Kabanata 1: Nagipit
Makailang araw na ang lumipas nang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang girlfriend kong si Charmaine. Ang sabi niya sa akin, papayag siyang mag motel kasama ko kung mabibigyan ko siya ng iPhone 13.
Nilapitan ko ang loan shark na rekomendado ng isa kong kaibigan upang maka-utang ng pera para mabilhan ko si Charmaine ng gusto niyang cellphone.
Di ko akalain na pagkalipas pa lang ng ilang araw, tinatawagan na ako ng loan shark para maningil…
Tang-ina, sa loob ng isang lingo, P75,000 dagdag na ang interes, sinisingil ako ng P150,000! Saang lupalop naman ako kukuha ng ganyan kalaking halaga?
No choice, kailangan ko munang magtago!
Balak ko sanang bayaran agad ang loan shark sa oras na magkapera ako.
Sinong mag-aakala na nung weekend, pagkalabas pa lang namin ni Charmaine sa gate ng paaralan ay hinarang na kami ng limang tao. Ang lider pa nila ay may pilat sa mukha mula sa sugat sa kutsilyo…si Scarface.
Tiningnan ako ni Scarface mula ulo hanggang paa, at binigyan ako ng napakasamang tingin. Tanong niya: “Kuneho, ikaw ba si Lyndon?”
Tumango ako at naging alerto nang marinig ko na tinawag ang pangalan ko.
“f**k! Nahanap din kita sa wakas! Humiram ka ng P75,000 sa amin, ngayon, kasama ang interes, P160,000 na ang total! Magbayad ka na ora mismo!”, mabangis na singhal ni Scarface.
Nang marinig ko ang mga salitang binitawan ni Scarface, na-gets ko na natunton na ako ng loan shark!
Naku, patay na ako!
Unang beses ko naranasan ang ganitong sitwasyon. Di ako magpapakatotoo kung sasabihin kong hindi ako takot. Tumango ang ulo ko at mahinang nagtanong kay Scarface: “Boss, di ba nung nakaraang araw, ang sabi niyo P150,000? Bakit naging P160,000 na?”
Umabante si Scarface at binigyan ako ng mapanlinlang na titig at sinabi: “Sus! Ayaw mong magbayad ng utang, pinagod mo pa kami kung saan ilan beses kami na pabalik balik, ang sweldo ba nila di kailangan ng pera ha?!”
Biglang nagtago sa likod ko si Charmaine at dali-daling itinago ang cellphone. Palagay ko ay nahulaaan na niya na inutang ko ang perang ipinambili ko ng cellphone na ipinangregalo ko sa kanya. Takot siyang agawin ito ni Scarface sa kanya!
Matinding kahihiyan ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. “Boss, pwede po bang bigyan mo ako ng extension kahit ilang araw lang? Siguradong magbabayad ako sa oras na may pera ako!”, nag-aalangan kong sinabi.
Nang marinig ito ni Scarface ay galit niyang sinabi: “Gago! Mukhang kailangan kang bigyan ng leksyon para magtanda ka ah!”
Bigla akong napaatras sa takot at madaling sumagot: “Wag, wag, wag kang magalit Boss! Gusto ko lang naman sana humingi ng konting oras…3 araw…3 araw lang siguradong mababayaran na kita, please naman parang awa mo na.”
Humalakhak si Scarface: “Sa itsura mong yan, wag mo nang sabihing 3 araw, kahit bigyan pa kita ng 30 araw, di ka pa rin makababayad ng utang! Sige na, wag ka nang pumalag, sumama ka na sa amin!”
Sinenyasan ni Scarface ang 4 na tauhan niya. Sa takot namin ay napaatras kami ni Charmaine: “Boss, huwag naman ganyan, parang awa mo na, bigyan mo pa ako kahit 2 araw…2 araw lang siguradong makakabayad na ako…”
Sa oras na ito, sinong mag-aakala na biglang bumitaw sa kamay ko si Charmaine at nagtago sa isang tabi at sabi: “Boss, di ko siya kilala ah, walang kinalaman ang lahat ng ito sa akin!”
Napalingon ako at napatulalang tumitig sa kanya.
Wala na akong oras na mag-isip pa dahil nakalapit na sina Scarface at ang mga kasamahan niya. Idiniin na ako sa lupa kaya sumigaw na ako ng saklolo.
Kalaunan, itinulak nila ako sa loob ng isang kulay silver na van.
Habang naghahanda silang bugbugin ako sa loob ng van, nakatanggap ng isang tawag si Scarface. Lumingon siya sa akin, tumawa nang sarcastic at sabi sa akin: “Bata, maswerte ka, saktong may kliyente ako na naghahanap ng isang college student! Yaman din lamang na di ka makabayad, eh di katawan mo na lang ang pambayad utang mo!”
Nanginginig ako sa takot, hindi na ako nakatanggi, di ko alam kung anong tadhana ang haharapin ko.
Di ko inaasahan na dadalhin nila ako sa isang night club!
Pagkapasok sa night club, dinuro ako ni Scarface at binantaan ako na kailangang sumunod ako mamaya sa kung anong sasabihin ng tao sa loob ng room. Kapag napasaya at makuntento ang tao sa loob ng silid, burado na ang utang ko sa kanila. Pero papatayin nila ako kapag pumalpak ako.
Napatango na lang ako sa takot. Wala rin naman akong choice sa puntong ito.
Dinala ako sa labas ng isang VIP room sa ika-5 palapag ng night club. Kumatok si Scarface at may kinausap sa loob. Pagkatapos ay kinawayan niya kami para lumapit at itinulak na ako papasok sa loob ng VIP room.
Nahulaan ko na kung ano ang balak nilang ipagawa sa akin. Wish ko lang na di naman masyadong pangit ang taong nasa loob. Pagsasamantalahan na rin lang ako, sana medyo may itsura naman ang babae.
Natigilan at natulala ako pagpasok ko ng silid. Sa totoo lang, higit pa sa aking inaasahan ang tumambad sa akin…
Sa loob ng silid ay may isang halos 30-anyos na dilag, nakasuot ng sutla na sexy nightgown, nakasandal sa sofa at naka-cross ang mga binti. Isang napakaputi at makinis na paa ang pa-dangle dangle na parang ang sarap halikan.
Sadyang napakaganda ng babaeng ito na parang isang diwata, kaakit-akit na mga mata na tila tumutulong tubig.
Dinala ako ni Scarface sa harap ng babae at magalang na sinabi: “Miss May, dala ko na po ang ni-request niyo na college student, may itsura pa! Ano sa tingin niyo?”
Nang marinig ni Miss May ang tanong ni Scarface, itinaas niya ang magaganda niyang mga mata at kinilatis ako mula ulo hanggang paa, ngumiti nang kaakit-akit at ang sabi sa akin: “Totoy, lumapit ka nga at umupo sa tabi ko.”
Di ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko sa mga oras na iyon at sinunggaban ko ang pagkakataon na umupo sa tabi niya.
Itinaas niya ang kanyang maputing kamay at hinimas-himas ang aking kamay, ngumiti at tinanong: “Sabihin mo nga sa akin, talaga bang college student ka?”
Honestly, sa tagal na panahon naming magkasama ni Charmaine, hindi ko pa siya naka-holding hands. Hindi ko pa naisasagawa ang plano naming mag-motel eh natunton na agad ako ng loan shark! First time kong mahipuan ng isang babae…ng isang napakagandang babae pa! Nag-blush ako at uutal-utal na sumagot: “Opo…”
Biglang kumislap ang mga mata ni Miss May na waring may nadiskubreng kayamanan. Di siya makapaniwala: “Virgin ka pa ba!?”