Pakiramdam ko ay na-blangko ang aking utak at yumayanig ang mundong nasa harap ko. “Imposible, hindi ito totoo…sabihin mong hindi ito totoo, Kuya Lex!” Tumayo ako at humarap kay Kuya Lex. Nakita kong punong-puno ng kahihiyan ang kanyang mukha. Nakababa ang ulo at hindi umiimik. Para akong tinamaan ng kung anong malakas. Nanginig ang buo kong katawan at muntik akong mapatumba. Buti na lang naalalayan ako kaagad ni Harry. Ang gulo ng aking kalooban: “Harry, di ko lubos akalain na sa buong dorm ay tayong dalawa lang ang tunay na mag-brad.” Sa oras na ito, iniamba ni Harry ang kanyang ulo at walang tigil na sinampal ang kanyang bibig habang umiiyak: “Sorry Kuya Lyndon. I’m very very sorry. Ako rin…” Grrrr! Last straw na ang pahayag ni Harry sa akin. Parang nag

