Kabanata 12

1416 Words
Kabanata 12 Girlfriend? As in yung magjowa sila? Akala ko ba walang girlfriend si Eli? Kahit ilang linggo palang ang nakakalipas simula nung nakitira ako dito sa bahay ni Eli, wala naman siyang nababangit na pangalang Zacia. Pero dahil sa sinabi niya na ako daw yung babaeng nakabasag nung vase, ibig sabihin siya ba yung girl na nakadikit kay Eli nung may pool party sila? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She has this beautiful long straight brown hair, slim, a perfect full lips, light skin and tall that is really suit her yellow sundress. Ganto na ba mga tipo ni Eli? Kung ganito lang wala na akong patama. Talo na agad ako. “Can I stay here for a while? I’ll just wait for Eli to come here.” Sabi niya at nilagpasan ako para pumasok sa loob ng bahay ni Eli. Huminto siya at tinignan ako. “By the way, are you one of his maid?” sasagot na sana ako ng dinuktungan niya yung sinabi niya. “Can you get me please a one cup of juice? I prefer pineapple juice. Thank you.” Pagkatapos non ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay. “Hai, Babe!” Bati ni Zacia ng makita si Eli na kakapasok lang sa loob ng bahay. Umuwi ba talaga si Eli dahil sa babae na ito? Mukhang hindi pa nga yata siya tuluyang nakakapasok sa opisina lumiko na agad siya pauwi. Sobrang miss ba nila ang isa’t isa? Hindi ko na lang pinansin ang pagdating ni Eli, bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. Pumunta akong kusina para kunin ang ipinapautos nung Zacia ba yong pangalan? Bahala na kung sino man siya. Inilapag ko agad ang pineapple juice sa lamesa sa harap nila. Tinalikuran ko sila ng hindi pinapansin. Gawin nila kung ano ang gusto nilang gawin dahil aalis naman ako para maghanap ng malilipatan. "Where are you going?" Eli asked, nakita niya siguro ako na kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas ng bahay niya. Hinarap ko siya at naabutan kong nakahilig ang ulo nung babae kay Eli. Napairap ako dahil sa ayos nilang dalawa. "Maghahanap ng malilipatan." Sabi ko sa kanya. "I'll help you to find one." Sabi ni Eli, ikinakunot ko naman ng noo dahil gusto niya akong samahan. Parang kanina lang nagagalit siya kasi maghahanap ako ng malilipatan tapos ngayon siya na ang nag-insist. Medyo natawa ako ng biglang tumayo si Eli kaya muntik ng sumubsob yung Zacia sa sofa. Buti nga sayo. "Babe!" Maktol nung babae. "Kaya na niyang maghanap magisa, stay with me, please... ang tagal na natin hindi nagkikita." Sabi nung Zacia, hinawakan niya ang braso ni Eli, pero agad din naman nabitawan ng umalis si Eli sa tabi niya. "Let's go." Sabi niya sa akin. Hinatak niya ako palabas ng bahay niya, iniwang mag-isa si Zacia. "Kaya kong maghanap magisa, samahan mo na yung babae mo sa loob!" Sabi ko sa kanya. Hinatak ko yung kamay ko para mabitawan niya. "No! Pareho tayong aalis at maghahanap ng malilipatan mo." Seryosong sabi niya. "How about your girl waiting inside your house? No one will accompany her kung sasamahan mo ako. Mas mabuti pang siya na lang ang samahan mo." Sabi ko rito. Pero mukhang wala siyang pakielam dahil nauna pa siyang lumabas sa akin. Pumunta siya kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. "Sakay." Sabi niya. Nauna na siyang sumakay. Padabog niyang isinarado ang pintuan ng kotse niya. Wala akong nagawa kundi sumakay narin sa kotse niya. Hindi ko siya pinansin ng makasakay na ako ng kotse niya. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at tuluyan nga kaming umalis, iniwan yung babaeng hindi ko alam kung girlfriend niya ba o hindi. "Is this okay?" Tanong ni Eli ng makarating kami sa pangatlong paupahang bahay. Hindi ko pa nga nakikita paano ko malalaman kung okay na? Nauna akong bumaba sa kanya para tignan yung lugar. Simpleng bahay lang siya, maliit, siguro kasya hanggang dalawa tao. Pero para sa akin, dahil ako lang naman mag-isa pwede na yung ganito kalaki. Kumpleto na yung mga gamit pang salas, sa kusina. Wala siyang kwarto kaya sa salas lang ako matutulog. Pwede na rin ito, malapit lang din naman ito sa pinagtatrabahuan ko. At saka kaya ko naman ito bayaran buwan-buwan dahil nasa dalawang libo yung upa dito kada buwan. Kasama na ang tubig at kuryente sa dalawang libo na iyon. Hindi katulad sa mga nauna naming napuntahan ni Eli, yung pinakauna nasa apat na libo, hindi pa kasama yung tubig at kuryente. Doon naman sa sumunod, limang libo kasama na yung tubig pati kuryente, kaso namamahalan talaga ako kaya sabi k9 maghanap pa kami ng iba. Siguro pwede na ito. Kaso dahil nga wala pa akong pera, hindi pa ako nakakabayad kung sakaling lilipat agad ako dito. Sabagay sabi ko nga kay Eli na lilipat ako ng bahay siguro mga katapusan ng buwan na ito o kaya sa susunod na buwan dahil panigurado may sweldo na ako noon. "Okay na ito, dito na lang ako titira pansamantala." Sagot ko sa tanong ni Eli kanina. "Sigurado ka? Hindi ba masyadong maliit at masikip?" Tanong niya. Alam ko na agad kung saan tutungo itong usapan niya. Kanina pa siya nagsasabi sa akin na pwede naman daw ako sa bahay niya tumira. Kaso ayaw ko naman non dahil baka maabutan pa ako ng nanay ni Eli na nakikitira sa anak niya. Ano na lang iisipin non? Baka isipin pa ng nanay ni Eli na kaya ako nakikitira dahil may masama akong balak o kaya gusto ko siyang nakawan dahil mahirap nga lang kami. Pero hindi ko yon gagawin, wala akong intensiyong masama kay Eli, ang gusto ko lang naman ay ang may matirahan. "Where do you wanna eat?" Eli asked habang nagdadrive. Ang sabi niya kasi kanina nagugutom na raw siya. Inabot na kami ng hapon kakatingin at kakahanap ng murang apartment. "Doon na lang tayo." Turo ko sa isang fastfood chain. "Magdrive thru na lang tayo. Uwian mo ng pagkain iyong babae mo." Sabi ko sa kanya. "She's not my girl!" Naiirita niyang sabi. Iniliko niya ang sasakyan papunta doon sa itinuro kong fastfood chain. "Sabi ko magdrive thru na lang tayo." Ulit ko. Pumunta kasi siya sa parking area, balak ata kumain dito. Paano naman yung babae niya? Hindi niya ba iniisip na may babaeng iniwan niya at nagaantay sa kanya sa bahay niya? "Gutom na ako, Sophia." Sabi niya pagkapark namin. Nauna na siyang bumaba kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Oorderan ko na lang nag pagkain iyong babae niya. "Ako na ang oorder" sabi ko dito. Pumunta na ako sa counter, pero nagulat ako ng sumunod siya sa akin. "Ano ba! Sabi ko ako na ang oorder, bumalik ka na sa pwesto natin, baka maagawan pa tayo ng upuan." Pagtataboy ko dito pero mukhang wala siyang pakielam. "Hello! Ma'am and Sir, What would you like to order?" Tanong nung cashier. "Tatlo pong fully loaded box, yung B1 po. Yung isa po for take out." Sabi ko dito. "Why three?" Tanong ni Eli sa may likod ko. "Para sa babae mo yung isa." Sabi ko rito. "Hindi ko nga siya girlfriend, Sophia Alexis!" Naiinis na sabi niya. Konting inis ko pa sa kanya, badtrip na ito. Malamang napakaikli lang ng pasensiya niya eh. Parang noong college pa kami, kada may lalapit na lalaki sa akin, aasarin siya ng mga kaibigan niya hanggang sa mainis siya kaya nasuntok niya yung lalaking lumapit sa akin. Siya na ang nagbuhat ng mga inorder namin. Sa totoo lang itong inorder ko, pareho naming favorite. Nabubusog kasi kami agad dito. Mabilis lang namin natapos ang pagkain namin, at ngayon ay pauwi na kami sa bahay niya. Nang malapit na kami sa bahay niya, may natanaw akong isang Red SUV na sasakyan nakaparada sa harap ng bahay ni Eli. "May bisita ka pa?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Ipinarada niya ang sasakyan sa loob. Nauna na akong bumaba sa kanya. Kinuha ko ang supot na may lamang pagkain. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ni Eli, nakita kong nasa salas pa iyong babae ni Eli, kaso may isang pang babae na may edad kausap nung Zacia. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko gaano makilala. Napatingin yung Zacia sa akin kaya pati iyong nakatalikod na babae ay napalingon din kung nasaan ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino iyon. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! ♡ 04-14-22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD