Kabanata 9

1312 Words
Kabanata 9 Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay iniiwasan ko ngayon si Eli. Inaantay ko muna yung oras ng pasok niya sa trabaho at sa lang ako lalabas ng kwarto. At kapag naririnig ko na yung tunog ng sasakyan niya, agad akong papasok sa loob ng kwarto. Ilang araw ko na bang ginagawa ito? Dalawang araw na. Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Eli. Sa loob ng dalawang araw na iyon, hindi man lang ako pinuntahan o di kaya ay kumatok sa pintuan ko. Hindi naman ako nageexpect na puntahan niya ako sa kwarto para lang tanungin kung okay lang ako. Pero kasi.... Wala na ba talaga siyang pakielam sa akin? Bumuntong hininga ako sa mga bagay na naiisip ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko para malaman kung nakaalis na ba si Eli. Hindi kasi naririnig yung tunog ng sasakyan niya kapag umaandar. Sound proof ata itong kwarto niya. Mag aalas-otso na ng umaga, ibig sabihin malapit ng umalis si Eli. Mga ganitong oras kasi aalis na siya para pumunta sa trabaho. Pangatlong araw na ito kung sakaling hindi kami magkikita. Inayos ko ang aking higaan bago nagpunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. "Ano kayang lulutuin ko?" I asked my self habang pababa ng hagdanan. Tinitignan ko ang cellphone ko para magsearch kung anong masarap na lutuin ngayong umaga. Alam ko naman magluto ng iba't ibang putahe kaso mga filipino food lang. Gusto ko lang magexplore ng iba pang luto, like american, korean, japanese foods. "Naabutan din kita." Napatingin agad ako sa nagsalita pagdating ko sa kusina. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Eli sa harap ng lamesa at kumakain mag-isa. Nakasuot na ito ng three piece suit at handa na sa pagpasok. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko kung saan nanonood ako kung paano gawin yung japchae. Para lang siyang pansit bihon. Kaso ang pinagkaiba ay korean glass noodles ang ginamit at may mushroom. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya. "Bakit naman kita iiwasan?" I asked without looking at him. Pero ang totoo ay iniiwasan ko nga siya. Busy na ako sa paghahanda ng lulutuin ko. Nasa ref ako para kumuha ng carrots, mushroom at iba pang ingredients. "Dalawang araw kitang hindi nakita. Sa tingin mo hindi ko alam na iniiwasan mo ako?" Bulong niya malapit sa tenga ko. Tumaas ang balahibo ko dahil sa sobrang lapit na naman niya sa akin. Hindi ako lumilingon sa kanya dahil baka mangyari na naman ang nagyari noon nakaraang araw. "Hey! Totoo ba? Iniiwasan mo nga ako?" He said in husky voice. Yung binti ko parang malulusaw na sa sobrang lambot. Kung ano ang epekto niya sa akin nung kami pa ay ganon parin hanggang ngayon. Walang nagbago, kung meron man, mas lalo pa itong lumala. "Hi-hin-hindi a-ah" pinalo ko ang labi ko dahil sa kanda utal utal na sagot. "Don't hurt yourself." Sabi niya sabay kuha sa kamay kong ginamit ko sa panampal sa bibig ko. Napasinghap ako sa dahil sa pagkuha niya ng kamay ko. Dahan dahan niya akong iniharap sa kanya. Pigil ang hininga ko ng nagkaharap kami. Hindi ko siya matignan sa mata. Kung pwede sana lamunin na ako ng simento ngayon. Hawak niya ang kamay ko habang ang isa naman ay isinarado ang ref. Pagkatapos ay inilagay ang braso doon kaya kapantay ko ngayon ang braso niyang nakaharang sa kanan ko. "Tell me, iniiwasan mo ba ako dahil sa halik na nangyari noong nakaraan?" Tanong niya. "Hi-hindi n-nga s-sabi!" Sabi ko hindi parin makatingin sa kanya. "Tsaka ano ba, bitawan mo nga yung kamay ko." Dagdag ko. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kaso imbis na maalis ay lalo niya lang itong hinigpitan. "Tinatanong kita." He said in a serious tone. "I'm not!" I said. "Kung hindi, bakit hindi ka nagpakita nang dalawang araw?" Tanong niya. "Malamang, maaga ka umaalis. Tulog pa siguro ako kapag umaalis ka. At kapag uuwi ka naman ay inaantok na ako. Kaya hindi talaga tayo magkikita." Paliwanag ko dito. "Umalis ka nga diyan." Sabi ko sabay alis sa kamay niya na nakaharang. Aalis na sana ako kaso nakalimutan kong hawak niya nga pala ang isang kamay ko. Kaya hinatak niya ako pabalik at isinandal sa pintuan ng ref pagkatapos ay lumapit pa siya sa akin. Halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. "I am not done with you woman." He said. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mukha ko. "Look at me." Sabi niya pero hindi ko sinunod. Panay parin ang tingin ko sa magkabilang gilid. "I said look at me woman or else i'll kiss you ." Banta niya. Go! Wala akong pakielam kung halikan niya ako. After nito ay iiwasan ko na lang siya ulit. Hindi ko parin sinunod ang sinabi niya. Panay parin ang baling ko sa iba't ibang direksyon. "You want a kiss ah?" Hindi ko alam kung tanong ba iyon or ano. Pero ang namalayan ko na lang ay dumampi ang labi ko sa labi niya. Nanlalaki ang mata ko habang siya ay nakapikit at dinadama ang halik. Dahan dahan niyang idinilat ang mata niya habang hinahalikan ako. Titig na titig siya sa akin na parang nagaantay ng iba pang reaksyon. Hindi pa ako nakakarecover ay bumitaw na siya sa halik. "Thanks for the dessert. I really like it." Sabi niya bago umalis ng kusina. Bumalik lang ako sa sarili ng narinig ko ang sasakyan niyang papaalis. What the hell just happened? Hinawakan ko ang labi ko at damang dama ko pa ang init ng halik mula kay Eli. Did it really happened? Napatigil ako sa kakaisip ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext sa akin mula sa unregistered number. From 09......... By the way don't you dare avoid my presence or else gagawin ko ulit ang ginawa ko sayo ngayon. Text palang ay kilalang kilala ko na. Tsaka paano niya nalaman ang number ko? Did he stalk me? Or did he get my phone while i'm sleeping? And I don't care kung halikan niya ulit ako. Kung gusto niya ay iiwasan ko siya ng iiwasan para lang halikan niya ulit ako. Wait? What? Sophia Alexis ano ba yang mga naiisip mo? Hindi ka naman ganito dati sa kanya ah! Tinampal ko ang ulo pagkatapos ay kinuha ko na ang ingredients para sa lulutuin ko. Pero mukhang hindi nakakaganang magluto ngayon dahil hindi parin mawala sa isip ko ang pangyayari. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagtimpla ako ng kape at nagtoast ng tinapay at nilagyan ito ng butter. Yoon lang kinain ko ngayon agahan. Ano kaya ang magandang gawin? Bat kasi three weeks ako nagfile ng leave eh. Ayan tuloy nabobored na ako dito sa bahay ni Eli. Wala man lang magawa. May pa rules rules pa kasi siyang nalalaman na ayaw niya ng malikot. Hindi na ako malikot gaya ng pagkakakilala niya sa akin. Nag matured na ako. Wala akong nagawa kundi pumunta sa sala at umupo sa malambot niyang sofa. Binuksan ko ang tv para maghanap ng mapapanood. Panay ang lipat ko ng channel ng may biglang nagdoorbell. Pinatay ko ang tv. Pagkatapos ay lumabas para malaman kung sino yung nagdoorbell sa labas. Binuksan ko yung pinto at nakita ang isang lalaking nakangiti sa akin. "Sophia!" Bati niya. "Kerby." Nakangiting bati ko dito. Si Kerby ay isa sa mga kaibigan ni Eli. Siya rin yung isa sa mga kasama ni Eli nung nagpunta sila rito para magswimming. "Pasok ka." Sabi ko. Gumilid ako para makapasok siya. "Kung si Eli ang hinahanap mo umalis na siya para pumasok sa trabaho." Sabi ko habang sinasara ang pintuan. "Hindi si Eli ang sadya ko dito. Kundi ikaw." Sabi niya. "Huh? Ako? Bakit ako?" Naiilang kong sabi. Don't tell me..... "Ano ba talaga ang pakay mo kay Eli at bumalik ka pa dito?" 10-03-20
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD