Kabanata 8

1382 Words
Kabanata 8 Parang nung nakaraan lang may babaeng linta kung makayakap sa kanya habang nag suswimming sila nung mga kaibigan niya, tapos ngayon may babae na namang magpapakilala sa akin na long time bestfriend niya. Oo, familiar yung mga pagmumukha nila pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko sila huling nakita. "Dito lang po, manong." Sabi ko sa grab driver nang makita ko na ang gate ng bahay ni Eli. "Ito po bayad. Keep the change na lang po. Ayaw po kasi nung amo ko na ibalik ko sa kanya yung pera eh." Dagdag na sabi ko. Binuksan ko na yung pintuan ng sasakyan at nilabas lahat ng mga pinamili ko. Hindi ako nakapamili ng damit, dahil unang una, nabadtrip na ako sa babaeng yon kanina. At pangalawa ayokong gumastos ng pambili ng damit ko kung hindi naman sa akin galing yung ibang bibili ko ng damit. "Salamat po." Sabi ko sa driver. "Tulungan na po kita ma'am sa pagbitbit niyan sa loob. Marami ho kasi." Voluntaryong sabi nung grab driver. "Hindi na po. Kayang kaya ko na po ito. Tsaka po baka dagdag oras lang po ito saiyo." Sabi ko. "Sige po ma'am." Sabi niya. "Sige po kuya, ingat po sa pagtatrabaho. Salamat po." Sabi ko dito. Sumakay na siya at umalis. Tinignan ko ang mga pinamili ko at nakitang napakarami nga nito. Hindi ko alam kung paano ko sila bibitbitin. Sana pala inaccept ko na lang yung offer ni kuya driver. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mga pinamili, yung mga magagaan ay isinabit ko sa braso ko at yung mga mabibigat naman ay bibitbitin ko. Padabog akong pumasok sa bahay ni Eli dahil sa sobrang bigat ng mga dala ko. Agad ko yung ibinaba, wala nang pakielam kung may mabasag man. Nagulat pa ako dahil bukas ang tv pero wala namang taong nanonood. Sa huling pagkakatanda ko ay hindi naman ako nanood ng tv bago umalis. Kaya paano nangyari na bukas ang tv? Agad akong dinapuan ng kaba na baka napasok na kami ng magnanakaw, pero agad din iyong nawala ng may lumabas na bulto ng lalaking may hawak na bowl puno ng tortillas. Nilingon niya ako saglit habang ngumunguya siya ng sinubo niyang tortillas bago naglakad papunta sa sofa para maupo. Pinapanood ko ang bawat kilos niya. Anong ginagawa niya dito? Diba dapat nasa trabaho siya? “Why are you looking at me?” tanong niya sa akin, siguro dahil napansin niya akong hindi umaalis sa pwesto ko at pinagmamasdan lang siya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. “Why? I am not allowed here? This is my house just for you to know.” He said before facing the tv. “Hindi naman sa ganon. Nagtataka lang ako kung bakit ka nandito. Kasi diba may trabaho ka, bakit ang aga mo yata umuwi?” tanong ko dito. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, it’s just only eleven fourthy five in the morning. Parang pumasok lang siya saglit at umuwi na rin agad. “I’m hungry.” Yun lang ang sinabi niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. I rolled my eyes to him bago ko isarado ang pintuan. "Gusto ko ng seafood." Request niya habang ako ay nagkakanda hirap buhatin yung mga mabibigat na pinamili. Wala man lang kusa sa pagtulong magbitbit ng mga pinamili ko! Siya itong nagpapautos  na mag grocery ako tapos ngayon, wala man lang balak tumulong! Sa susunod siya kaya ang mag grocery. Tas magcommute siya! Tignan natin kung di siya mahirapan. Sinulyapan ko siya habang binubuhat ko yung mga mabibigat na pinamili. Pinapakita ko talaga sa kanya na nabibigatan ako para namang gumalaw galaw siya sa kinauupuan niya. Pero mukhang wala rin akong napala dahil hindi ko man lang nakuha ang atensiyon niya. Talagang tutok siya kakapanoon ng tv. Sa tigisang kamay ko ay bitbit ko na yung pinamili para sana ilagay sa kusina. Kukuha pa sana ako ng isa para hindi ako maraming beses na pabalik balik. Kaso nabitawan ko yung sanang kukunin ko dahil may umagaw na sa binubuhat ko. "Ako na dito. Buhatin mo na lang yung mga magagaan." Sabi niya habang kinukuha yung hawak ko. Nagulat ako dahil sa bigla niyang pagkuha sa bitbit ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Nauna na siya sa loob habang buhat ang apat na plastik na puro mabibigat ang laman. Kitang kita ko ang mga nagsilabasang muscles sa braso niya. Simunod ako sa kanya bitbit yung mga magagaan. Nakita ko siya kinakalikot yung mga ginrocery ko. Ako naman ay inilabas na na yung laman para maayos na bago siya kumain. Saglit lang naman magluto ng seafood. May nakita akong hipon pa sa ref kaya yon na lang ang lulutuin ko. Lalagyan ko lang ng konting tubig at asin at aantayin na lang itong maluto. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko at luto narin yung niluluto ko kaya naghanda na ako ng plato para sa kanya. Isinandok ko ang request niyang seafood sa isang bowl at inilagay iyon sa lamesa. "Kumain ka na. Luto na yung pinaluluto mo." Sabi ko sa kanya bago ulit bumalik sa kusina para ayusin pa yung ibang pinamili. Pumasok siya loob at sinulyapan ang lamesang may nakahain. Hindi ko sana siya papansinin kaso kumuha siya ng isa pang plato na ipinagtataka ko. Anong gagawin niya sa isa pang plato? Eh meron na nga siyang plato sa lamesa. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya kung ano ang gagawin niya sa plato. Inilagay niya iyon sa tapat niya bago naupo. Anong gagawin niya diyan? Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Baka paglalagyan niya lang ng balat ng hipon. "Sumabay ka na." Nagulat ako dahil sa pag-aya niya. Wow? Si Eli inaaya akong kumain ngayon? "Hindi na. Marami pa akong ginagawa." Sabi ko at ipinagpatuloy ulit ang ginagawa. "Sumabay ka na. Pwede naman yan mamaya." Sabi niya habang binabalatan yung hipon. Kumunot ang noo ko at may narealize. Inaaya niya akong kumain kung kaylan seafood ang ulam. Tapos kapag mga pritong isda, adobo o kung ano mang luto na walang kinalaman sa seafood, hindi niya ako inaaya. "Alam mo namang.-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya. "Ipagbabalat kita." He said. Hindi siya nakatingin sa akin habang binabalatan niya yung hipon at inilagay iyon sa plato na kinuha niya. "Hindi na." Sabi ko. Kumakain ako ng seafood kaso ayokong nagbabalat. Tamad akong magbalat ng seafood. "Kumain ka na. Tanghali na. At sayang itong mga binalatan ko." Sabi niya at inilagay ulit sa pinggang nasa harap niya. "Hindi na. Iwan mo lang diyan. Mamaya na ako kakain." Sabi ko dito. "Sasabay ka o papalayasin na kita sa pamamahay ko?" Blackmail niya. Mabilis pa sa segundo akong naglakad at naupo sa tapat niya. Kumuha ako ng kanin at sinimulan ng kumain. Talagang yon ang ipang bablackmail niya para lang masunod ang gusto niya eh. Panay parin ang lagay niya ng binalatan niyang hipon sa pinggan ko. "Okay na to. Kumain ka narin." Sabi ko, dahil pansin ko hindi pa siya sumusubo simula ng kumain ako. Panay lang ang balat niya sa hipon at ilalagay sa pinggan ko. Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Pinagpatuloy niya parin ang paglalagay ng balat na hipon sa pinggan ko. Kaya binilisan ko na lang kumain para makakain  naman siya. Kaso sa kamalas malasan nga naman, nabulunan pa ako. Ubo ako ng ubo dahil sa dami ng nasa bunganga ko. Agad kong kinuha ang basong may lamang juice nasa tabi niya dahil isa lang naman ang baso na nasa lamesa. "Are you okay?" Tanong niya. Agad niya akong dinaluhan at hahagudin sana ang likod ko kaso natigilan siya ng mapagtantong marumi ang kamay niya sa kakabalat ng hipon. "Okay lang ako." Sabi ko, hindi na gaano inuubo. "Are you sure?" Tanong niya ulit. "Oo nga. Bumalik ka na sa pwesto mo at kumain ka na." Sabi ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya dahil naiilang ako kasi sobrang lapit namin sa isa't isa. I mean, oo nagkakalapit kami, pero hindi yung tumatama yung balat niya sa balat ko. Sa nakalipas na limang taon, ngayon lang ulit kami nagkalapit ng ganito. "Sigurado ka?" Tanong niya ulit. Lilingunin ko siya para sana sabihing okay lang ako kaso sa sobrang lapit namin sa isa't isa paglingon ko ay tumama ang labi ko sa labi niya. 10-02-20
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD