Base sa kasuotan ng lalaki ay parang manager siya ng hotel. May sinasabi siya kay Miss May sa may entrance ng hotel. Nakita kong tumango si Miss May bago lumabas at naglakad papunta sa direksyong ito. Sa oras na ito, kumaway din sa akin ang tauhan ni Scarface na si Samboy mula sa side entrance, sinesenyasan akong pumunta roon. Nang papasok na ako ng lobby, lumingon ako at nakita kong binubuksan ni Miss May ang pinto ng Bentley kung saan ako kumuha ng selfie kanina. Medyo nagulat ako! Alam kong mayaman si Miss May, pero hindi ko akalaing isa pala siyang doña na ang gamit sa paglalakbay ay puro luxury cars na ending in 8 ang plaka. “Bro, anong tinitingnan mo?”, lumingon din si Samboy at sinundan ang aking tingin. Agad akong lumingon pabalik at sumagot: “Ah, wala lang, parang may nak

