Evie’s POV
Knock! Knock! Knock! "Pasok!" sabi ng pinsan niya. "Pinapunta mo raw ako?" nagtatakang tanong ni Evie. "Oo, kasi hindi ako makakapunta bukas. Pwede bang ikaw muna ang umattend ng meeting?" pakiusap ng pinsan. "Pwede naman," sagot ni Evie. "Okay, salamat. Mga 10 o’clock ng umaga sa Thompson Building for preparation for their incoming gala. Isa kasi tayo sa maghahanda ng mga makakain nila," saad ng pinsang si Jastine.
"Okay, Jas. Ako na ang bahala," sagot ni Evie with a smile, na kayang gawin kahit hindi nakapaghanda ng kung anong report. Nagpaalam na si Evie at bumalik sa ginagawa. Habang pababa, may naririnig si Evie na sigawan.
"Nasaan na ang manager ninyo?! Gusto ko siyang makausap!" sigaw ng lalaki. Habang papalapit si Evie, narinig niya si Mika na humihingi ng tawad. "Sorry na po, Sir Michael. Hindi na po niya uulitin, at hindi niya po sinasadyang matapunan ng coffee ang secretary mo," nagmamakaawang sinabi ni Mika. "I said, where is your manager?! Siya ang gusto kong makausap, at ipatanggal na itong babae na ito!" galit na sinabi ni Michael.
"Anong nangyayari dito at bakit kayo nagkakagulo?" tanong ni Evie. "Ihatid ko na sana sa mesa nila, nang biglang napatayo po ang secretary ni Sir Michael. Ayun, natapon po sa kanya," sagot ni Kris. Biglang sumagot si Michael, "At kasalanan pa ng secretary ko na aanga-anga ka kung bakit natapon ang coffee na inorder namin?!" napasigaw na nga si Michael.
"Huminahon ka muna, Sir. Ah, Miss, nasaktan ba kayo?" tanong ni Evie sa secretary ni Michael. "Hindi naman ako nasaktan. Sinabi ko naman na okay lang ako," sagot ng secretary ni Michael na may halong pang-aakit, pero hindi na ito pinansin ni Evie. "Eh okay naman pala, hindi naman nasaktan at humihingi na ng tawad ang kaibigan ko. Bakit ka pa nagagalit?" saad ni Evie.
"Sino ka ba?! At kung sino ka man, kung umasta ka parang boss dito! Ang gusto kong makausap eh yung manager ninyo!" sagot ni Michael. "Staff ako dito, at humihingi na ng tawad yung kaibigan ko. Huwag na sanang umabot sa tanggalan, nagha-hanapbuhay ang tao eh," sagot ni Evie.
Tamang-tama, bumaba na si Jastine.
"Salamat at andito ka na, Jastine! Gusto ko ipatanggal mo na yang babaeng yan!" galit na sabi ni Michael. "Wala kang aalisin dito sa mga staff ko," sabay seryosong tingin ni Evie kay Jastine. "Halika na, Kris, at mag-half-day lang tayo," saad ni Evie kay Kris. Hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ni Evie kay Jastine na walang tatanggalin, at tumango lang si Jastine. Alam kasi niya na seryoso ang pinsan niya. Kinuha na nina Kris at Evie ang mga gamit nila. Hindi nila alam na kung hindi dahil kay Evie, wala ang negosyong ito ni Jastine.
Jastine’s POV
"Sorry, Michael, pero hindi ko maaaring tanggalin si Kris," saad ni Jastine. "Eh bakit hindi mo magagawa?! Ikaw ang may-ari nito!" galit na saad ni Michael. "Malaki ang respeto ko kay Evie, at malaking tulong ang ginawa niya para sa aking pamilya at kung bakit nagkaroon at kung paano kami nagkaroon ng sariling negosyo. Bakit? Ano ba ang kasalanan ni Kris sa'yo?" saad ni Jastine. "Ano ba siya dito?" galit na saad ni Michael.
"Nag-apply si Kris dito limang buwan na ang nakalipas. Sumunod si Evie na isang linggo pa lang dito. Kakabalik lang niya mula New York last month at naghahanap ng trabaho, kaya pinapasok ko na siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, at paumanhin, pero hindi ko magagawa na tanggalin si Kris," pagpapaliwanag ni Jastine.
"Aaah, bahala ka na nga diyan!" galit na sabi ni Michael at umalis na sila ng secretary niya. Si Jastine ay pinsan ni Evie. Ang papa ni Jastine at ang mama ni Evie ay magkapatid, pero hindi sila mayaman—isang ordinaryong pamilya lamang. Sila ang nag-alaga kay Evie simula pagkabata. Pero noong college siya, nagpasya siyang mag-aral sa malayo, nag-working while studying kahit na binibigyan siya ng mga magulang niya. Ilang beses din siyang nag-aral—una ay medisina, pagkatapos ay psychology. Lahat iyon ay natapos at pasado, pero she still worked as a staff. Hindi alam ng parents o ng mga kamag-anak niya kung ano talaga ang gusto niya sa buhay. Hinahayaan na lang nila siya kung saan siya masaya. Palipat-lipat siya ng trabaho, pero kahit ganon, malaki pa rin ang naitutulong ni Evie sa kanyang pamilya.
Evie’s POV
"Saan tayo pupunta?" saad ni Kris habang papunta sa sasakyan nila. "Mag-go-grocery tayo," sagot ni Evie. "Okay," sagot ni Kris with a smile. "Salamat nga pala kanina, ha, sa pagtatanggol mo," malungkot na saad ni Kris. "Walang anuman," sagot ni Evie habang nagmamaneho. "Kung hindi dahil sa'yo, mapapaalis na ako. Paano na lang ang pamilya ko?" Napabuntong-hininga si Kris, at ngumiti na lang si Evie sa kanya.
Dumating na sila sa mall at papunta na sa supermarket. Habang namimili ng mga bilihin, nagtatakang tanong ni Kris, "Bakit ang dami-dami nito?" Tumawa lang si Evie. "HAHAHA! Malalaman mo mamaya kung ano ang gagawin natin dito." Tuloy pa rin sila sa pamimili ng pagkain. Matapos ang grocery, tumungo na sila sa pupuntahan nila.
"Nagtataka ako, bakit mo napapayag na hindi tayo ipapatanggal sa trabaho? May relasyon ba kayo ni boss?" Tumingin si Evie kay Kris at biglang tumawa ng malakas. "Anong pinagsasabi mo?! Pinsan ko si Jastine, at nakiusap ako na magtrabaho sa kanya," sabay tawa ulit ni Evie. "Whaaaaaaaaat?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Akala ko ba kaibigan mo ako? At best friend mo!?" nagulat at nagtatampong sabi ni Kris.
"Sasabihin ko na nga sa'yo, naunahan mo lang talaga ako! Ang dami kasing nagaganap ngayon," sabay tawa ulit ni Evie. Dumating na sila sa orphanage.
"Orphanage?" nagtatakang tanong ni Kris. "Opo," nakangiting sagot ni Evie. Maya-maya, maraming bata ang nagsilabasan. "Ate Evie!!!" sabay takbo at yakap kay Evie. "Hello!" sabay ngiti ni Evie. "Kamusta na kayo? Nagpapakabait ba kayo?"
"Opo!" sabay-sabay na sagot ng mga bata. "Ate Evie, sino siya?" tanong ni Lucas. "Siya nga pala si Kris, best friend ko," sagot ni Evie. "Hello, Ate Kris! Salamat po sa mga pagkaing dala ninyo ni Ate Evie," pasasalamat ni Lucas. "Walang anuman..." sagot ni Kris, ngunit hindi niya agad natapos.
"Lucas po," sabay ngiti ni Lucas. "Walang anuman, Lucas," sagot ni Kris, at nag-akapan ang dalawa at sa loob-loob ni Kris, masaya siya at naisip niyang ang ganda palang may nabibigyan ka ng makakain sa mga nangangailangan. Pangarap niya na balang araw ay makapagbibigay siya ng pagkain sa mga nagugutom, at ngayon lang siya nakatulong sa pamimigay ng pagkain sa mga tao. Masarap pala sa pakiramdam na may natutulungan ka.
Noong hindi pa nakapagtapos si Kris, nahirapan din siya at ang kanyang pamilya sa buhay. Minsan ay wala silang makain dahil kapos sila sa pambili. Tatlo silang magkakapatid kaya nagtiyaga siyang makapagtapos kahit ilang taon na siya. Pero nag-aral pa rin siya. Ngayon, habang nagpapart-time muna siya para makahanap ng magandang trabaho, muntik pa siyang matanggal dahil sa lalaking ‘yun—gagawa ng kalokohan at manggagaya pa ng iba!
"Hello, Ms. Evie! And you must be Kris?" sabay yakap sa dalawa. "Hi, Ate Marian! Pasensya na kayo, ngayon lang ulit nakapunta. Kakadating ko lang eh," paliwanag ni Evie.
"Alam ko namang busy ka, Ms. Evie, kaya huwag ka nang mag-alala. O siya, sige, pumasok na muna tayo." Sila ay masayang nagkukuwentuhan at nagkukulitan kasama ang mga bata, nang biglang nagtanong si Evie. "Bakit galit na galit sa’yo si Michael kanina? Alam kong may mas malalim na dahilan ‘yun at gusto ka talaga niyang ipatanggal."
Sinabi naman ni Kris ang katotohanan. "Eh kasi, noong nakaraang araw, nag-deliver ako ng coffee nila. Pagdating ko sa office nila, wala ang secretary niya na dapat ay pagbibigyan ko. Absent noon ang assistant ni Sir Michael, kaya naisipan kong ibigay na lang sa kanya. Pero nakita ko sa bukas na pinto—naghahalikan silang dalawa! Kumatok ako at nagpanggap na walang nakita, pero siguro hindi sila naniniwala na wala akong nakita. Kaya gusto akong ipatanggal," pagpapaliwanag ni Kris kay Evie.
"Eh okay lang naman kung makita mo sila, eh! Kung mag-nobyo at nobya sila," natatawa na lang si Evie. "Eh ‘yun na nga ang problema—hindi sila mag-jowa! Naalala mo ‘yung babaeng kanina na bumili sa’yo? ‘Yung maganda? Si Lexi ‘yun—jowa niya! Kaya natatakot siya na baka isumbong ko siya. Lagi-lagi kasi silang nagkakape doon kasama ang best friend niyang si Sofia," sagot ni Kris.
Pagkarinig noon, kumulo ang dugo ni Evie sa nalaman. "Eh baliw pala ‘yun, eh!" Napamura na lang si Evie. Alam niyang masasaktan si Lexi kapag nalaman nito na niloloko siya ng nobyo niya. "Ayaw mo noon? May chance ka sa crush mo!" panunukso ni Kris.
"Lalabas din ang katotohanan kahit anong tago mo," sabi ni Evie. Pero sa loob-loob niya, may bahagi sa kanya na masaya. Balang araw, kung wala na sila, liligawan niya si Lexi. Pero baka straight ito… pero sa reaksyon niya at mga tingin niya, aaaaah! Basta, she’s interesting.