang byahe namin." Magalang na sabi ni Ante. Kaya nagpasalamat rin ako. Ngumiti at tumango naman si Ma'am at Sir. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Ante ng tumayo ang kambal saka lumapit sa akin. Nalanghap ko kaagad ang mabango nilang pabango. Parang gusto ko'ng pumikit at amoyin ang mabango nilang amoy ngunit tudo pigil ko na hindi ko magawa. Baka kung ano pa ang sabihin nila. Pinakalma ko ang aking sarili dahil parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas na pagtibok. Parang may lumilipad pa na paro-paro sa tiyan ko. "Ate pamangkin niyo?" Tanong ng isang kambal. "Oho señorito. Panganay na anak ni Kuya." Sagot ni Ante. Tumango silang dalawa saka nagkatinginan. Nakita ko na parang ngumiti silang magkapatid. "Iha, alam mo na ba ang magiging trabaho mo dito? Siguro nasabi na rin ng Ante mo. Sila ang kambal na anak namin at magiging amo mo. Sa condo kayo titira, saka kailangan mo silang bantayan. Baka may dadalhin silang babae . Sabihin mo kaagad sa akin dahil makukurot ko talaga sila sa kanilang mga itlog." Saad ni Ma'am. Napangiwi ako dahil hindi ko alam ang isasagot. "Mommy naman, sabi mo bibigyan ka na namin ng apo, tapos ayaw mo naman na may dadalhin kaming babae sa condo? Paano ka namin mabigyan ng apo." Wika ng isang kambal. Pero tinaasan lang siya ng kilay ni Ma'am. "Gusto ko nga ng apo, pero sa matinong babae at hindi kung saan saan niyo lang pinulot. Kahit mahirap pa iyan basta matino papayag ako. H'wag lang sa bayarang babae." Mataray na sabi ni Ma'am. "Mommy dito talaga natin pag-usapan? Baka kung ano ang sabihin ng pamangkin ni Ate Pia." Wika ng isang kambal. Nakangiti si Sir at ang isang kambal. "Ay ko nga pala, sige Pia magpahinga na muna kayo at ikaw na ang bahala sa pamangkin mo." Saad ni Ma'am. "Mommy isasama na namin siya mamaya sa condo. Kami na ang bahala sa kaniya." Singit ng isa sa kambal. "Okay, basta kailangan muna nila magpahinga." Tugon ni Ma'am. "Kayo ang bahala señorito. Pero kailangan ko pa muna siyang turuan sa paggamit ng mga de kuryente na gamit." Sambit ni Ante kaya tumango ako. "Don't worry Ate Pia, kami na ang bahala. Siguro mabilis lang naman turuan si, ano lala ang pangalan mo ulit?" Tanong nila. "Richel ho señorito." Sagot ko. Tumango sila saka nilahad nila ang kamay nila sa akin. Hindi ko alam, kung tatanggapin ko ba ang pakipag kamay nila sa akin. Nang tumingin ako kay Ante, ngumiti siya at tumango kaya tinanggap ko ang kamay ng kambal. " I'm Jerelle at ang kambal ko naman si Jerome. Magpahinga na muna kayo at pag-usapan natin mamaya ang dapat at hindi dapat kapag nasa condo ka na namin. Nice meeting you." Saad ng isang kambal at parang pinisil pa ang aking kamay. Ganun din ang ginawa ng isang kambal. Tumango ako at kaagad ko'ng binitawan ang kanilang kamay dahil may kung anong kuryente ang dumaloy sa kamay ko. "Maraming salamat ma'am, sir señorito." Pasalamat ni Ante kaya nagpasalamat rin ako. Pagkatapos nagpaalam si Ante na pupunta na sa kaniyang kwarto. Hindi pa rin inalis ng kambal ang tingin nila sa akin at hindi sila umalis sa harapan ko, hanggang sa umalis kami sa kanilang harapan. Pakiramdam ko kahit nakatalikod ako, nakatingin pa rin silang dalawa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD