RICHEL
"Mga suki bili na ho kayo ng gulay namin. Marami po kaming iba't ibang gulay sobrang fresh na fresh po. Fresh pa po sa mga love life niyo." Masigla ko'ng sigaw. Napaubo naman bigla si Ren-ren at napakamot sa kaniyang ulo sa huling sinabi ko ngunit tinaasan ko lang siya ng aking kilay. Nandito kami sa merkado para mag benta ng gulay na kuha namin kahapon. First mass kami nag simba kaya pagkatapos ng mesa dito kami dumiretso ni Ren-ren. Tinda ngayon kaya marami ang tao na namimili. Habang patuloy ako sa pagsigaw may lumapit naman para bumili. Ako ang tumatawag habang si Ren-ren ang nagbebenta. Ang sigla ko dahil marami na kaming nabenta. Hanggang sa may lumapit sa amin na lalaki.
"Hello ganda, magkano ang tangkay ng kangkong?" Tanong ng lalaki na parang matanda sa akin..Hindi ko alam kung may asawa na siya. Ang gwapo niya at mukhang siyang mayaman. Parang galing abroad dahil may suot siyang kwentas at bracelet na gold.
"Hello Kuya pogi! Magandang umaga ho! Sampong peso lang po kuyang pogi." Nakangiti ko'ng sabi.
"Dahil sinabihan mo ako'ng pogi, pabili ng tatlong tangkay, saka isang tangkay ng sitaw. At tig isang kilo na okra at talong."
"Wow maraming salamat po kuyang pogi. Gwapo ka na, mabait pa. At dahil diyan dagdagan ko ng tatlong okra." Magiliw na sabi ko. Kaagad naman na nilagay ni Ren-ren ang mga gulay na sinabi ng lalaki.
"Akala ko pa naman isang kilo ang idagdag mo. Tatlo lang pala." Pagbibiro ng lalaki. Kaya kimi ako'ng ngumiti.
"Joke lang, ito ang bayad ko, magkano ba lahat? Sa inyo na ang sukli. Parang nag-aaral pa jasi kayo at masipag kaya bigay ko na sa inyo ang sukli." Saad ni Kuya pogi. Nag ningning bigla ang mata ko sa inabot ni Kuya. Kahit si Ren-ren napa tigil din sa kaniyang ginawa dahil parang nagulat din.
"Talaga ho kuya pogi? Sa amin na ho ito? Ang laki ho ng sukli Kuya. Nasa 200 lang naman po ang lahat na binili ninyong gulay. Isang libo naman ang binigay niyo." Saad ko.
"It's okay, ganyan din ako nuon n'ong nag-aaral pa ako. Kung ano-ano nalang ang binibinta ko para lang may baon. Mahirap din kami nuon. Kaya nag sumikap ako para makapag ng pag-aaral at makapag trabaho. Kaya naging seaman ako. May asawa at dalawang anak na rin ako. Kababa ko lang ng barko, inutusan lang ako ni Misis ma bumili ng kangkong pang sahog niya sa sinigang. Kaya nang makita ko kayo, dito na ako pumunta. Tanging kayo lang kasi ang nagtitinda na dalawa at binata."
"Maraming salamat ho talaga Kuya pogi. Malaki ho ito para amin. Nag-aaral kami diyan sa Marikit National High School. Mga tanim ho ito ni Tatay sa bukid kaya kapag wala kaming klasi at may dala si Tatay na gulay galing bukid tinitinda namin ang iba. Ang iba ginu-gulay namin. Ang bait mo ho kuya pogi. Maraming salamat ho talaga. Kaya sige na dagdagan ko ng isang kilo na okra at talong." Magiliw ko'ng sabi.
"Hindi na, marami na ito'ng gulay. Kung dagdagan mo, parang binili ko naman iyan. Ibenta niyo nalang sa iba. Saka mag-aral kayo ng mabuti para sa huli makamit niyo rin lahat na mga pangarap niyo." Nakangiti na sabi niya. Parang totoong Kuya siya sa amin kahit kakilala pa lang niya kami. Ramdam ko na sincere siya sa pagpayo sa amin.
"Opo Kuya pogi. Magsumukap ho talaga kami para makapag tapos kami ng pag-aaral. Maraming salamat Kuya. Saka ingat ho kayo sa pagbalik sa trabaho. God bless you Kuya." Magiliw ko'ng sabi.
"Maraming salamat Kuya. Mag-ingat po kayo. Ikaw na ang isa sa inspiration ko Kuya, maliban sa pamilya ko dahil pangarap ko rin maging seaman." Saad ni Ren-ren.
"Kapag makatapos ka na at gusto mo pa rin maging seaman. Hanapin mo lang ako. Pahingi ng papel at ballpen, meron ba kayo? Ibigay ko ang cellphone number ko at pangalan ko. Saka address ng bahay ko." Wika ni Kuya pogi.
Mabilis naman na pumunta si Ren-ren sa kabila na nagtitinda ng isda para humiram ng papel at ballpen dahil wala kaming dala. Pagbalik niya kaagad niyang inabot kay Kuya Pogi.
"Maraming salamat Kuya." Panabay naming na pasalamat ni Ren-ren pagkatapos ibigay ni Kuya pogi ang papel na sinulatan niya ng cellphone number niya at address.
"Welcome, sige na mauna na ako. Baka hinihintay na ni Misis ang kangkong. Baka kapag matagalan pa ako dito baka bugahan pa ako non ng apoy. " Pa ngiti-ngiti na sabi ni Kuya. Kaya napangiti rin kami ni Ren-ren.
"Parang dragon lang kuya?" Natatawang sabi ko.
"Power hug at kiss mo lang si Ate ganda , Kuya." Muling sabi ko. Napangiti lang si Kuya at nagpaalam ulit sa amin.
"Salamat muli, mag ingat ka kuya." Muling pasalamat namin ni Ren-ren bago tuluyan umalis si Kuya Pogi.
"Ang swerte natin ngayon Ate. Ang lakas ng charm mo kaya malaki ang benta natin kahit maaga pa. Saka ang bait ni Kuya Pogi." Pagkuwan na sabi ni Ren-ren habang inaayos ang gulay namin sa maliit na mesa.
"Ang swerte natin Ren. Tiyak masaya mamaya sila Nanay kapag maaga natin napaubos ang gulay natin. Saka ang laki ng benta natin ngayon Ren." Masayang turan ko. Dati kasi hanggang isang libo lang ang benta namin kapag maubos lahat ang mga gulay namin. Ngayon dalawang libo na kasama na ang binigay ni Kuya Pogi. Nag apir kami ni Ren-ren dahil sa sobrang tuwa. Maya-maya sunod-sunod na lumapit ang gustong bumili ng gulay hanggang sa naubos lahat. Sobrang saya namin dahil alas-dies pa lang ng umaga naubos na lahat at naka benta kami ng 3500.
"Ate bili tayo ng baboy Ate, parang gusto ko kumain ng inihaw na baboy. Isang buwan na rin na hindi tayo naka kain kaya baka pwedi na ngayon si Nanay." Paglalambing ni Ren-ren sa akin. Dahil malaki ang benta namin. Hindi lang baboy ang binili namin. Bumili rin kami ng isda na pwedi ma sabawan. Saka tinapay rin. Pagkatapos namin makabili. Gumayak na kami ni Ren-ren pauwi ng bahay para makaabot kami ng tanghalian at para maluto namin ang baboy. Pa minsan minsan lang kami kumakain ng baboy dahil bawal kay Nanay. Kahit sinabi ni Tatay na kung gusto namin kumain ng baboy bibili siya para sa amin. Ngunit naawa naman kami kay Nanay na kami kakain samantala siya hindi. Kaya once a month lang kami kumakain ng baboy. Masaya kami ni Ren-ren na naglakad pauwi sa bahay. Kumakain siya ng nilagang mani habang ako banana que.
Pagdating namin sa bahay, kaagad na nagpa apoy si Ren-ren para mag ihaw ng baboy. Kumuha lang ng tinapay si Ron-ron saka sumama kay Ren-ren para tulungan ang kaniyang kuya. Tuwang-tuwa naman si Nanay at Tatay pagkatapos ko'ng i-kwento sa tungkol ang nangyari sa palengke. At ang pagbigay ni Kuya Pogi.
"Anak sa inyo na iyan, binigay iyan sa inyo kaya itago mo na." Saad ni Nanay nang binigay ko ang benta ng mga gulay.
"Nanay okay na kami sa baon namin araw-araw. Kaya kunin niyo na Nay. Saka para may pambili tayo sa susunod na kailangan natin dito." Ani ko.
"Ang bait talaga ng mga natin langga. Ang ganda at pogi nila, mabait pa. Kaya swerte natin sa kanila." Nakangiti na sabi ni Nanay sabay yakap sa akin. Yumakap din si Tatay.
"Kami ang ma swerte dahil may mabait at mapag-mahal kaming mga magulang. Mahal na mahal namin ho kayo Nanay, Tatay." Madamdaming saad ko.
"Salamat anak. Saka bago pa tayo mag drama dito. Hugasan ko muna ang isda na dala niyo. Nakapag luto na ako nv gulay. Hintayin nalang natin maluto ang inihaw ni Ren-ren at Ron-ron para maka kain na tayo." Saad ni Tatay. Kapag ganito ang usapan, kaagad na iniiba ni Tatay ang usapan para hindi kami mag-iyakan. Napangiti nalang kami ni Nanay saka sumabay kay Tatay papunta sa kusina.