Kabanata 11
Kahit anong sabi ko sa kanya na wag na niya akong ihatid o sunduin ay hindi siya nakikinig.
Magugulat na lang ako nandiyan na siya sa tapat ng Alvendia Corporaton, inaantay ako.
"Sabi ko sayo wag mo na akong sunduin diba?" Sabi ko sa kanya ng makarating ako kung nasaan siya.
Naka white longsleeve siya na tinupi hanggang siko at nakasuksok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa ay hawak ang cellphone at may kausap.
"I'll call you later." Sabi niya ng makita akong papalapit sa kanya.
"Hi." Bati niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Pagod ako ngayon dahil sa dami ng pinagawa sa amin.
Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay kinausap niya agad ako.
"Are you okay?" He asked me.
"Oo." Sabi ko sa kanya at inihilig ang ulo sa may sandalan at ipinikit ang mga mata.
"Are you sure?" He asked again.
"Yes. Pagod lang talaga ako ngayon." I said.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako habang pauwi kami. Naramdaman ko na lang na may nagbubuhat sa akin.
Ibinaba niya ako sa kama at kinumutan. Lumalim ang isang side ng kama nung umupo siya.
Gising na ang diwa ko pero nakapikit parin ako.
Nagulat ako ng sinuklay niya ang buhok ko.
"Why did you left me?" Tanong niya habang sinusuklay niya parin ang buhok ko.
Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil hindi pa talaga ako handang sabihin sa kanya ang totoo.
"Why did you left me without any reasons?" Sabi niya. Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya lumapit sa akin and kissed my forehead before saying goodnight.
Nang naramdaman ko na siyang lumabas saka ko lang idinilat ang mga mata ko.
Tinignan ko ang pintuang nilabasan niya.
"I'm sorry." I said. My tears rolled down my cheeks.
Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Maaga ako bumangon para magluto ng agahan. Pagkatapos nito ay aalis ako para makapaghanap hanap na ulit ng malilipatan.
Hindi ko akalain na makakatagal ako ng isang buwan dito sa bahay niya. At meron na lamang akong dalawang buwan.
"Good Morning." Sabi ko ng nakita ko siyang pumasok ng kusina. Nakasuot siya ng pink na sando and a boxer short habang nagkakamot ng ulo.
"Morning." Sabi niya ng di ako nililigon at diretcho lang ang tingin patungo ng ref.
Pinanood ko ang bawat kilos niya. The way his muscle flex when he drink the bottle water.
What if.....
What if the water accidentally spill in his sando?
Umiling ako para burahin kung ano mang kahalayan ang naiisip ko.
Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko na siyang nakakunot habang nakatingin sa akin.
"Hai." Sabi ko na lang at binalik ulit ang tingin sa niluluto.
"Aalis ka ba ngayon?" Tanong niya. Narinig kong tumunog yung upuan kaya paniguradong umupo siya.
"Uhm.. Oo sana." Sabi ko habang binabaliktad ang omelet na niluluto ko.
"Pwede bang sumama? I have nothing to do this day." Sabi niya naman.
Inilagay ko na yung luto kong omelet sa pinggan at lumapit sa lamesa kung nasaan siya para ilapag ang ulam.
"Maghahanap lang naman ako ng malilipatan." Sabi ko sa kanya.
Tinignan ko siya pero mukhang mali ata ako ng desisyon.
I saw his eyes full of anger. Pero agad din iyon nawala.
"You can stay here. Hindi naman kita pinapalayas." Sabi niya habang kumakain ng omelet.
"Pero, nakikitira lang naman ako. Nakakahiya naman kung magtatagal pa ako rito." Sabi ko sa kanya.
Pinapanood ko ang bawat reaksyon niya sa sinasabi ko.
Binaba niya ang hawak na tinidor at tinignan ako.
"Kapag sinabi kong pwede kang tumuloy dito. You stay! Cause i didn't even say you need to move out of my house as soon as possible!" He said and lalabas na sana sa kusina pero huminto siya.
"But, kung mapilit ka, ako na ang maghahanap ng malilipatan mo." Sabi niya before he totally walk out.
"Why are you making this so hard Eli?" I said out of the blue. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Aalis na ako." Nagulat ako kasi ang bilis naman ata. Kalalabas niya lang ng kusina, aalis na agad siya.
"Sandali!" Pigil ko.
Tumakbo ako palabas para maabutan siya.
"Sandali, Eli!" Sabi ko.
Huminto naman siya, pagkatapos ay nilingon akong nakakunot ang noo.
"Ako nalang ang maghahanap. Nakakahiya sayo. Naiistorbo na kita ng sobra. Ayaw ko ng dagdagan pa." Sabi ko sa kanya. Yumuko ako dahil ayoko makita ang reaksiyon niya.
"Pupunta akong opisina." Sabi niya. Napaangat ako ng tingin.
"Yoon lang?" I asked.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Akala ko kasi.... itutuloy mo yung... ikaw maghahanap ng-" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng nagsalita siya.
"Yeah. Ipapautos ko sa sekretarya ko pagdating ko ng opisina." Sabi niya bago naglakad palabas ng bahay.
"Di naman talaga kaylangan Eli. Kaya ko maghanap ng malilipatan ng ako lang mag isa." Sunod ko sa kanya dito.
Hindi niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa garahe hanggang sa makapasok siya sa loob ng kotse niya. Padabog niyang sinarado ang pintuan pagkatapos ay pinaandar ito bago pinaharurot paalis.
Anong problema non? I asked my self.
Hindi ko sinunod yung gusto ni Eli na siya na lang ang maghahanap ng malilipatan ko.
Pagkatapos kong kumain ay naligo at nagbihis na ako. Para makaalis na.
Bahala siya sa buhay niya. Sabi na kasing ako na lang ang maghahanap ng bahay eh.
Nilock ko ng mabuti yung mga pintuan. Syempre baka manakawan at masisi pa ako ni Eli. Baka mapalayas pa ako nito agad ng wala pang akong bagong tinitirahan.
Dinoble check ko muna kung nakalock bago bumaling sa gate.
Kumunot ang ulo ko ng makita ang isang bulto ng babaeng nakatalikod at parang may kausap sa cellphone sa may pintuan ng gate.
Tinitignan ko itong mabuti dahil baka kilala ko ito.
Sa kasamaang palad hindi ko siya makilala. Kaya lumapit na ako para tanungin ito.
"Babe, akala ko ba your not going anyware?" Sabi nung babae sa kausap.
Dito pa talaga sila nagusap sa harap ng bahay ng may bahay. Bat di nalang siya makipagusap sa ibang lugar.
"What time are you going home ba?" Tanong ulit nito sa kausap.
Kumunot ang noo ko dahil sa mga kaartehang pinagsasabi nito.
"Your always busy working! I want to see you, Eli." Nanlaki ang mata ko dahil sa pangalang sinabi niya.
Eli?
As in Eli Hunter Salvador?
Kaya ba siya nandito sa tapat ni Eli kasi hinahanap niya siya?
Anong karapatan ng babaeng ito na hanapin si Eli?
"See you later babe. I'll wait for you here. I think my ta-" lumingon siya kung nasaan ako. "I'm right! May tao nga." Sabi niya bago binaba ang tawag.
"Hi!" Bati niya.
This is the girl the kasama niya nung nagswimming sila.
"We met last time. Your the girl na nakabasag ng vase right." Nakangiti niyang sabi.
Ako naman ay nakakunot at medyo nakataas ang kilay habang tinitignan siya.
"Hindi pala tayo nagkakilala ng maayos last time. So by the way, I'm Zallicia Espinosa, Zacia for short. Girlfriend ni Eli."
10-24-20