Hindi ako mahilig makisawsaw sa problema ng iba, ngunit talagang sumosobra na siya. Hindi ko kayang manood lamang sa isang tabi when it comes to matters concerning Thalia. Napahiyaw siya at bumitaw ang kanyang kamay. Dali-daling nagtago si Thalia sa likod ko sa takot. Galit na tumingin sa akin si Charlie at sumigaw: “Sino ka ba, problema naming dalawa ito kaya’t huwag kang makialam!” Humakbang ako at tumayo sa kanyang harapan: “Ako na ang bahala dito!” Hindi maikakaila na may advantage ako sa height, at pati ang mga binitawan kong mga salita ay may dating. Sa sandaling ito, bigla niyang pinalipad ang kanyang kamao papunta sa direksyon ng aking mukha, Mabuti na lang at nakatingin pa rin ako sa kanya, kung kaya’t naharang ko agad ang kanyang kamao at pinihit ang kanyang braso papunta

