“Masayang-masaya ang lahat ng mga bata, Joy. Salamat sa mga bago mong kaibigan na tumulong sayo at higit sa lahat, sayo. Salamat, Joy dahil hulog ka talaga ng langit. Alam mo naman na sobrang mahalaga ang ampunan sa aming lahat na mga madre na dito na naka-ukol ang buong buhay. Kaya talagang sobra kaming nag-alala ng wala na kami g maisip na paraan para mapanatili ang bahay-ampunan. Kaya maraming-maraming salamat, anak,” hinawakan pa ni mother superior ang mga kamay ko dahil sa labis na pasasalamat. Day-off ko ngayon at sakto noong isang araw ay inabot na sa akin ni sir Agaton ang kopya blue print na gagawin ng bagong bahay-ampunan. Siyempre, sobrang excited na akong maipakita sa mga madre at sa mga bata ang kanilang bagong tahanan. “Wala pong anuman, mother superior. Alam niyo naman p

