bc

Hating KAPATID (SPG)

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
age gap
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
office/work place
love at the first sight
polygamy
assistant
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Si Richel De Guzman ay isang probinsyana na lumuwas sa Manila para magtrabaho, tumulong sa pamilya, at mabigyan sila ng maginhawang pamumuhay. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang dalawang amo niyang kambal na sina Jerome at Jerelle Smith.

Sa unang kita pa lang, pareho na silang nahulog sa kaniya. At ngayon, pareho rin silang gustong mapasakanya siya.

Isang babae. Dalawang lalaki. Isang bawal na pag-ibig.

Kaya ba ni Richel na labanan ang tukso? O hahayaan niyang talunin siya ng puso at init ng kaniyang katawan?

Tatanggapin kaya sila ng mundo? O laruin lang siya ng kambal at itatapon din sa huli na parang basahan kapag natutunan na niyang mahalin ang kambal?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
RICHEL Nagising ako sa tilaok ng manok ni Tatay sa labas ng bahay. Ang manok ni Tatay ang nag sisilbing alarm clock namin sa tuwing umaga. Lunes ng umaga ngayon, kaya kailangan ko'ng gumising ng maaga para maghanda papunta sa eskwelahan. Pero bago ko simulan ang aking kwento, gusto ko muna magpakilala sa inyo. Akos si Richel De Guzman panganay sa tatlong magkapatid. Inday ang palayaw ko, kaya mas kilala ako sa pangalan na Inday. 18 years old na ako at nag-aaral bilang grade 10 sa Marikit National High School. Dalawang taon ako'ng tumigil sa pag-aaral dahil nagkasakit si Nanay. Kaya grade 10 pa lang ako. Habang nasa munting sakahan namin si Tatay nag ta-trabaho ako naman ang nag-alaga kay Nanay. Habang ang dalawang kapatid ko na lalaki nagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Si Rendell na sumunod sa akin ay grade 8 at ang tawag namin sa kaniya ay Ren-ren. Ang bunso naman namin ay si Ronell at nasa grade 6 na siya. Ron-ron naman ang tawag namin sa kaniya. Gusto man ni Nanay na magpa tuloy ako sa aking pag-aaral nuon ngunit kailangan ko muna silang tulungan at alagaan si Nanay. Ako ang panganay kaya gusto ko na hindi sila mahirapan. Katulad ng iba, nangarap din ako makaahon sa hirap at mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya. Kaya n'ong gumaling na si Nanay balik eskwela na ako. Sa tuwing walang pasok, tumutulong ako kay Tatay sa bukid. Nagtatanim si Tatay ng mga gulay at prutas na siyang kinuhanan namin sa pang araw-araw. Minsan nga nagdadala ako sa school para magbinta. Kahit grade 10 na ako at dalaga na. Hindi ako nahihiya maglako ng gulay at prutas. Kaya mamaya kapag may dala si Tatay na gulay dadalhin ko bukas para ibenta. Mga mabait din ang dalawa ko'ng kapatid kaya kahit mahirap kami, mayaman naman kami sa pagmamahal. Ginagawa talaga ni Tatay ang lahat para lang maka kain kami ng tatlong beses sa isang araw. At makapag aral. Makabili ng mga project namin sa eskwelahan. Kaya para masuklian namin namin ang paghihirap ni Nanay at Tatay sa amin. Nag-aaral kami ng mabuti at tumutulong sa gawain. Hindi na kasi ni Tatay pina trabaho si Nanay sa bukid. Sa bahay lang siya para hindi na siya magkasakit ulit. Mabuti nalang mga mabait din ang mga kapatid ni Tatay lalo na si Tita Linda na nasa Manila. Walaa siyang asawa kaya kada sahod niya nagpapadala siya sa amin. Pero minsan nakahihiya na rin sa kaniya kaya kapag tinatanong niya kami kung ano ang kailangan namin, sinasabi namin na wala na. Kaya mag sumikap talaga ako para makabawi ako sa lahat na mga tao na tumulong sa amin. Walang kapatid si Nanay at Patay na rin si Lolo at Lola. Kaya ang mga kapatid nalang ni Tatay ang tumutulong sa amin. Ipagpatuloy ko na po ang aking kwento. Sana po magustuhan ninyo. Nag-unat muna ako ba ng aking kamay bago bumaba sa kama ko, na gawa sa kawayan. Gawa sa kawayan ang bahay namin. May maliit na sala, maliit na kusina at may tatlong kwarto na pinagtabi tabi lang. Kay Nanay at Tatay ang isang kwarto. Magkasama naman ang dalawa ko'ng kapatid sa isang kwarto at ako isa lang. Ang banyo namin nasa labas ng bahay sa likod. Gawa rin sa kawayan. Maraming tanim si Tatay na kawayan kaya kahit mesa at upuan namin gawa lahat sa kawayan. May mahabang upuan din kami sa labas ng bahay na gawa rin sa kawayan sa may malaking puno ng mangga. Kapag mag bonding kami duon kami umuupo habang kumakain ng nilagang saging o kamote parisan ng kape. Masaya na kaming mag pamilya kahit iyun lang ang kinakain namin. Ang mahalaga walang sakit sa aming pamilya. Pagkatapos ko'ng ligpitin ang unan at kumot ko, dala ang tuwalya at pamalit ko. Lumabas na ako sa kwarto para mag saing at mag init ng kape. Maaga si Tatay pumupunta sa bukid kaya kailangan niya muna uminum ng kape at magbaon ng kanin. Kapag sa bukid ka maraming gulay kaya kanin naman ang dala ni Tatay dahil duon na siya nagluluto ng gulay. Pagkatapos ko'ng mag saing at nilagay ko ang mainit na tubig sa thermos. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Mamaya nalang ako magluto ng ulam namin. Alas-singko pa lang na umaga kaya mamaya ko na gisingin ang dalawa ko'ng kapatid pagkatapos ko'ng maligo. Pagpasok ko sa banyo naligo na rin ako kaagad. Mga kalahating oras ako sa banyo bago naka tapos. Nagsuot narin ako ng damit ko pang bahay. Mamaya na ako magpalit ng uniform pagkatapos ng almusal. Pagbalik ko sa kusina gising na pala si Tatay at ready na siya papunta sa bukid. "Tatay, magandang umaga po! Sana hinintay mo ako para ako na ang maghanda ng dadalhin mo." Bati ko kay Tatay at nag mano sa kaniya. "Kawaan ka ng diyos anak. Magandang umaga rin sa iyo. Anak, pasensya hindi ako nagising ng maaga. Medyo nangalay kagabi ang paa ko kaya natagalan ako bago matulog." Kaya tinanghali na ako nagising." Saad ni Tatay. "Sana tinawag mo ako kagabi Tay para masahiin ka. Baka napa sobra ka sa trabaho Tay. Baka pwedi magpahinga ka nalang muna ngayon." Nag-alala ko'ng sabi. Mahirap kapag si Tatay naman ang magkasakit. "Ayos na ako anak. Minasahe na ng Nanay mo kagabi. Ganito talaga kapag matanda na. Pero kaya ko pa naman anak. Basta mag-aral lang kayo ng mabuti at maging mabait sa kapwa." Paalala ni Tatay. Kaya yumakap ako sa kaniya. "Maraming salamat Tay. Promise po mag-aaral po ako. Para ho makapag pahinga na kayo sa bukid. Kunting tiis nalang tayo Tay." Naluluha ko'ng sabi. Ginulo naman ni Tatay ang ulo ko at parang pinipigilan na tumulo ang luha. "Siya at ako'y aalis na. Ang aga natin mag drama. Mag-ingat kayo papunta sa eskwelahan. Huwag niyo nalang gisingin ang Nanay niyo. Hindi kasi iyun nakatulog kagabi hanggang hindi ako nakatulog." Mahinang sabi ni Tatay na pilit hindi umiyak. "Opo Tatay, mag-ingat po Kayo. Mahal namin po kayo Tay." Madamdaming saad ko. "Mahal ko din kayo Anak. Sige na, gisingin mo na ang dalawa mo'ng kapatid at aalis na ako." Paalam ni Tatay. Hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos sukbit ang kaniyang bag. Lumabas na si Tatay ng bahay. Sakto naman na lumabas ang dalawa ko'ng kapatid, na may dalang tuwalya at damit. "Magandang umaga Ate." Panabay nilang sabi. "Magandang umaga din Ren-ren, Ron-ron. Maligo na kayo para sabay na tayo mag almusal. Magluluto muna ako ng itlog at tuyo. Si Tatay naka-alis na rin papunta sa bukid. "Salamat Ate." Magalang nilang sabi saka pumunta na sa labas. Ako naman nag umpisa na magluto. Sakto pagbalik nila sa kusina tapos na rin ako magluto at naghain sa mesa. Kaya umupo na sila. Pagkatapos namin magdasal para magpasalamat. Nag-umpisa na rin kaming kumain. "Ate si Nanay natutulog pa ba? Masama ba ang pakiramdam niya Ate?" Tanong ni Ren-ren. "Hindi Ren. Pinatulog niya daw muna si Tatay kagabi dahil nangalay ang papa ni Tatay. Sabi ni Tatay hayaan nalang muna natin si Nanay makatulog. May iniwan na rin ako ng almusal Nanay sa basket." Sagot ko. "Kawawa na si Nanay at Tatay natin Ate. Kaya mag-aaral talaga ng maayos. Saka kapag nakapag tapos na ako maghahanap talaga ako kaagad ng trabaho para hindi na mag trabaho si Tatay sa bukid." Saad ni Ren-ren. "Ako din, mag-aaral din ako ng mabuti. Para maging mayaman tayo." Wika ni Ron-ron kaya napangiti kami. "Basta kailangan natin mag sumikap sa pag-aaral para makamit natin ang ating mga pangarap." Ani ko. "Laban tayo." Sabay naming sabi saka nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain si Ren-ren na ang nag presintar na mag hugas. Tinulungan naman siya ni Ron-ron at ako naman ang nag punas ng mesa, kaya naging mabilis lang ang gawain. Pagkatapos namin linisan ang kusina bumalik ako sa kwarto para mag bihis ng uniform. Ganun din si Ren-ren at Ron-ron. Kagabi binigyan na kami ni Nanay ng tig sampo na baon namin. May baon na rin kami na kanin at itlog para sa tanghalian namin. Kaya pagkatapos namin mag bihis ng uniform, nag iwan lang ako ng sulat sa mesa bago kami lumabas ng bahay. Paglabas namin ng bahay marami rin kaming kasabayan na kapitbahay na naglalakad papunta sa eskwelahan. Hindi naman gaano kalayo ang eskwelahan kaya okay na na maglakad kami. Nagbiruan lang kami sa daan hanggang sa dumating kami sa eskwelahan ni Ron-ron. "Makinig ka sa titser mo Ron. Saka huwag mang away. Kapag wala ka ng klasi umuwi kaagad. Sa tabi ng kalsada ka dadaan at tingnan mo ang mga dumaan na sasakyan." Bilin ko kay Ron-ron nang hinatid namin siya ni Ren-ren sa kaniyang eskwelahan. Sa kabila kasi ang school namin ni Ren-ren. "Opo Ate, tatandaan ko lahat ng bilin niyo. Kayo din po Ate mag-ingat din. Saka walang ligaw muna Ate." Pagbibiro ni Ron-ron. "Loko ka, wala pa sa isip ko iyun. Sige na pasok na. Aalis na rin kami ni Ren-ren." Ani ko. Ngumiti siya kaya tumango. "Ba-bye Ate, Kuya." Paalam ni Ron-ron saka tumakbo papasok sa eskwelahan. Kami naman ni Ren-ren naglakad papunta sa high school. "Ba-bye Ate." Paalam ni Ren-ren nang hinatid ko rin siya sa room niya. Nasa kabilang building pa kasi ang room ko. "Bye Ren. Mag-aral ng mabuti at makinig sa titser para hindi mag-alala si Nanay at Tatay sa atin. "Okay Po Ate." Tugon niya saka dumiretso sa kaniyang upuan. Ako naman naglakad papunta sa room ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
703.3K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
943.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
338.2K
bc

Not just, the Beta

read
337.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook