Evie’s POV
Namamangha pa rin talaga si Kris sa nakikita at hindi pa rin makapaniwala. "Mom! Dad! I'm here!" malakas na tawag niya sa mga magulang pagkapasok sa pinto. "Oh honey, I miss you!" pananabik na sabi ng kanyang ina. "Where is Dad?" tanong ni Evie. "Nandoon, nagluluto ng paborito mo," sagot ng kanyang ina, sabay tingin kay Kris. "Hello, you must be Kris," sabi nito at niyakap si Kris, na natulala.
Ang kaharap at yumakap sa kanya ay walang iba kundi si Lyka Smith, ang pinakamayamang babae sa mundo. Hindi niya maiwasang mapansin kung gaano kamukha ni Evie ang kanyang ina. Kaya pala may pagkakahawig sila ni Lyka Smith—mag-ina pala sila!
Tumawa nang malakas si Evie. "Say something, b***h!" At tumawa si Evie. "Language, young lady," saway ng kanyang ina. "I am not young, Mother," natatawang sagot ni Evie. Samantala, natutulala pa rin si Kris. Nang humarap sa kanya si Mrs. Smith, saka pa lang siya nakapagsalita.
"Hi, Ma'am Lyka! I'm so honored to finally meet you," sabi niya, may ngiting hindi pa rin makapaniwala. "You can call me Tita Lyka, Kris," tugon ni Mrs. Smith."Okay po, Tita Lyka," sagot ni Kris, at nagyakapan ulit sila. "Oh, tara na at kakain na tayo maya-maya," aya ni Mrs. Smith.
Pagdating sa kusina, agad na lumapit si Evie sa ama niya. "Hi, Dad!" sabay yakap. "Hello, honey! I miss you. Ang tagal mo namang dumalaw rito," may halong pagtatampo nitong sabi. "I'm sorry, Dad. Busy lang talaga ako kasi may tinapos akong work," paliwanag niya, sabay halik sa pisngi ng ama.
Alam ng kanyang ama kung gaano siya kaabala sa trabaho bilang doktor. Madalas siyang pinapatawag ng ospital tuwing may kailangang operahan. Matapos niyang mag-aral ng medisina, nagpasiya siyang magpatayo ng sariling ospital kasama ang kanyang matalik na kaibigan at isang kakilala nilang magaling ding doktor. Sila ngayon ang namamahala ng ospital. Hindi lang iyon, nag-aral din siya ng psychology, at doon niya nakilala si Kris.
"I know, I know. Oh siya, sige, at kumain na tayo," sagot ng kanyang ama. Napatingin ito kay Kris. "Hello! You must be Kris, ang gustong ipakilala sa amin ng anak ko," sabi nitong may pananabik. Si Kris naman ay hindi pa rin makapaniwala na ang kaibigan niya ay anak ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo. "Hi, Mr. Smith. I'm Kris," nahihiyang pakilala niya.
"Just call me Tito Richard. At salamat sa pagsaway minsan sa anak kong ito—she's so stubborn sometimes," natatawang sabi ni Mr. Smith. Napatawa rin si Kris dahil totoo namang napaka-pasaway ni Evie. "Walang anuman, Tito Richard," sagot niya. "Oh, tara na't kumain na!" masayang aya ni Mr. Smith.
Habang kumakain, hindi pa rin mapigilan ni Kris na mamangha sa kabaitan ng mga magulang ni Evie. Akala niya dati ay mahigpit o masyadong sosyal ang mga ito, pero napakasimple pala nila. Kahit sa mga kasambahay ay magalang sila kung mag-utos. Ngayon alam na niya kung saan gnagmana ng pagiging mabait at down-to-earth si Evie. "Oh, honey, bago kayo magpahinga, kailan mo ba kami ipapakilala sa girlfriend mo?" tanong ng ama ni Evie. Alam ng kanyang mga magulang na babae ang gusto niya, at tanggap nila ito ng buong puso.
"Huwag kayong mag-alala, Dad. Hindi pa time, so just wait a little bit, okay?" sagot ni Evie. Masaya silang nagkuwentuhan hanggang matapos ang kanilang dinner. "Dad, akyat na po kami. Salamat sa luto mo!" sabi ni Evie, sabay halik sa kanyang mga magulang.
Pagdating sa itaas, biglang hinampas ni Kris si Evie. "B***h! Bakit hindi mo sinabi na sina Tita Lyka at Tito Richard ang Mommy at Daddy mo?" "Araaay! Nakakailan ka na, ha!" reklamo ni Evie. "Mahilig ka talagang manghampas. Kung may s*x life ka siguro, palagi kang nag-i-spank!" pang-aasar niya. "Paano mo nalaman? Wanna try?" pabirong sagot ni Kris
"Eeew!" natatawang sagot ni Evie. Nang makarating sila sa second floor, itinuro ni Evie ang isang kwarto. "Dito yung kwarto mo simula ngayon. Itong sa harap naman ang akin," sabi niya. Pumasok sila sa loob ng kwarto ni Kris, at agad siyang namangha. "Ang ganda naman ng kwartong ito!" sabi ni Kris.
"Kwarto ito ng kapatid kong si Sandra. Pero ngayon, sa'yo na. Kung kailan mo gustong pumunta rito, welcome ka," sagot ni Evie. Biglang nalungkot si Evie. Para na rin kasing kapatid ang turing niya kay Kris. Lagi siyang inaalagaan nito, kahit gaano siya kakulit o kasutil. Lagi siyang sinasaway at pinagtatanggol.
Nagtaka si Kris. "What do you mean, sa’kin na? You mean akin na ang kwartong 'to?" Tumango si Evie, nakangiti.
Alam ni Kris na may kapatid si Evie na namatay noong high school graduation nito. Sa pagmamadali ng kapatid niya para sa surprise, nagkaroon ng aksidente. Ilang buwan nagkulong si Evie sa kwarto, at muntik pang mawalan ng buhay ang kanyang ina dahil sa matinding lungkot. Dahil doon, nag-aral siya ng medisina at psychology.
Naiiyak si Kris sa sinabi ni Evie at niyakap siya nang mahigpit. "Wag ka nang mag-alala sa mga magulang at mga kapatid mo. Binigyan ko na sila ng pagkakakitaan at libreng gastusin sa pag-aaral ng mga kapatid mo. Alam kong nahihirapan ka. Sorry kung ngayon lang ako gumawa ng paraan," paliwanag ni Evie.
"Salamat talaga ng marami. Okay na akong malaman na maayos ang kalagayan nila," sabi ni Kris, tuluyan nang naiyak. "B***h! Are you crying?" tukso ni Evie.
"Hindi ah!" sagot ni Kris, sabay hampas sa kanya. "Oh siya, sige, at matulog na tayo. May meeting tayong aasikasuhin bukas," sabi ni Evie. "Saan naman tayo magmi-meeting?" tanong ni Kris. "Sa Thompson Building. Preparation for the coming gala," sagot ni Evie. "You mean kay Lexi Thompson?" tanong ni Kris. "Who is that?" naguguluhang tanong ni Evie. "Lexi Thompson. 'Yung may crush ka, b***h!" sagot ni Kris, sabay hampas.
"What?! She's rich?" gulat na tanong ni Evie. "B***h! Mas mayaman ka sa kanya!" sagot ni Kris, sabay hampas ulit. "Araaay! Kanina ka pa, ha!" reklamo ni Evie. "But she's so simple. At nung umalis siya kanina, parang may tinatago siyang lungkot."
"Alam mo na kung anong dahilan, sinabi ko na sa'yo kanina," paalala ni Kris.
"Oh siya, sige, matulog na tayo. Mahaba pa biyahe natin bukas," sagot ni Evie. Nang mahiga siya, naalala niya si Lexi. Napaka-guarded nito. Pero bago ito umalis, parang may gustong sabihin.
Biglang nag-ring ang phone niya.
"Hi, Baby Pawpaw. Kumusta ka na?" tanong ng nasa kabilang linya. "Hello, Baby! I'm good. At may nakilala akong babae, and I like her so much. Pero sila pa ng boyfriend niya. Ang tarantado ng lalaking ‘yun—nalaman kong nag-cheat siya sa kanya. Pero I will make her mine someday. Hihintayin kong mag-break sila. Hindi ko siya bibiglain, but I will make her fall in love with me," pagtatapat ni Evie.
"Pawpaw, are you in love? I feel it—this is not just a like or a crush. You never said that before na gagawin mo ang lahat para lang maging sa'yo ang isang babae. Usually, girls are always chasing you, but you never make an effort to make someone fall for you," paliwanag ng nasa kabilang linya. "I don't know. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Baby Paw!?" sagot ni Evie. "Bakit ka nga pala napatawag?"
"Tanong ko lang, nasaan ka ngayon?" nakangiting tanong ng nasa kabilang linya. "Dito sa bahay namin. Bakit? Pupunta ka ba rito?" pananabik na tanong ni Evie. "Kasi pauwi na ako. Gusto kong sunduin mo ako sa airport bukas, mga bandang 10 o’clock ng umaga," paliwanag ng nasa kabilang linya.
"Sorry, pero may meeting ako bukas sa Thompson para sa incoming gala. Kaya hindi muna kita masusundo," paumanhin ni Evie. "Ohh, okay. I understand. Hehehe. But I will see you tomorrow, okay?" saad nito na walang halong pagtatampo. She knows Evie so well.
"Okay. Ingat sa biyahe bukas, at text ka kapag nakarating ka na at kung nasaan ka para makapunta ako doon, okay?" sagot ni Evie. "Okay. Bye, Baby Pawpaw. Good night!" pamamaalam ng nasa kabilang linya. "Bye, Paw! Good night too," sagot ni Evie, at dinalaw na siya ng antok.
Lexi's POV
"Good morning, Ms. Lexi," bati ng secretary niya.
"Good morning to you too, Ate Claudette," sagot niya with a smile bago pumasok sa opisina. Binati rin siya ng assistant niyang si Shiana. "Good morning to you too, Shiana," sagot niya sabay upo.
May iniabot si Shiana sa kanya—isang letter tungkol sa meeting bukas para sa gala preparation. Binasa ito ni Lexi at napansin na galing ito sa JJ, o Java Junction, na dadalo rin sa event bukas. Naalala niya bigla ang nangyari kanina—kung paano siya flinirt ni Evie at ang nakakahiya niyang reaksyon noong una niya itong makita. Hindi niya mapigilang mamula at uminit ang mukha niya.
"Are you alright, Ms. Lexi?" tanong ni Shiana nang mapansing namumula siya. "Yes, okay lang ako. Pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo," sagot niya. Tumango si Shiana at bumalik sa kanyang upuan, habang si Lexi naman ay binaling na lang ang atensyon sa mga trabahong kailangang tapusin. "Shiana, pwede pakibigay nito sa Dad ko, please?" utos niya habang iniaabot ang dokumento.
"Okay po, Ms. Lexi," sagot ni Shiana, sabay kuha ng papel. "Thank you," sagot ni Lexi. Pagkaalis ni Shiana, biglang may pumasok sa opisina. Napalingon siya at bumungad si Michael, may dalang bulaklak para sa kanya. Ngumingiti ito, akala mo’y walang kasalanang kataksilan.