CHAPTER TWO

1079 Words
RICHEL Ang galing at ang sipag talaga ng mga anak ko." Tila proud na sabi ni Tatay. Ang ganda ng kaniyang ngiti habang nakaakbay kay Ren-ren. Araw ng sabado ngayon kaya sumama kami ni Ren-ren sa bukid. Naiwan si Ron-ron sa bahay para tumulong kay Nanay. Ako sana ang gusto ni Tatay na manatili sa bahay dahil babae daw ako at hindi ako pwedi sa bukid. Pero ako ang sumama dahil bata pa si Ron-ron at mainit. Kaya wala nang nagawa pa si Tatay dahil nauna pa akong naglakad sa kanila ni Ren-ren habang dala ang basket na may kanin. Balak ko rin kasi manguha mamaya ng gulay para ibenta ko bukas sa bayan. Katatapos ko lang mag araro ng munting sakahan ni Tatay. Habang si Ren-ren naman ay nag lagay ng lupa sa pilapil. Si Tatay naman ang nagluto ng gulay para sa almusal namin. Nang makaluto siya tinawag niya kami kaya tinali ko muna ang kalabaw sa malaking puno. Kaya het kami nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan sa may maliit na kubo ni Tatay. "Kami pa Tay. Easy lang sa amin ni Ate ang magtrabaho dito sa bukid. Hayaan niyo Tay kapag maging mayaman na tayo lahat na makikita mo dito bibilhin ko para sa iyo. Saka hindi mo na kailangan mag trabaho dito dahil may mga tauhan ka na." Magiliw na saad ni Ren-ren. Habang kumi-kindat-kindat pa. Kaya ginulo ni Tatay ang kaniyang buhok. "Tama Tay, saka pa travel travel nalang kayo ni Nanay sa iba't ibang bansa." Masigla ko'ng sabi. Ngumiti si Tatay at ginulo rin ang aking buhok. "Anak makapag tapos lang kayo at makapag trabaho ng maayos, masaya na kami ng Nanay niyo. Gusto lang namin na hindi maranasan ng mga anak niyo ang naranasan niyong hirap sa buhay. Kaya mga anak pasensya kung ganitong klasi lang ng buhay ang naibigay namin sa inyo ng Nanay niyo. Ginagawa ko naman lahat mga anak na makapag aral kayo ng mabuti." Naluluha na sabi ni Tatay. Kaya yumakap kami ni Ren-ren sa kaniya. "Tatay proud at nagpasalamat kami na ikaw ang naging Tatay namin at si Nanay ang naging Nanay namin. Lagi kaming nagpasalamat na kayo ang naging mga magulang namin. Kayo ang pinaka da best na magulang para sa amin. Kahit ganito lang buhay natin hindi niyo kami pinabayaan. Minahal niyo kami at inalagaan. Sapat na sa amin na may mapag-mahal na magulang." Madamdaming saad ko. "Opo Tatay, mahal na mahal namin kayo. Kaya mag-aaral po kami ng mabuti pa ra sa inyo Tatay." Saad rin ni Ren-ren. "Ang swerte namin talaga sa inyo mga anak Mahal na mahal namin kayo ng Nanay niyo. Pero bago pa tayo mag iyakan. Kumain na muna tayo masarap ang sabaw kapag mainit pa." Saad ni Tatay na pinipigilan ang luha. "Kaya nga Tay kanina pa ako nagugutom sa amoy ng tuyo at gulay." Natatawang sabi ni Ren-ren. Kaya napangiti kami ni Tatay. Naghugas muna kami ng kamay bago magdasal para magpasalamat sa niyaya na aming natanggap. Pagkatapos nag-umpisa na kaming kumain. Ang sarap ng gulay dahil fresh saka samahan pa ng tuyo kaya sobrang sarap. Parang hindi kami magkakilala na tatlo dahil parehas kaming gutom. Nagka ngitian lang kami nang maubos namin ang kanin at gulay. Sabay pa kaming dumighal ni Ren-ren sa sobrang busog kaya napatawa si Tatay. "Parang tataba ako kapag ganito ang ulam Tay. Parang hindi na ako makatakbo sa basketball namin." Natatawang sabi ni Ren-ren habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Kaya pinaningkitan ko siya ng aking mata. Nagpasalamat kami n'ong Friday na nakapasok siya bilang varsity sa school kaya may allowance siyang matatatangap. "Asus araw-araw ang dami mo naman kinakain. Saka mas maganda kumain palagi ng gulay at prutas para masigla ang buto mo." Nakangiti na sabi ko. "Oo nga anak. Saka sana hindi ka naging varsity kung hindi ka magaling tumakbo dahil araw-araw gulay naman ang ulama natin." Ani ni Tatay. "Nagbibiro lang Tay. Sobrang sarap lang ngayon ng kain ko. Ang ganda kumain kapag dito sa bukid." Nakangiti na sabi ni Ren-ren. "Oo nga eh." Tugon ko naman. Nang nakapag pahinga kami pagkatapos namin kumain. Makatulong kami ni Ren-ren sa pag ligpit ng pinagkainan namin. Si Tatay na nag-umpisa na mag sabog ng palay sa palayan. Pagkatapos namin ni Ren-ren maghugas sa sapa. Tumulong kami kay Tatay. Pagkatapos nanguha kami ng gulay para dalhin sa bahay. Sakto alas-onse nang umaga marami na kaming nakuha. Dinala muna namin sa kubo saka naligo kami ni Ren-ren sa sapa. Habang si Tatay pinapaliguan niya rin ang kaniyang kalabaw. Mabuti kahit iwan lang ni Tatay ang kalabaw sa tabi ng kubo hindi nawawala. Habang naliligo kami ni Ren-ren naglaro kami na parang bata. Minsan sumasakay pa kami sa ibabaw ng kalabaw saka tumalon. Napangiti lang si Tatay habang pinagmasdan kami. "Mga anak, tama na iyan. Kailangan na natin umuwi. Para makaabot tayo sa tanghalian. Sinabi kanina ng Nanay niyo na magluto siya ng adobong sitaw. Kaya tara na kayo, umuwi na tayo." Tawag ni Tatay sa amin. "Opo Tay, nan'diyan na po." Panabay na sagot namin ni Ren-ren. Umahon na kami ni Ren-ren sa tubig at pumunta sa kubo. Si Tatay naman tinali ang kalabaw sa malaking puno na katabi ng kaniyang kubo. Hindi na kami ni Ren-ren nagbihis dahil wala naman kaming pamalit. Bit-bit ni Ren-ren ang isang sako na sari-saring gulay na ititinda namin bukas. Ako naman isang basket na may sigaw, talong at okra para sa bahay. Bit-bit naman ni Tatay ang pinag baunan namin. Pagkatapos gumayak na kami pauwi sa bahay. Kahit alas-dose ng tanghali hindi kami nakaramdam ng init at pagod dahil nagkwentuhan kami sa daan habang naglalakad. Kweninto ni Tatay ang mga pinagagawa namin nuon ng mga bata pa kami. Kaya tawa kami ng tawa ni Ren-ren. Hanggang sa dumating kami sa bahay. "Wow! Ang daming gulay." Magiliw na sabi ni Ron-ron nang makita niya ang dala namin. "Ibibinta natin bukas Ron. Tiyak marami ang bibili dahil presko." Saad ko. "Magpahinga na muna kayo mga anak, langga. Ako na ang magluto ng adobong sitaw. Wala naman ako'ng trabaho dito, dahil si Ron-ron ang gumawa ng lahat." Ani ni Nanay. "Maraming salamat Nanay." Panabay na sabi namin ni Ren-ren. "Salamat langga." Pasalamat din ni Tatay. "Tulungan nalang po kita Nay." Saad ni Ron-ron. Pumunta si Nanay at Ron-ron sa kusina. Si Tatay nagpahinga sa maliit namin na mesa. Kami naman ni Ren-ren pumunta sa likod para maligo. Ako sa loob ng banyo, habang si Ron-ron sa may puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD